CASSANDRA
Tahimik ang buong kwarto at ang tanging maririnig lamang ay ang kabog ng dibdib ko. Napatingin ako sa couch kung saan nakaupo si mom at kausap ang private doctor ko. Maya-maya pa ay tumayo sila at lumapit sa kinaroroonan ko.
" I'm sorry Mrs. Mendez but his leukemia has no cure." parang patalim ang salitang binitawan ng doctor huli ko ng maramdaman na nanginginig ang buo kong katawan kasabay ng luha ko.
" N-No..thats n-not true.." kaagad lumapit si mom at mahigpit akong niyakap." Am I d-dying..? "
" No Cass you're not dying. I'll do everything to cure your illness. You're not dying.." ramdam ko ang panginginig ng katawan ni mom.
" I'M DYING! " wala sa sariling tumakbo ako palabas ng kwarto ko. Wala akong idea kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang gusto kong lumayo..napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang paninikip nito.
NERO
9pm na nang gabi at hindi ako makaramdam ng antok kaya naman lumabas muna ako ng kwarto. Nasa lobby sina Janine at Joseph kanina pa nila akong inaaya pero mas pinili kong manatili sa at ngayon nagsisisi na ako na hindi sumunod sa kanila.
" Nakakainis saan kay--" napatigik ako sa paglalakad nang makita ang mga doctor na nagtatakbuhan wala namang emergency alarm pero bakit balisa silabg lahat?
" Hanapin nyo si Ms. Mendez! " si nurse Kim agad sumunod sa kanya ang mga security guard. Napalingon ako sa isang pintuan at nakita ko ang hawing kurtina.
Possible bang lumabas siya dito? Kaagad akong lumabas sa pintuang iyon, madilim ang buong paligid inilabas ko ang cellphone ko at ginawang flashlight.
" Nandito kaba? Please bumalik kana sa loob hinahanap ka nang mga doctor." walang sumagot kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang nakahandusay na tao sa damuhan.
Kaagad ko siyang nilapitan at hindi ako nagkamali dahil tao nga siya, bubuhatin ko sana siya pero naalala ko ang injured kong braso.
" Miss gumising ka, miss." hinawakan ko ang kanyang pulsuhan at nagulantang ako dahil mahina ang tibok ng pulso niya.
Sa sobrang taranta ko ay binuhat ko siya napatigil naman ako ng maramdaman ang sakit nang braso. Hindi ko ininda ang sakit ng braso dahil dali-dali ko siyang iniakyat sa VIP suite, nakita ako ni nurse Kim at kaagad humingi ng tulong.
Naipasok na sa VIP room ang babae gusto ko sanang pumasok para malaman ang kalagayan nya pero kaagad akong pinigilan ni nurse Kim. Inihatid niya ako sa kwarto.
" Dapat humingi ka nang tulong sa mga nurse dahil hindi pa magaling ang injury mo." sabi ni nurse Kim sa akin para siyang ate sa mga pasyente dito kaya naman nire-respeto namin siya. " Pero salamat dahil hindi ka nagdalawang isip na tulungan si Cassandra."
" Pwede ko ba siyang bisitahin mamaya, gusto ko lang malaman ang kalagayan nya." napabuntong hininga si nurse Kim siguro ay nakukulitan na sya sa akin.
" Sige pero hindi ka pwedeng magtagal dahil merong CCTV camera ang VIP room." napangiti ako dahil sa sagot ni nurse Kim.
" Da'best ka talaga nurse Kim. "
YOU ARE READING
Stay With Me
RomanceCassandra dreamed to have a perfect family. But that was not given to him, because the life that happened to him was an opposite in real life. She has been in hospital for years and the only people he can talk are the doctors and a nurses. She is su...