Chapter 16

247 11 0
                                    

Birthday ni Lhiannah Ashlee Kim ngayon!~ Batiin natin siya!~

Trivia: Sa totoong buhay yung operator ni Lhiannah ay may pagka maldita po talaga.

By the way isipin niyo na lang po na iyan yung susuotin ng mga bida natin sa storya doon sa party ni Lhiannah. Tapos po yung green gawn niyong dark ang pangit kapag light. Wala akong mahanp na maayos na damit. Kay CL lang yung maayos. Lol! XD

Kaya po ako may update today dahil birthday niya.

That's all. Thank you. Hope you like it!

Lovingly Yours,
NyctophiliaGirl (Cyrille Necesito)

*Chrizzelle's Pov*

Nag-aalala talaga kami kanina kay Brittany kasi naman yung nangyari sa kanya. Grabe.

Pero ngayon ay kasalukuyan na kaming nag-lalakad papuntang locker dahil mag-aayos pa kami ng gamit bago umalis.

Nasa locker room na kami at pagkabukas ko ng akin nagulat ako may nahulog na letter. Pagtingin ko sa likod may naka embose na word, gold plated and naka-cursive, italize siya. 'Invitation' yan yung nakalagay. Tapos sa taas nakita ko yung pangalan ko ganoon din yung itsura. 'To: Chrizzelle'

"Guys, may natanggap ba kayong invitation?" Tanong ko. Habang winawagay-way ko yung letter na nakuha ko. Winagay-way din nila yung kanila. Ganoon din sila Geff. So pare-parehas kaming naka-tanggap ng invitation?

"Guys. It's a birthday party. Birthday ni Lhiannah. Naka formal dress. 7:00 pm at their house." Sabi ni Dhitey habang binabasang maigi yung invitation.

"Pupunta ba kayo?" Tanong ni Sun.

"Ewan ko iba feeling ko." Sabi ko. Totoo ayaw kong umattend talaga baka may mangyaring masama. Feeling ko lang naman.

"Sama na tayo. Minsan lang yan'. Birthday niya pagbigyan." Sabi ni Brittany habang inaayos yung locker niya.

Sumang-ayon na lang kami na aattend nung Birthday party.

"Sunduin na lang namin kayo." Sabi ni Trick.

Pagkatapos namin mag-ayos dumeretso na kaming mall. Mamimili pa kami ng damit.

Mga ilang minuto at umalis na kami. Tapos na kami mamili at uuwi na para makapag-ayos. Dahil mamaya susunduin na kami nila Geff.

Gold cocktail dress yung akin. Kay Dhitey Pink cocktail dress. Kay Misthy naman violet cocktail dress. And kay Brittany dark green cocktail dress.

Naglagay lang kami ng konting make-up ayaw kasi namin mag-mukahng sinampal sa sobrang puka ng cheeks at parang sinapak sa sobrang kapal ng make-up.

*BEEP! BEEP!*

Narinig namin yung sabay-sabay nilang pag-busina. Lumabas na kami at sumakay na sa kanya-kanya naming sundo. Si Sam nauuna. Wala daw kasi siyang kapartner kaya dapat nasa unahan siya.

Nang makarating na kami sa party ang wild na nito. Yung tipong yung mga ilaw grabe kita na sa labas yung iba't-ibang kulay. Yung music rinig na sa labas. Maririnig mo din yung mga sigawan ng tao. Na halatang mga wild na.

Pagkapasok namin. Tama nga party na talaga ito. Inikot ko yung mata ko. Mukha namang walang gulo. Mas mabuting enjoyin ko na lang ito.

Hinanap na namin yung naka-reserve na table sa amin. Nasa bandang unahan. Umupo na kami katabi ko si Geff. Dapat hindi kaso nag-insist siya kaya ayan. Todo nga maka-akbay. Akala mo naman aalis ako.

"Ehem." Narinig namin kaya napatingin kami sa nag-salita. Tingin ko mc siya.

"Welcome ladies and gentlemen. Thank you very much for attending the birthday party of Ms. Lhiannah. I just want to present you our Birthday girl. Let's all welcome her." Pagkasabi na pagkasabi nung mc. Biglang tumapat yung spotlight doon sa may stage.

Maya-maya pa ay may lumalabas sa stage. Alam niyo yun yung umaangat. Nakita namin si Lhiannah at ang ganda niya. Nagulat naman ako sa reaksyon ni Sam. Grabe! Halatang na-amaze talaga siya. Parang may something sa kanila...

Naglakad siya papuntang harap. "Good evening everyone. Thank po talaga sa pag-attend ng party ko. Sa mga kaibigan and classmates ko thank you very much." Napaka-sweet niyang pagkakasabi. Kung hindi ko siya kilala baka akalain kong mabait talaga siya.

Binigay niya yung mic sa mc. Tapos umupo siya sa may upuan sa gitna.

"Okay. Now magwiwish na isa-isa yung mga friend niya. She's the bestfriend of Ms. Liannah since then. Until now they were still best friends. Let's all welcome Ms. Clarity." Umakyat si Clarity ang ganda din niya.

"Happy Birthday Sis!~ Wish you all the best. Sana maging mag-kaibigan pa rin tayo till' end. That's all. Love you!~" tapos kiniss niya sa cheeks at hinug si Lhiannah.

"She is the best friend of Ms. Lhiannah when she turned highschool. Let's all welcome Ms. Steffany." Bigla namang umakyat si Steffany and wow. Ang ganda niya as in.

"Happy Birthday Lhiannah. Stay pretty and cool girl. Sana magkasundo parin tayo hanggang sa huli. Lovelots Ms. Lhiannah Ashlee Kim!~" then binigay na niya sa mc yung mic.

"Next he is the bestfriend of Ms. Lhiannah when she went in London." After that binigay na yung mic doon sa lalaking hindi ko alam ang pangalan dahil hindi binaggit.

"Hello. Happy Birthday Wish you all the best. Sana maging happy ka." Para akong nabato sa inuupuan ko at alam kong sila Brittany din ganoon.

Tumingin siya sa side namin at tinitigan ako. Sabay ngiti ng nakakaloko.

Ano nanaman ba ang balak mo?

Ano na naman bang gulo ang gagawin mo?

Bakit ka ba nandito?

Zeus Poseidon Wu. Yan ang pangalang nakapagbibigay sa akin ng mix emotions.

Masaya, malungkot, pagkagalit, pagkakilig at kung ano-ano pa. Pero mas nangingibabaw yung pagka-kaba.

Ngumit siya sa akin ulit ng nakakaloko. Bago umalis sa stage.

Royalty UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon