NERO
Isang linggo na akong nandito sa hospital, nagulat ako kanina dahil dumating ang team mate ko sa basketball kasama si couch Mykel. Kasama din nila ang girlfriend ko na si Ella na merong dala na bulaklak para daw sa akin. Pero hindi din sila nagtagal dahil may training pa sila at si Ella naman ay mags-shopping kasama ang mga kaibigan.
Nasa kalagitnaan ako nang pagmumuni nang makarinig ako ng alarm. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at kagaya ng nangyare nuong nakaraang linggo ay humahangos sila paakyat sa VIP suite. Bumalik ako sa kwarto ko at saka naupo sa kama, napakagat ako sa daliri dahil sa pagiisip.
" Wala naman sigurong masama kung silipin ko kung ano ang nangyayare sa VIP suite? " sabi ko sa sarili ko at saka isinuot ang sumbrero ko at saka ang varsity jacket ko na nasa kama.
Luminga-linga ako sa hallway dahil kapag nahuli ako ng staffs nang hospital ay siguradong pababalikin nila ako sa kwarto ko. Nakasuot ako ng hospital gown kaya iisipin nila na pasyente ako na namamasyal...well pasyente naman talaga ako.
" Nero," napatigil ako sa pagakyat nang hagdaan nang marinig ko ang pamilyar na boses.
" Kamusta..nurse K-Kim." kinakabahan kong bati sa kanya. Si nurse Kim ay ang nagbibigay ng meditation sa akin kahit isang linggo palang ako dito ay nakasundo kona kaagad siya.
" Saan ka pupunta? Hindi ba't dapat namamahinga ka ngayon? " taka niyang tanong sa akin agad naman akong umisip ng isasagot sa kanya.
" Ano kasi..ahm nagt-try akong mag jogging sa loob ng hospital pinagbawalan kasi akong lumabas kaya dito nalang.. " peke akong tumawa pero pinagpapawisan na ang palad ko.
" Ganon ba, sige pero five minutes lang tapos bumalik kana sa kwarto at magpahinga. " sunod-sunod naman akong tumango sa kanya at kumaway pa nung umalis siya.
Dali-dali akong umakyat sa ikalawang palapag meron namang elevator pero mas pinili kong gumamit ng stairs. Bumungad sa akin ang malawak na hallway ng VIP suite sa bawat gilid ay merong ibat-ibang poster, napatitig ako sa isang family picture. Naglakad ako sa hallway kahit sino ay maiingit kapag nakita kung gaano kaganda ang VIP suite. Napatigil ako sa tapat ng nagiisang kwarto.. Cassandra Lorraine Mendez.
" Siya siguro ang pasyente dito. Ano bang meron sa loob nito? " dahan-dahan kong pinihit ang doorknob.
Nakita ko ang isang babae nakahiga sa hospital bed at maraming aparato ang naka-kabit sa kanya. Nakaramdam ako ng awa habang nakatingin sa sitwasyon niya kaya ba palaging nagkakaroon ng red alarm?
Dalawang kwarto ang katumbas ng VIP room merong mini kitchen at sa tabihan ng queen-size bed niya ay ang ceiling-to-window niyang bintana at merong white curtains. Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan agad kong napansin ang pale skin niya. Ano kayang sakit niya?
" Hi Cassand--" napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob. Kaagad akong naghanap ng pwedeng taguan..nagtago ako sa ilalim ng kanyang kama.
" Cassandra it's time for your meditation." dinig kong sabi nang doctor napatakip ako sa aking bibig ng gumalaw ang kama siguro ay umupo ang babae.
Nang umalis ang doctor ay dahan-dahan akong lumabas sa ilalim ng kanyang kama. Napansin ko na natutulog ulit siya kaya naman kaagad kong nilisan ang kanyang kwarto. Pero hindi ko napansin na nahulog na pala ang suot kong sumbrero.
YOU ARE READING
Stay With Me
RomantizmCassandra dreamed to have a perfect family. But that was not given to him, because the life that happened to him was an opposite in real life. She has been in hospital for years and the only people he can talk are the doctors and a nurses. She is su...