Chapter 20

243 11 2
                                    

Dahil wala pong nagcomment na gustong basahin yung drama story ni Dhitey at Brittany proceed tayo sa last chapter.

Ewan ko kung last chapter na talaga ito.

That's all thank you.

Lovingly Yours,
NyctophiliaGirl (Cyrille Necesito)

♥Dhitey's Pov♥

Uwian na. Another waste of time. Nakaka-banas, nakaka-buwisit, nakaka-aning, at kung ano-ano pa. Nakaka-baliw na ewan, eh.

Ngayon ay pupunta na kami sa locker room, kaming apat na lang dati-rati kasi kasama pa namin sila. Nakaka-lungkot lang isipin. Ilang araw na din akong tulala sa kaka-isip kung ano ang nangyari.

Ano nga ba talaga ang nangyari?

Nasa tapat na ako ng locker ko. Binuksan ko na agad ito dahil ayaw ko nang magtagal pa rito. Nakaka-suffocate. Love is in the air daw kasi. Napa-irap tuloy ako ng wala sa oras dahil sa iniisip ko.

Pero nawala ako sa aking pag-iisip nang may makita akong letter na nahulog mula sa aking locker. I pick it up. It's a black letter, silver plated ang sulat.

Ano kaya ito?

I opened it without asking Chrizzelle, Brittany and Misthy if they got a letter like me. I read it. Let's meet at the place where everything started. 7:00 pm. Sharp.

Ayan ang nakasulat. Tanungin ko kaya sila Chrizzelle if they got a letter too. "May nakuha ba kayong letter na ganito?" I ask them, as I show my letter. They all nod and show their letter to me, too.

Nagkatitigan lang kami. Pupunta na naman kami sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa lugar kung saan nagsimula ang aming bangungot.

--------------------

Nandito kami ngayon sa loob ng sari-sarili naming kotse nag-aalangan kung pupunta ba kami or hindi. Kinakabahan ako at alam kong ganoon din ang iba. Tinignan ko ang aking cellphone. 6:58 pm. 2 minutes before 7:00 pm.

Nag-isip muna ako kung baba ba ako o hindi. Nagulat ako sa pag-ring ng aking cellphone hudyat na 7:00 pm na. Inalarm ko kasi. Huminga muna ako ng malalim. Ito na. Buo na ang aking desisyon.

Bumaba na ako ng kotse kasama ang iba.

♣Brittany's Pov♣

Alam niyo yung feeling na binabalikan mo ang iyong mga nakaraan na ayaw mo nang balikan? Ang gulo ba? Ito kasi yung nararamdaman ko eh. Matagal ko nang tinakasan ito. Matagal na naming tinakasan ito.

Pero, anong ginagawa namin ngayon dito? Bumabalik na naman kami. Bumabalik na naman kami sa lugar na matagal na naming kinalimutan at matagal na naming binaon sa limot.

Nakaka-takot, nakaka-kilabot. Nakaka-takot kasi hindi namin alam kung anong mangyayari sa amin dito sa lugar na ito, sa palad nila. Nakaka-kilabot kasi hindi ko talaga matagaln ang lugar na ito dahil sa nakaraan.

Pero wala kaming nagawa. Bumaba kami at naglakad na sa loob. Magsisimula na naman ang aming kalbaryo.

Habang naglalakad kami. Pabigat ng pabigat yung bawat hakbang namin. Na para bang gusto naming umatras pero taliwas ang ikinikilos ng aming katawan.

Royalty UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon