Isang umaga, napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling tumakbo nang marinig ang pagbukas ng pinto sa may sala.
Nakipag-unahan sa kusina, kung ano man ang dala nila mama, hindi ko na pinansin ang nadampot na garapon, para sa ikapitong araw ng linggo, alam kong kape ito.
Nabitawan kong bigla ang garapon nang maramdaman ang mga gumagapang ditong mga langgam.
Masyado na ata akong abala at nagmamadali para makadampot ng maling sangkap. Sa dami ng nakalatag sa mesa, nakakalitong mamili.
Paanong nilanggam ang kapeng barako?,
"Eh hindi naman kasi yan kape, hindi rin para sayo"
Tsokolate pala ang laman ng garapon. Ito na nga ata yung hindi lahat ng iniisip nating sa atin ay talagang para sa atin. Sa dami ng kaya nating gawin, ang sagot ay sa pagitan ng mamili o paghaluin.
Matamis at masarap iyon para sa kanila, pero ikamamatay ko, mahirap ding maging limitado bilang aso.
Baka sa susunod, hindi ko na magawang bumalikwas at salubungin sila mama pag bumukas ang pinto ng sala.
-- out of drafts 🐾,,
~ Posteng Makata :'>
BINABASA MO ANG
Tula at Ako
PoesíaMay mga sumusulat dahil malungkot Yung tula na rin mismo yung mga luha nila, higit pa sa papel na lukot May mga sumusulat dahil masaya Yung galak nasa pagitan ng bawat letra Sa bawat tula, Naniniwala akong may kwento May kwentong hindi direkta May k...