[ ◉¯]
Chapter 11
Heart Strings
Remind me how I got myself into this situation again.
Siguro sa sobrang pagod ko sa mga nangyari, napadalos-dalos na rin ako sa pagdesisyon. Pero hindi ko namang mapagkailang ginusto ko rin iyon. Kusa naman akong pumayag sa pabor na hiningi ni Swyney sa 'kin kahit na aniya'y maari akong humindi kung hindi ko talaga gusto. My empathy for her came first before my ability to think rationally, and you know what? I probably did not even regret it. And it wasn't like I could do anything about it na, nasabi ko na, e, ano pang magagawa ko?
The night quickly ended. Hindi na ako pinabalik ni Sauyer sa mga kaibigan ko kasi sabi niya'y mag-bonding kami dapat raw bilang 'mag-bayaw', ngunit nagtaka ako kung bakit yung pinag-usapan namin ay wala namang kinalaman kay Swyney.
He became his usual self again. Inasar niya lang ako doon sa veranda. Feeling ko nga nagbubuntis siya sa dali ng kaniyang mood swings. O baka siya yung nakabuntis pero sa sobrang baon niya, siya yung nakatanggap ng mga sintomas.
Nagtaka na rin ako kung bakit hindi na nakabalik yung mga kaibigan niya. Thaianara also messaged me and asked me where I was, to which I didn't respond to.
Manigas siya kakaisip diyan.
Mga bandang alas dose na nang may mi-ne-ssage si Sauyer sa kaniyang cellphone at tsaka ako hinatak patayo. Iginaya niya ako papasok sa loob ng bahay kung saan maraming bumati sa kaniya at inimbitahan siyang uminom ngunit tinanguan niya lang ang mga ito, patuloy pa rin ang paghigit sa 'kin hangga't sa makarating kami sa parking lot nila Clarkson saka niya binitawan ang pulso ko.
Medyo hiningal naman ako.
"Bakit mo 'ko dinala rito?" Taka kong tanong at lumingon sa mansion na buhay na buhay pa rin. Binalik ko ulit ang titig ko sa kaniya na lumalakad na ngayon papunta sa isang kotse.
Kotse niya ba 'yan?
"We're going home," aniya at pinindot ang key fob kung saan tumunog ang isang itim na matte BMW.
"This early?" Tanong ko, sinusundan siya.
He turned to me and rose a brow.
"I usually don't go home this early when I'm only with my friends. But now that I'm with some kids, my younger sister being one of them, I feel responsible on bringing you all home earlier."
I hissed.
"We're not kids. And don't act like you're such an adult. You're just a year older than me," I remarked a matter-of-factly. He cocked his right brow, amusement playing in his eyes.
He chuckled as he stepped forward. I flinched when he crouched and pinched my nose before going back to lean on his car and crossing his arms.
Napahawak ako sa ilong ko.
"Why did you do that?my nose is sensitive!" Reklamo ko.
"Oh is it?" He licked his lips. "Guess that makes sense since your nose is sensitive, and you're a little snowflake yourself." He grinned.

BINABASA MO ANG
Always Have Been, Always Will Be | ✓
Teen FictionSomersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly settled in the dark, lurking with the impossibles and uncertainties. He believed that he would grow u...