M A D I L I M

142 13 10
                                    

Madilim

Yan yung mundong ginagalawan mo ngayon
Mundong ipinagkait sayo lahat ng pagkakataon
Pagkakataong sumaya
Pagkakataong ilabas lahat yang sinasabi mong problema

Sa tuwing nand'yan na
Yung mga taong tinaniman mo ng tiwala
Natatakot ka,
Nahihiya ka

Masyado nang lula sa dami ng problema,
Lunod ka na rin sa mga panghuhusga
Pero isipin mong kung may gabi,
May umaga

Sa tuwing naiisip mong di mo na kaya,
Ang dilim na,
Liliwanag ulit,
Lalaban ka,

Kaya, Kakayanin mo
Nandyan yung panginoon
Paniwalaan mong di ka nagiisa
Paniwalaan mong barko lang yang dala mo, dagat ang diyos, sasaluhin ka

Sa pagtalikod ng mundo
Lagi s'yang nandyan,
Naghihintay sa paglingon mo, handa kang hagkan
sabay bigkas "Anak ko"

Wag kang matakot umiyak
Wag kang matakot magpakatotoo
Husgahan ka man ng pamilya, kaibigan mo,
Kahit sino

Maririnig mo ang s'ya,
"Anak, Tanggap kita kung sino ka"
Kung sa tingin mo wala kang kwenta
Maririnig mo s'ya,
"Anak, Mahalaga ka, Mahal kita"

Kung sa tingin mong lahat ay negatibo,
Wala kang kakampi?
Maririnig mo sya,
"Anak, Ako kasama mo,

Manalangin ka,

Hindi ko man ibigay lahat ng hiling mo,

Hindi man parehas ang gusto ko para sayo at gusto mo para sa sarili mo,

Wag kang sumuko, Laban Anak ko,

Kaya mong maging positibo,

Ako ang panghawakan mo, wag ang mundo,

Paniwalaan mo yung mga salita ko, May rason para mabuhay,

Hindi sagot ang pagpapakamatay,

Hindi ka sasaya sa sugat ng laslas,

Ako ang paniwalaan mo, Hahawakan kita hanggang wakas"

Madilim pa rin ba?,
Imulat mo ang iyong mga mata,
Maraming bagay na maganda, gawa n'ya
Maniwala ka.

Hindi lang ako yung Posteng Makata
Mas akma ang Pinagpalang makata. ~

Tula at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon