Chapter 15

242 11 0
                                    

Ang galing derederetso na ako mag-update. Pfft!~ Joke. Guys I love you!~ Sorry aning lang talaga ako habang ginagawa ko ito kaya baka puro kaaningan ang isulat ko.

I love you talaga my dear readers!~ Sana intatin niyo ulit yung update ko.

Lovingly Yours,
NyctophiliaGirl (Cyrille Necesito)

*Brittany's Pov*

Nandito na kami sa Gym. P.E. namin sa volleyball and basketball. Sa volleyball muna at biruin mo kasama namin yung kras ko! Bongga diba? Harharhar!

Lumingon ako sa kanya. Nagmouth siya ng words na 'Let's go out.' Napatawa ako ng mahina. Iba na talaga ang haba ng hair ko at ang maladyosa kong kamandag! Umaasenso!

I mouthed back 'No!' Sabay iwas ng tingin pero balik agad at sabay kindat sa kanya. I look back again and he mouthed 'Please my muse." Nakakahaba ng hair to'!

I mouthed back. 'I said no!" Then iwas ulit pero balik ulit ng tingin sabay kindat ulit. Tumawa siya ng mahina. For sure pinipigilan ang tawa.

"Hoy gaga. Anyare? Mukha kang aning!" Mahinang bulong sa akin ni Misthy.

"Heh! Manahimik ka diyan." Sita ko, tumingin ulit ako kay Trick. "Tss." Yan na lang ang narinig ko kay Misthy.

Nakipagtitigan siya. Nakipaglaban naman ako ng titigan ako pa ba kakalabanin mo diyan? Dakilang dyosa ata ang hinahamon mo. Baka malunod ka sa sobrang ganda ko!

May kumalabit sa akin. Hindi ko pinansin. Kinalabit ulit ako. Ano ba Mishty nasa kalagitnaan pa ako ng pakikipag eyes to eyes kay bebelubs!

Kinalabit ulit ako hinawi ko lang. Kinalabit ulit ako hinawi ko lang ulit. Wait bakit ang gaspang? Yuck. Mamaya nga bibigyan ko ng lotion si Misthy kadiri gumagaspang na yung kamay niya.

Kinalabit ulit ako. Hinawi ko lang ulit pero this time narinif ko yung girls na tumawa. Kinalabit ulit ako. Wala. Wala na! Papatulan ko na talaga itong si Misthy! Kalbuhin ko to' eh!

Pagharap ko. Boom! Si Mrs. I mean. Ms. Minchin pala. Gosh! Kinilabutan ako kaagad. Ms. palang siya pero grabe ang gaspang ng kamay akala isang damukal ang anak kaya isang damukal din ng pinggan ang hinuhugasan sa sobrang gaspang! I swear!

"Ms. Park. Kung makikipaglandian ka lang din naman isipin mo ang tuition. Tandaan. Mahal ang tuition ngayon. Aral muna huh?" Psh. Palibahasa puro aral ang inatupag kaya ayan! Hala sige! Walang nanliligaw.

Nakinig na ako ng discussion kaasar! Ang saya na nang landian namin! Yung feeling na konti na lang mahuhulog na siya sa akin! Edi ako panalo! Psh! Panira talaga.

"Easy lang. Mukhang lalamunin mo na si Ms." Pagbibiro sa akin ni Misthy. Manahimik nga siya baka isumbong ko siya dinadaldal ako.

"Brittany, tandaan hindi corn si Ms." Napatawa naman yung tatlo. Malamang hindi corn si Ms. At hinding hindi siya puwede maging corn.

Masyadong malambot, masarap at malinamnam ang corn ko para sa kanya. Hindi katulad niya yung kamay parang papel de liha! Hmmp!

"Wait baka naman pinagnanasaan mo si Ms.!?" Doon na ako ng patingin sa kanila at binigyan sila ng masasamang tingin. Tumawa lang sila.

"Guys. May taste ako. Hindi porket lahat ng pagkain kinakain ko ay ganun na din ang taste ko sa tao. Tandaan hindi lahat ng kinakain dapat kinakain. Baka mamaya may lason pala yan." Napatawa naman kaming apat at buti na lang hindi kami napansin ni ma'am sa pagtawanan namin.

Nagulat ako dahil nagvibrate yung phone ko. Pagtingin ko ay nagtext si Trick tinignan ko siya nakatingin din siya sa akin sabay tango. Binasa ko yung tinext niya.

