NERO
" Grabe malala ba talaga ang injuries mo at kailangan mong magtagal dito sa hospital nang apat na buwan? " tanong ni couch habang hawak ang braso ko na merong bandage.
" Sayang naman hindi ka makakalaro sa tournament next week. Siguradong lahat nang chicks mo ay mano--" hindi na naituloy ni Jethro ang sasabihin dahil kinutusan siya ni David.
" Paano kapag narinig ka ni Ella siguradong papatayin ka n--"
" Narinig ko na David.. " pare-pareho kaming napalingon at nakita namin si Ella na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa amin. Pati si couch ay natatawa sa reaksyon ng girlfriend.
Ella Salvador is my girlfriend and we met in our elementary days and we've been together for six months. Masaya kaming nagku-kwentuhan, gusto ko nang bumalik sa paglalaro pero hindi parin pwede. Napatigil kaming lahat nang bumalot ang ingay ng emergency alarm sa buong hospital.
" Anong nangyay--" wala sa sariling napatakbo at palabas nang kwarto narinig ko ang tawag nila. Napatingin ako kina Janine at Joseph pati sila ay nagtataka dahil ang alarm na iyon ay hindi basta emergency.
" Anong nangyayare bakit ang lakas nang alarm? May emergency ba? " sunod-sunod na tanong ni Ella pero hindi ko sjya masagot dahil ang isip ko ay nasa VIP room. Alam kong dun nangagaling ang malakas na alarm.
" Kalma lang kayong lahat at bumalik sa kani-kanilang wards titigil din ang earthquake. " e-earthquake para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil ang emergency na iyon ay hindi sa VIP suite.
" Pahuhupain lang namin ang earthquake at saka aalis na kami.. " sabi ni couch habang nasa ilalim nang lamesa habang ang iba naman ay nasa ilalim ng hospital bed ko.
Ilang minuto din ang itinigal nang earthquake at mabuti nalang at maayos ang pagkakagawa sa hospital. Nagpaalam na sina couch at ang team mate ko pati si Ella ay unalis na din.
CASSANDRA
I dont know why I didn't even feel the earthquake, bumukas ang pintuan at pumasok si nurse Kim at may dalang pagkain. Naalala ko si Nero ang lalaking nagligtas akin gusto ko ulit siyang makita dahil magaan ang loob ko sa kanya.
" Gusto kong kumain sa Cafeteria." napatigil si nurse Kim dahil sa sinabi ko. Pinagbawalan akong lumabas nang kwarto ko dahil sa posibleng amoy ang malalanghap ko sa labas.
" Tamang-tama pwede kitang ipasabay kay Nero at sa kanyang mga kaibigan. Pero limang minuto lang.. " iyon ang rules ni mom na sinabi kay nurse Kim.
NERO
" Wala na bang ibang pwedeng lutuin ang mga cook dito bakit palaging menudo at adobo nalang ang nalalasahan nang dila ko dito? " komento ni Janine habang hinahalohalo ang pagkain.
" Huwag ka nang maginarte at kainin mo nalang." suway naman sa kanya ni Joseph. Napapansin ko na mas lalong nagiging close silang dalaw--
" Sino iyong kasama ni nurse Kim, bagong pasyente ba? " napalingon kaming dalawa ni Joseph at laking gulat ko kung sino ang nakaupo sa wheelchair habang tulak-tulak ni nurse Kim.
Sumasabay ang mabaha at tuwid niyang buhok sa hangin at ang kanyang mga mata na kulay asul at masasabing foreign blood. Ngayon nasa liwanag siya ay mas angat ang ganda niya kahit pa pale-skin siya dahil sa kanyang sakit.
" Sila sina Nero Soriano, Joseph Miguel at Janine Hermosa." pakilala ni nurse Kim sa amin muli akong napatingin sa kanya at napansin ko na hangang-hanga siya sa kanyang mga nakikita.
" Hi. I'm Cassandra Lorraine Mendez, nice to meet you everyone.. " napaiwas ako ng tingin nang ngumiti siya dahil dalawang dimples niya ang lumalabad kapag ngumingiti siya.
YOU ARE READING
Stay With Me
RomanceCassandra dreamed to have a perfect family. But that was not given to him, because the life that happened to him was an opposite in real life. She has been in hospital for years and the only people he can talk are the doctors and a nurses. She is su...