B U L O N G

25 1 1
                                    

Hindi ako magaling o marunong,

Nakamamatay pag di mo magawa yung gusto mo
Pakihanda yung kabaong,

Nakamamatay na guguhit ka na lang hindi pa diretso
Gusto ko na lang mag-droga at magpakalulong,

Nakamamatay na sa tuwing kakanta ako wala akong tinatamaang tono
Tulong!

Tulong, Namamatay na ko kakaisip sa linyang "Wala akong talento sa larangang nais ko,
Tulong, Bulong

Namamatay na ko dahil sa mga bulong tuwing gabi,
Mga bulong na patindi nang patinidi,

Mga bulong na nagsasabing "Wala kang halaga"

Mga bulong na nagsasabing "Hindi mo kaya"

Mga bulong pero ang lakas na magdidikta sayong "Magpakamatay ka na"

Mga bulong na nagsasabing "Wala kang mararating Posteng Makata"

Mga bulong na nagsasabing "Ikaw yung tipo ng posteng hindi pa man umilaw ay napundi na"

Mga bulong na patutulugin ka gamit ang mga luha

Mga bulong na lulunurin ka

Mga bulong na matindi pa sa droga, sobra kang malululong

Mga bulong na magtutulak sayong mahimlay na sa isang kabaong

Mga bulong na kahit ayaw mo, magpapasigaw sayo ng "Tulong!"

Tulong
Hindi ako magaling o marunong
Hindi ko na kaya, Inaantok na ko
Tulog lang ang kailangan ko, biro lang yung tulong

Pero di pa oras ng pahinga,
At yung oras, hindi ako ang magtatakda

~ Posteng Makata.

Tula at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon