Chapter 18

239 11 0
                                    

Guys. Patapos na po talaga ito. Konting tiis na lang. Abanngan ang ending thanks. Sana basahin niyo pa rin ito. Wala na masyadong nag-babasa eh. Q_Q

Sana supportahan niyo pa rin po ito. T_T

Lovelots guys!~ mahal na mahal ko kayo!~ (kahit di niyo ko mahal T_T) NAGDRAMA ANG LOKA-LOKA! WAHAHAHAHA!

Sige na nga proceed na kayo sa pagbabasa! Hope you all like it!~

Lovingly Yours,
NyctophiliaGirl (Cyrille Necesito)

♣Brittany's Pov♣

Marami pang araw ang dumaan, naging magkaibigan na kami ni Sundra pero si Dhitey, parang may something na ewan eh.

"Psst, Brittany." Mahinang tawag sa akin ni Dhitey.

"Oh?" Mahina ko ding tanong sa kanya. Nandito kami sa canteen at kasalukuyang kumakain kaming 10. Diba kasama na namin si Sundra.

"CR. Tayo."

"Seriously Dhitey, binubulungan mo pa ako tungkol diyan?" Pamimilosopo ko sa kanya. Pinalo lang niya ako. Inirapan ko lang siya. Siyempre kahit walis ting-ting yan mabigat pa rin ang kamay niyan ano!

"Guys. CR lang kami ni Dhitey." Pagpapa-alam ko sa kanila. Tumango lang ang mga ogag at gaga.

Umalis na kami at pumunta na kami sa CR. Nagulat ako ng hatakin ako ni Dhitey papunta sa loob at tinignan halos lahat ng cubicle ng malaman niyang walang tao ay nilock niya na yung pinaka pinot ng CR.

Anong meaning nito!? Nakoo! Hindi! Jusme! Dhitey hindi ko alam na tomboy ka pala dapat sinabi mo na lang! Tatanggapin ka naman namin eh! Pero huwag mo lang akong ano... anohin...

"Hoy! Bakla ka! Wala akong balak sayo!" Sigaw ni Dhitey sa akin.

"Pa-paano mo..."

"Gaga ka! Kita sa mukha mo! Napakaganda ko namang tiboom! Atsaka ko mangre-rape ako doon na sa kalevel ko!" Aba't!

"Aray naman!" Sigaw niya. Sinabunutan at sinampal ko nga.

"Sira ulo to! Anong akala mo sa akin pinag-sakluban ng langit at lupa yung mukha ko? Grabe to'! Atsaka hindi talaga tayo magka-level dahil mas hamak na maganda ako sayo!" Pagmamalaki ko! Totoo naman eh!

"Yang ganda mo parang hangin! Feel na feel mo! Hindi naman namin nakikita!" Pasigaw niya sa akin. Aba sumasagot pa talaga!

"Ikaw-"

"He! Leche to'! May sasabihin ako! Nang matapos na ito!" Sabi niya habang nakalagay yung kamay niya sa bibig ko. Tinanggal niya naman ito agad.

"Ano ba kasi iyon?" Tanong ko. Jusko may sasabihin lang pala, inakala ko pang mag gagwing masama ito sa akin!

"Hindi ka ba nawi-weirdohan kay Sundra?" Straight to the point niyang tanong sa akin. Napaisip naman ako.

"Nope." Proud kong sagot. Totoo naman, wala namang kahina-hinala sa kanya.

"She really look so familiar. Para bang nakita ko na siya somewhere." Sabi ni Dhitey. Ganoon din ang feeling ko pero hindi ko pinansin kasi alam kong hindi pa kami nagkikita.

"Hay nako! Hindi kaya." Sabi ko sabay pameywang.

"Para kasi talagang isa siya doon sa mga..."

"Stop it." Pagtitigil ko sa dapat niyang sabihin. "Wala dapat ang makaalam nito. Manahimik ka na lang kapag nasa labas tayo baka may makarinig. Nag-iingat lang tayo." Seryoso kong sabi kay Dhitey.

"Sorry okay?" Sabi niya. Tumango na lang ako at pinagpasyahan naming lumabas na walang magandang maidudulot yung usapan namin.

Pero... dahil sa sinabi ni Dhitey inalala ko yung itsura ni Sundra at yung batang babae.

Napatigil ako at napalaki ng mata ng makasalubong namin si Sundra with Chrizzelle and Mishty, hindi ko na narinig at naintindihan yung sinasabi ni Chrizzelle dahil napagtanto kong... magkamukha nga...

★Unknown's Pov★

Kontig tiis at paikot na lang malapit na. Huwag lang nilang mahalat pero sa tingin ko. Unti-unit nang naghihinala si Dhitey. Hindi puwede iyon.

May babayaran pa sila. Kung sa tingin nila nabayaran na nila iyon sa ginawa nilang pagtulong. Puwes ginamit ko lang iyon para maka-angat at maisagawa ang aking mga plano.

Konting tiis na lang aming ina. Maihihiganti ko na rin kayo.

Napahalakhak na ako sa naiisip ko.

I smirk because it's near, it's already near...

--------------------
Ano kaya yung nalalapit na? Sino din kayo yung unknown pov na yan? Sino din naman yung batang babaeng kamukha ni Sundra at bakit nagulat si Brittany doon? Ano din kaya yung tinatago ng ating mga bida?

Unti-unti nang narereveal ang ating mga conflicts. Nalilito na po ba sila? Naiintriga? Konting tiis na lang talaga guys.

Royalty UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon