HE RAPED ME ! ( 8)

32 2 0
                                    

"HE RAPED ME!"  Chap-8
by:Liza

[EUNICE POV]

Nakatulog na ang sanggol na lalaki sa aking bisig gutom nga siya sarap sa pakiramdam na yakap ko siya.  binigay ko ito kay lola dahil hindi ko kayang tumayo .

" nga pala apo! ano bang pangalan nila kailangan na kasing ipasa ang record nila sa registrar office! "

" hmm... ano bang maganda lola? .. itong babae gusto ko siya si Princess Eunice "

" maganda yan apo! hello princess Eunice,, eh sa lalaki? "

"Nicko lola! tapos tawagin natin siyang si coco. "

" maganda iyan apo.. helloo coco! look apo! ngumiti siya ibig sabihin gusto niya ang pangalan apo! "

masaya ang aking naramdaman, ngunit nangagamba ako dahil panandalian lamang ito . paglabas namin dito sa hospital bukas ay mawawala nalang sila bigla sa aking buhay dahil sa mundo nang Buencamino sila mabubuhay..

" naku! naiinitan na naman ang baby Coco namin.. oh! siya apo ilalabas ko lang si coco huh! para makalanghap nang sariwang hangin iiyak na naman kasi .. ' "

" sige lola! buti pa si princess chill lang sa pagtulog.kapag nagising man ay wala kang problema dahil hindi ito iiyak "

umalis na nga si lola! dinala niya si Coco sa labas dahil ang sungit nito ang lakas pang umiyak. pinagmasdan ko si princess ang ganda niya. para siyang natutulog na anghel .

" i love you baby! "  bigla kong sabi sa batang natutulog .na nasa aking bisig .

may biglang pumasok at ito ay naka mask na tao at tinututukan ako nang baril.

" si-sino ka? anong ka-kailangan mo? "

" sorry, napag utusan lang! nag banta na ako sayo noong araw peru ang tigas nang ulo mo! "

" ikaw! ikaw yung nag bigay nang sulat? sino bang nag utos sayo? sino? "

" hindi mo na sana niluwal ang sanggol na yan! "

" huwag please! nag manakawa ako! huwag..."

pinutok niya ang baril at dahil tinago ko sa katawan ko ang sanggol ay natamaan ako sa may bisig ko! ay nadaing ako sa sakit kaya nagkaroon nang pagkakataon na nabaril niya ulit at natamaan na ang sanggol, hindi! ang anak ko,!!

" princess! anak!! tulong......." sumigaw ako nang malakas!

" tulong .. tulong .......! " sigaw ko nang paulit! ulit..at dahil sa maingay ako at siguro natakot siya na mahuli ay umalis na ito .. buti nalang may nakarinig sa akin at agad nila akong tinulungan..

" dok iligtas niyo ang anak ko! parang awa niyo na dok! "

ginamot na ang aking sugat . umiiyak na ako nang umiyak ..dumating si lola sa karga karga si Coco.

" apo anong nangyari? nasaan si princess? "

" lola! pinasok kami dito! tapos pinagbabaril kami! lola! balak niya talagang patayin ang bata! hindi ko na naiintindihan ang lahat lola! bakit? "

inilagay na ni lola si coco sa tabi kong kama ! at iniligpit ang mga gamit namin .

" hindi na tayo pwedeng magtagal dito apo! "

" paano si princess? lola! ginamot pa siya! "

may napulot si lola na isang litrato at mukha ko iyong nasa litrato.

" ikaw ba nagdala nito apo? "

" wala akong nadalang litrato lola! alam mo namang nasa emergency tayo noong pumunta dito! "

kinuha ko ang litrato at na aalala ko naiwan ko ito sa condo ni Nick dahil nakaipit ito sa notes ko na naiwan doon na balak ko sanang balikan peru hindi ko nakuha dahil sa malagim na pangyayari. paano ito napunta dito? hindi kaya isa sa mga Buencamino ang bumaril sa amin at balak na patayin ang sanggol.  peru bakit? dugo nila ito! dugo ito nang isang Buencamino! bakit nila papatayin!

" misis! Robles? "

" dok? kamusta na po ang anak ko? "

" I'm sorry misis ! ginawa namin ang lahat ngunit hindi talaga namin maibabalik ang buhay nang iyong anak! "

hindi ako makapagsalita, natulala lamang ako, diyos ko kay bata pa ni princess ni hindi niya nga nasilayan ang labas dito  sa mundo. kasalanan ko ito dahil sa una pa lang ay hindi ako naging mabuting ina dahil kahit hindi pa sila lumabas sa sinapupunan ko ay pinagisipan ko ng masamang balak kong gawin sa kanila. patawarin mo ako anak ko!  tama nga si lola masakit kapag nawalay sa iyong anak kapag itoy lumabas na sa iyong tiyan.

" naway mapatawad mo ako anak ko! " umiiyak kong sabi..

inayos na nang hospital ang labi nang aking anak at isinilid ito sa maliit na kahon at ito si princess  ngayon hawak - hawak ko na .

" aalis na tayo dito lola! delikado si Coco kapag nalaman nilang may isa pang bata ang hindi nila napapatay "

" mas nakakabuti na ibigay natin si Coco sa mga Buencamino dahil mayaman sila , ma pro-protektahan nila si Coco."  sabi ni lola

" hindi lola! sa palagay ko ! isa sa mga Buencamino ang pumatay kay princess! mas delikado si Coco doon! "

" diyos ko! doon muna tayo sa bayan nang tiyang mong si Marites!  ligtas tayo doon! "

" opo lola! peru bago yan , pupunta muna ako sa mansyon nang mga Buencamino! "

pumara na kami nang taxi ! at tinahak namin ang mansyon nang mga Buencamino. nasa labas na kami nang gate , napahawak ako sa kahon na nilalaman nang labi ni princess galit ang aking nararamdaman .

'"dito ka lang lola! ako na ang kakausap sa kanila!  bantayan mong maigi si Coco."





HE RAPED MEWhere stories live. Discover now