"Wag kang lalayo sa tabi ko Paulyn nako sinasabi ko sayo. Subukan mo lang talaga tumakas at sumama nanaman kay Yavin kukutusan na talaga kita." litanya ng bestfriend kong nagseselos na yata kay Yavin.
Noong isang araw nga matapos naming mag usap ay dumating si Yavin at hinanap ako.
Inaway pa siya ni Krystel dahil nga sa nakita niya itong may kasamang babae tapos ay bigla nalang dadating at hahanapin ako.
Inasar lang siya lalo ni Yavin at hanggang ngayon ay naiinis pa din siya dito.
"Pasok na tayong klase. Wag ka na magmaktol diyan." sabi ko sa kanya.
Hindi naman siya umangal kaya dumiretso na kami sa klase.
Pareho kaming irreg at ang babaeng to ay ginaya ang schedule ko. Tsk. Kakupalan 101 major yan si Krystel e. Pfft.
"Oyy gago late na tayo." nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at dali daling tumakbo sa pinto.
Kumatok muna siya at bahagyang pumasok.
"Good afternoon sir. We're sorry we're late. May we come in?" paumanhin ni Krystel.
Pucha, Law pala tong klase na to. We're doomed.
"May I ask you first how conracts are perfected before coming in?" sabi ni Atty. Salviejo.
"Yes sir." sagot ni Krystel at bigla akong siniko.
"Sayo na yung Consensual akin yung Real tig isa lang keri na yan." mando niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya at nag simula na siyang mag explain.
She started to speak and explain real contracts and talk as if it was her who's teaching the class. Woaah.
"In short sir, the perfection of the contract has been duly incurred when the obligation is delivered or when the corresponding service as promised has been received." dagdag pa niya. Pinalakpakan siya ng ibang tao sa klase. Maging ako ay napapalakpak.
Ibang klase, naniniwala na kong alien talaga ang bestfriend ko.
Napatingin naman ako kay Atty. Salviejo na nakatingin na sa akin at hinihintay nalang akong sumagot.
"Ehem.. Another type of contract according to perfection is Consensual contract. As a general rule, contracts of this type are perfected by mere consent of the parties regarding the subject matter and the cause of the contract. They are obligatory in whatever form they may have been entered into, provided all essential requisites for their validity are present." sabi ko. Oo, kinabisado ko lang yan. Aba, di ako matalino noh.
Huminga ako ng malalim at napangiti ng makaisip ng analogy para sa topic. Pfft.
"Parang pag ibig lang yan sir. Pag ibig na kinontrata, pag ibig na pinilit. Kahit wala pa naman o hindi pa maibigay yung pagmamahal basta pumayag sila pareho na pumasok sa relasyon. Kumpleto na yung kontrata-" ngumiti muna ako bago ulit magpatuloy.
"It's not necessary for the object to be delivered before perfection because in concensual contracts they come into existence upon perfection by mutual consent, even if the subject matter or consideration has not been delivered."
Tahimik lang silang lahat matapos makinig sakin. Hanggang sa makarinig ako ng tunog mula sa mga palad na dahan dahang naglalapat.
Napatingin ako sa pinanggalingan nito at nakita ko si.. Yavin. Nakangiti siya sa akin at biglang sumigaw na parang tanga.
"Hugooot!!" saka umingay ang buong klase.
Kusang nag init ang mukha ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.