24

8.6K 364 136
                                    

[ ◉¯]

Chapter 24

Frozen

"Teh, pa-skincare routine muna sa banyo niyo. Hindi ako nakahanda kanina sa bahay," paalam ni Thaianara kay Swyney habang dinadampot ang skincare products niyang nakabalot sa plastic sa kaniyang bag.

Tumaas ang dalawang kilay ni Swyney, nagulat sa dala-dalang products ni Thaianara galing sa kaniyang luggage.

"You didn't have time to get ready in your house?" Si Swyney at pinuntahan si Thaianara upang matulungan siya sa pagdala ng iba pang products.

Thai shook her head. "Kinailangan ko pa kasing maligo at gisingin yung isa diyan!" She cocked her head towards my direction meaningfully, her eyes laced with a fiery glare.

I rolled my eyes at her and yawned as I held on to my pillow.

Ang tagal dumating nung iba.

Pero kung sabagay, masyado ngang maaga yung call time. But it was so we wouldn't hit traffic and arrive at the place we were planning to go to much earlier since it would take a little bit of time to get there. It was quarter to six in the morning and I was still sleepy as hell.

I was not a morning person in any way, shape, or form, especially when I am forced to wake up. Kapag gumising ako sa umaga, inaasahan kong walang kumausap sa 'kin, lalong lalo na ang mga taong kagaya ni Thaianara. Baka mabigwasan ko lang sila.

Nagpapasalamat akong ginising ako ni Thaianara at baka hindi na 'ko nakabangon, pero 'yon lang, naiinis pa rin ako.

"Still sleepy?" Si Sauyer nang makalapit sa akin. I ignored him and covered my mouth as I yawned once more.

He put a jacket over my shoulders and crouched in front of me to level with my face. He was wearing his playful expression with his usual grin, parang mayroong binabalak na masama.

I pursed my lips when I found him handsome instead of getting annoyed like he'd usually do to me.

"Your eyes are cute when they're weary," he commented and lightly pinched my nose, chuckling in his morning voice afterwards.

Mahina akong umangal at humilig sa kaniyang katawan, umambang matulog habang pareho kaming nakatayo dalawa. I rested my head on his shoulder and closed my eyes. His hand rose and I felt it caress the back of my head softly.

"You want to sleep more? We can go back to my room. Mukhang matatagalan pa naman yung iba," aniya sa malalim ngunit malambing na boses habang patuloy niyang hinahaplos ang aking ulo.

I hissed against his chest. "Sino ba kasi yung nag-r-request ng sleep call kagabi? Tsk."

He let out a snicker and crouched down to carry me. He put both of my legs on each of his side, snaking around his waist, as my arms involuntary circled on his neck for support, the same way his arms were placed on my lower back to hold me up.

Nakakahiya yung aming posisyon, hindi niya na talaga tinatago. Kapag makita nung ibang katulong nila ang plastado namin, baka mabuking pa kami. Kulang na lang ay sasabihin niya na diretso kay Tita Sancha na boyfriend ko siya at ipagsigawan iyon sa buong bahay. Parang wala na talaga siyang pakialam, basta makapag-PDA lang.

Always Have Been, Always Will Be | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon