Chapter 14

277 11 0
                                    

Everyone. I decided na pagkatapos kong magreview at gumawa ng assignments ay gagawa ako ng update sa abot ng aking makakaya.

Pasensya na kung medyo mabagal talaga ang update pero huwag kayong mag-alala pagbubutihan ko po ang aking pagsusulat.

Nagbabasa na po ako ng mga guidelines when it comes on writing para mas maging mahusay pa po akong author at para mas matuwa ang aking mga dear readers.

That's all. Love you all.

Lovingly Yours,
NyctophiliaGirl (Cyrille Necesito)

♦Misthy's Pov♦

Ngayon ay nasa dance studio na kami at for sure magpapractice na kami ng sayaw kaya nga nandito diba?

"Class. Pick your own partner. Girl to boy and boy to girl. Bawal ang girl to girl and boy to boy." Pagkasabi pa lang ng Prof namin ay nag-sitayuan na sila at nagpunta sa kanya-kanyang kapartner.

"Misthy... puwede bang... tayo na lang?" Huh? Ano daw?

Parang ang bilis naman parang kailan lang nagkakilala kami tapos nagkausap tapos naging magkaibigan tapos ngayon niyayaya niya akong maging kami na?

Oh gosh!! Ready na ba ako sa ganitong commitment? Hindi ba parang masyado pa akong bata para sa ganitong bagay? Pero puwede naman na kung titignan... pero hindi ko pa alam. Ang gulo.

Siguro napansin niya na nagtataka ako sa sinasabi niya kaya nag-salita na siya. "Puwede bang tayo na lang mag-partner sa sayaw?" Wait? Para namang nagulantang ako.

So all this time I was really assuming here that he's asking me to be his girlfriend even though his just asking me to be his partner in dance? Fudge! Ang OA ko! Masyado akong assumera! Kaasar!

Ngumiti ako sabay tango. "Sige. Okay lang." Habang nakatingala ako sa kanya kasi nakatayo siya samantalang ako naka-upo sa sahig. Naka-indian sit. Umupo na siya sa tabi.

Diniscuss lang naman sa amin kung ano yung gagawin at kung ano yung mechanics. Kahit ano daw basta ba mag-kakasundo kami.

Kahit mag-interptral dance or kahit sociao dance pa daw basta ba okay na sayawin ng magkapartner yung sayaw. Yun lang yung nangyari at puwede na daw kaming lumabas para makapag-explore at makapag-isip habang nasa labas kami.

Lumabas na kami ni Deen. Tahimik lang kami naglalakad. Nag-iisip ako kaya tahimik ako. Siya, ewan ko lang.

"Ah, Misthy bili muna tayo ng pagkain. Nakakagutom kasing mag-isip, sayo." Sabi niya. Pero hindi ko na marinig yung huling sinabi niya. Binulong lang kasi niya.

"Sige. Pero ano yung sinabi mo sa dulo?" Tanong ko. "Huh? W-wala naman akong sinabi." Sabi niya rin. Nagtaka naman ako. Pero sure meron talaga siyang sinabi sa dulo.

"Hindi meron talaga." Pag-iinsist ko. Tumawa siya ng mahina sabay gulo ng buhok ko. Ano ba yan. Sa lahat na lang ng guguluhin niya buhok ko pa. Kaasar lang diba? "Wala lang yun. Baka guni-guni mo lang iyon." Sabi niya sabay hila sa akin papuntang canteen.

Hinayaan ko na lang. Baka nga guni-guni ko lang iyon.

Nagpunta na kami sa canteen at nakita namin si Sun at si Dhitey naka-upo doon sa dulo at ang sweet nila tignan. Hinayaan ko na lang moment nila yun.

"Misthy. Ano sayo? Libre ko." Napangiti naman ako doon sa word na 'libre ko'. Kaya nadivert na talaga yung attention ko.

"Hmm. Gusto ko ice cream. Cookies and cream." Sabi ko. Tumango lang siya at pumunta na doon sa may pinaka kuhaan ng ice cream at naglagay na siya sabay bayad.

Royalty UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon