[ ◉¯]
Chapter 31
Questions
I failed the exams.
My first instinct was to beat myself up in the head because of how stupid I was. Imagine, I studied tirelessly, all for it to go in vain. Halos matawa ako sa aking sarili dahil hindi ko inakalang may ikakalutang pa pala ako. Kaagad na pumasok sa 'king isipan ang palaging sinusumbat sa akin ni Thaianara na pabaya ako, at kahit na pati ako'y ito rin ang binubulong sa sarili, ngayon lang ako natamaan na puno nga talaga ito ng katotohanan.
Habang nanlulumo ako sa aking upuan, tinitingnan ang mga nakakahinayang kong mga scores, hindi ko mapigilang damdamin na parang bumalik ako sa dati—nakokonensya kapag nasisiyahan. Dagdag pa roon ang libong-libong katanungan na pumapasok sa aking ulo, at sa sobrang dami ay hindi ko ma-isa-isa. Ngunit sa lahat doon, isang tanong ang nanaig.
Masyado ba akong nagpakasaya na ang kapalit pala no'n ay...ganito?
Kasi kung iyon naman pala, sana nagpakamiserable na lang ako habambuhay.
"Thai, yung pinsan mo..."
Medyo malayo sina Thaianara, pero rinig ko pa rin ang mahinang tugon ni Adi. I could see how their eyes were darted on me on my peripheral vision.
Thaianara scoffed and looked away. "Alam ko. Kaso huwag niyo munang kausapin, baka bibigwasan kayo bigla."
"Tanga ka ba? Nanlulumo na, oh?" Si Euclid at tinuro pa ako.
"Ilan ba score niya? Nakita niyo?" Usisa ni Pierce.
"Hindi, e. Pero basi sa ekspresyon niya, baka hindi niya nagustuhan..." Freya replied, her tone carrying a trace of concern.
I gritted my teeth as I listened to their conversation.
Kung ako pala ang kanilang pag-uusapan, sana sinigurado naman nilang hindi ko maririnig. Now, I felt so small with how they were making me out with their words.
I was clutching my test papers so hard, they started to crumple.
Sa sobrang inis ko sa aking sarili, hindi ko alam kung tatalon ba ako sa third floor, magwawala, sisigaw, o iiyak, dahil alam kong hindi lang ganito ang aking nararamdaman dahil sa scores ko, at kundi mayroon ding ibang rason, bale dumagdag lang ito sa dati nang bigat na aking binubuhat.
As I've said, I only attended school during the exams. Everyone was shocked when they saw me, but I paid them no attention. Sinubukan din akong tanungin ni Ma'am Deocampo pero tipid lang ang aking sinagot sa kaniya. I just told her that I wasn't feeling well lately—which was half true. My mind seemed to not have been working in the best state lately, kaya siguro parang nadamay na rin yung performance ko sa exam. Nakakatangina.
I already foresaw it the moment I finished the tests, but I didn't expect myself to perform this bad. At ngayon na bumalik ako para sa checking, nakumpirma ko na ngang bagsak ako. Naisipan kong sana hindi na lang ako pumasok kung ito lang naman pala yung madadatnan ko.
Parang nawalan na ako ng enerhiyang umuwi kay Sauyer at alagaan siya.
Wait.
BINABASA MO ANG
Always Have Been, Always Will Be | ✓
Teen FictionALWAYS HAVE BEEN, ALWAYS WILL BE Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly settled in the dark, lurking with the impossibles and uncertainties. He believed that he would...