CASSANDRA
Mom left this morning and she promise to me that she will came back with Dad. Dalawang araw na ang nakalipas simula nung ginawa kong kalokohan pero nakakapagtaka dahil nagising nalang ako na nandito na sa kwarto at nakahiga sa kama.
Inayos ko ang blanket na nakapatong sa katawan ko 8pm na at handa na akong matulog ng biglang may kumatok sa pintuan. Nurse Kim visit me at this hour..I was about to press the emergency button when the door opened and suddenly a man entered wearing the same clothes as mine.
" Who..are you? " tanong ko sa kanya dahan-dahan niyang isinara ang pintuan at saka kumaway sa akin na animoy magkakilala kaming dalawa.
" Hi. I'm Nero Soriano the one who saved two days ago.." he saved me? Hinila niya ang isang upuan at saka naupo malapit sa kama ko. Hindi ako nakakaramdaman ng takot sa kanya marahil ay meron siyang magandang aura.
" Cassandra Lorraine Mendez. I didn't know that you saved me, by the way thank you." ngumiti siya. Hindi ko alam pero napangiti din ako sa kanya pakiramdam ko ay isa akong normal na tao at walang malubhang sakit.
NERO
Masayang kausap si Cassandra parang matagal na kaming magkakilala dahil napakagaan nang loob ko sa kanya.
" I've been here for a long years. Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako dito.." malungkot niyang sagot agad naman akong nagsisisi na tinanong ko pa siya.
" Gusto mo bang kumain nang mansanas? " tumango naman siya naglakad ako sa mini kitchen at saka tinalupan ang mansanas.
Nang bunalik ako para ibigay sana ang mansanas ay nagulat ako nang makitang natutulog na siya. Ipinatong ko sa bedside table ang mansanas, inayos ko ang kumot sa katawan niya.
" Babalik ulit ako Cassandra." wala akong narinig na sagot sa kanya dahil mahimbing na ang kanyang tulog. Bago umalis ay binuhay ko ang lampshade at saka bumalik na sa ward ko.
Kinabukasan ay lahat nang pasyente ay magkakaroon ng morning activities bata man o matanda ay kasali.
" Nero hindi ka pwedeng maglaro nang basketball dahil hindi ka pa lubusang gumagaling." gusto kong magreact sa sinabi ni nurse Kim pero hindi kona nagawa ng bigla nalang akong hilahin ni Janine.
" Sumali tayo sa batong - bola! " napakamot nalang ako sa ulo dahil sa pinaggagawa ni Janine, bagay talaga sila ni Joseph.
Mabuti nalang at marunong akong umiwas sa ganitong laro, third year high school ako sa Adamson school at naging member ng Blue eagle basketball team nung first year. Kaming tatlo ang nasa gitna at ang matatandang pasyente ang may hawak nang bola.
Tawang-tawa kaming tatlo sa pakikipaglaro sa matatandang pasyente. Saglit akong napatigil sa paglalaro nang dumako ang tingin ko sa ikalawang palapag at sa may bintana ay nakita ko si Cassandra na nakadungaw at pinapanood kami. Kumaway ako sa kanya at ganon din ang kanyang ginawa, nawala sa isipan ko na naglalaro kami naramdaman ko nalang na binabato na ako ng mga bola.
" MANDARAYA KAYO!!!!! "
YOU ARE READING
Stay With Me
RomansaCassandra dreamed to have a perfect family. But that was not given to him, because the life that happened to him was an opposite in real life. She has been in hospital for years and the only people he can talk are the doctors and a nurses. She is su...