From: TrickMyLuvs♥

Goodluck sweetheart!~ (^3^)

Napatawa naman ako sa tinext niya. May laban kasi para daw ma practice na rin kami. Bali practice lang ito. Demo kung baga. At kung sinusuwerte ka. Kakampi ko yung mga bestfriends ko!

To: TrickMyLuvs♥

Yeah, I will darling!~ (^3^)

Kinikilig pa ako habang tinatype iyan. Yung feeling na kinikilig ka kapag umiihi. Mas triple nun! Oh gosh! Ang guwapo niya talaga!

Tinawag na kami para mag-simula na. Kalaban namin yung tatlong demonyo.

Katapat ni Chrizzelle si Steffany. Si Dhitey kay Clarity. Si Misthy kay Liannah. Ako? Alipores niya ata ito. Hindi ko siya kilala kasi hindi naman dapat na kilalanin.

Pumito na at simula na sinerve na ni Misthy at woah ang galing ng pagkakaserve niya! Tinira naman ng kalaban at ganun lang nangyari hanggang sa umabot na ng third set. Last na ito. Kailangan manalo kami.

Sinerve na ni Clarity. Nablock ni Dhitey. Tinira naman ni Steffany nasalo ni Chrizzelle. Medyo nawala ako sa concentrate dahil sa isang figure doon sa gate ng gym. Siya ba iyon? Pero parang hindi. Pero parang siya kasi yung tindig, yun-

"BRITTANY!" sabay-saby nilang tawag. Napalingon naman ako at laking pagsisisi ko ng lumingon ako naka-face to face ko pa si bola. Ang saya diba?

Napaupo ako sa impact nung bola masyadong malakas. Pero hindi iyon ang inaalala ko yung nakatayo sa gate ng gym. Pero wala na siya doon. Nawala na namn siya ng parang bula kagaya dati.

"Brittany okay ka lang?" Tanong ni Trick. Tumingin ako sa kanya at nag-aalala siya. Aww... nag-aalala si Trick myluvs! Keleg eke!

"Hoy! Babaita okay ka lang ba?" Tanong ni Chrizzelle.

"Naririnig mo la ba kami?" Si Dhitey.

"Gaga! Magsalita ka! Baka malaman naming okay ka kapag hindi ka nagsalita!" Pagsisita ni Misthy. Nakaramdam ako ng hilo at feeling ko may tutulo sa ilong ko. Sipon?

"Sweetheart merong dugo sa ilong mo..." pagkasabi pa lang ni Trick nun hinawakan ko yung ilong ko at tama nga dumudugo. At doon na ako nahimatay. Ewan ko ba kung saan ako hinimatay.

Nagising ako nasa clinic na ako at nandito sa loob yung bestfriend ko with their love ones- if you know what I mean- and also my Sweetheart.

"Hey okay ka na ba?" Tanong ni Trick habang inaalalayan akong umupo mula sa pagkakahiga. Medyo sumakit ang ulo ko kaya napatigil ako ng kaunti. "Dahan-dahan lang." Pagpapa-alala sa akin ni Trick. Tumango ako at tinuloy ang balak ko.

Nang makaupo ako tumingin ako kaagad kay Chrizzelle. Ngumit siya sa akin. Pero hindi ko masuklian iyon dahil nandito na siya, SILA. For sure magkakagulo na naman.

"Uh... Ch-chrizzelle." Tawag ko sa kanya. Lumalit siya sa akin. Habang lumalapit siya iniisip ko yung gagawin ko. Sasabihin ko ba o huwag na?

Paano kapag nalaman niya? Baka magfreak oht siya at lumilat ng school.

Pero kung hindi ko sasabihin wala naman sigurong problema. Pero malalaman at malalaman niya pa rin iyon.

Pero dapat ba malaman na niya ngayon? O hindi pa ito ang tamang panahon?

"Bakit?" Dahil sa tanong niya nawala ako sa pag-iisip ko. Huminga ako ng malalim. Buo na ang desisyon ko.
.
.
.
.
.
"Wala. Nevermind." Pagkasabi ko nun. Niyakap ko siya. Chrizzelle maging malakas ka lang nandito kami ng mga kaibigan mo.

Pero bakit ba siya nandito?

Ano nanaman ang gagawin niyang gulo?

Bakit kailangan niya pang pumunta dito?

Kung saan tahim at payapa at masaya na kami nandito na naman siya? Manggugulo?

Napabuntong hininga ako ng malalim.

Royalty UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon