Start over? Saan? Sa friendship? Friendzone na naman ba ako?
Simula nang makauwi ako ay hindi na tumigil sa pagkabog ang dibdib ko. Lalo na pag naaalala ko yung nangyare sa kotse. He sounded so sincere.
Hindi lang talaga ako sigurado kung ano ang tinutukoy niya na simulan namin uli.
Ano ba naman 'to. Alam ko namang mahal ko siya, hindi naman kailangan nerbyusin ng ganto ng puso ko. Hindi ko kinakaya, lumalala kasi yung affection ko sa tuwing pinapaalala ng nagwawala kong puso kung paano niya ako naaapektuhan.
Tumunog yung phone ko at nakatanggap ng isang text mula kay Yavin.
From: Yavin Miller
I'll pick you up tomorrow after your class babe.
Ano bang nasa isip mo Yavin? Bakit ba parang ang hirap para sakin na basahin ka? Na intindihin ka? Nakakainis.
Ayoko mag overthink, wala namang kasiguraduhan sa mga iniisip ko. At mas lalong walang kasiguraduhan sa mga bagay na gusto ko.
Pero hindi pa din kita pwedeng pangunahan. I guess I just have to trust you. Oo, Paulyn, tiwala lang. Si Yavin yan, he may be an asshole but he's still your.. uh—friend?
Kinabukasan ay halos hindi na ako lumabas sa closet ko dahil hindi ko malaman kung ano ang isusuot. Sa mahigit tatlumpong minuto kong pagpapabalik balik ay nauwi ako sa gray tapered jeans, plain light green blouse at white chucks.
Masyado na akong natatagalan sa pagpili ng damit, bahala na.
Pumunta ako sa school 30 minutes before my class.
Maingay pa rin ang buong school at puno ito ng mga nagmamadaling estudyante. Tatlong araw nalang pala bago ang University week.
Lumakad ako papunta sa booth namin na sinisimulan ng itayo. Someone approached me nang makita niya ako.
"Paulyn, can you look at this? Eto kasi yung designs ng Booth natin. They suggest I ask students from our department for comments."
Kinuha ko ang hawak niyang folder at sa loob non ay iba't ibang lay out ng designs.
Maganda naman lahat. There is this classic design na napaka moving, para ka talagang ikakasal, and I find that sort of inappropriate. Kaya binigay ko yung may pastel theme. Para light lang yung ambiance, hindi masyadong seryoso.
"Here. Mas okay to para sakin."
Sabi ko dun sa babae.
"Oh! S-sige." Sabi niya na parang ang weird ng choice ko.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, wala naman. Ikaw lang lang kasi saka sina Sylvester at Yavin ang pumili ng theme na to." Paliwanag niya. Kumunot ang noo ko. I thought sa mga students ng department lang magtatanong? Bakit nasama sila Yavin, e taga Engineering Department sila.
Tatarayan ko n asana yung babaeng alangang nakangiti sakin ng biglang may pumatong na mabigat na bagay sa balikat ko.
"Mali ka ng iniisip babe, nagtanong lang siya. She's not hitting on me, swear. Don't get jealous." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang nakangising si Yavin.
Hiningal ako bigla kahit nakatayo lang ako dito. Putaena Yavin. Kumakalabog nanaman ang puso ko.
"A-Anong pinagsasasabi mo diyan?"
"Tsaka, designs yan! Engineering major ka, hindi designer." Matapang kong saad kahit halos nanlalambot na ang tuhod ko. At anong wag akong magselos? Eh h-hindi naman ako n-nagsesel—Okay, medyo nairita ako. Pero hindi ako nagselos. Hmph!
Kasama niya si Sylvester sa likod niya. He waved at me nang makitang sinilip ko siya.
"Wala." Sabi niya saka tumawa. "Sabi ko ang ganda mo ngayon. Diba, Miss?" tanong niya don sa babaeng kausap ko kanina. Tumango naman ito, ngumiti saka nagpaalam na babalik na sa booth.
"Ulul, bola mo." Sagot ko sa kanya at tinanggal ang braso niya sa balikat ko. Masyado siyang mabigat para gawin akong patungan.
Tumawa naman sila ni Sylvester at naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Anong problema ng mga ito? Bwisit. Baka mukha nanaman akong kamatis neto.
"P-pasok na ko." Sabi ko sabay tumalikod at dali daling lumakad palayo.
Hindi ko naman na narinig ang boses nila kaya nagpatuloy na ako sa paglakad. 10 minutes nalang, start na ng class ko. Dumaan pa ako sa locker para kunin ang libro ko.
Sabay lang kaming dumating ng professor namin. At nagsimula din siya agad ng klase. Walang pumasok sa utak ko kahit pa tatlong oras siyang nagdadaldal sa harap. Nagulat nalang ako ay tapos na pala ang klase.
Tumayo na ako para kumain. Dalawang oras pa bago ang sunod kong klase. Ano kayang pwedeng gaw—"You done?" napaangat ako ng tingin at nakita ko si Yavin na malapad ang ngiti.
Sht. Susunduin nga pala niya ako. Pero akala ko mamaya pa. Ngayon na ba agad? Hindi ako makapag salita dahil parang may bumara sa lalamunan ko kaya naman tumango nalang ako.
"Dadaan ka pang locker? Dalian natin. May klase ka pa mamaya." Sabi niya habang sinasabayan akong lumakad.
"P-pano mo nalaman sched ko?" tanong ko.
"Classmate kita sa next subject." Napanganga ako. Sht. Law nga pala next subject ko, well, namin.
Dumaan kami sa locker at agad kong nilapag ang libro ko doon. Saka ulit kami lumakad ni Yavin palabas ng school. San kami pupunta?
"Uy! San tayo pupunta?" Humarap siya sa akin at parang tumigil sa pag ikot ang mundo dahil sa maganda niyang ngiti. Sht.
"Sa puso ng bawat Pilipino!"
Agad ko siyang binatukan dahil sa sinagot niya.
"Tangina mo talaga!"
"Aray! Sakit nun babe."
"Tinatanong kasi kita ng maayos. Tas ang gago mo sumagot." Iritang sagot ko naman sa kanya.
Bigla nanaman siyang umakbay sa akin at tumawa. Wag ka nang tumawa please, natutunaw ako. Nakakapanghina ka. Tama na.
"Are we good?" tanong niya sa akin.
"Of course we are." Sagot ko naman. Ang rupok mo Paulyn.
"Masyado ka kasing uptight e. Sa iba naman ang relax mo. Tas pag sakin, parang lagi kang nakukulangan sa oxygen."
"Aware ka naman diba?" tanong ko sa kanya. Huminga uli ako ng malalim at agresibong binuga ito. "Pano ako kakalma kung—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang ilagay niya ang daliri niya sa mga labi ko. Awtomatikong akong napaatras. Parang pinaso ako sa ginawa niya.
"Di ba sabi ko magsisimula tayo ulit? Ang laki na ng pinagbago mo. Masyado na ding kumplikado. Dahan dahanin natin babe." Seryoso niyang sabi.
"Hindi ko kasi maintindihan Yavin. Kung para saan at magsisimula tayo ulit. Are you trying to rebuild our friendship? Or is there any other reason? Kasi hindi ko ma-absorb. Pakipaliwanag naman oh." Sagot ko nang hindi siya tinitignan. Hindi ko kayang makita ang mukha niya, ang mga mata niya. Hindi ko kaya. Matatalo ako pag tinignan ko siya.
"We're starting over because I want to fix the damage I have caused you. And after that, we'll work everything out and make everything fall into place."
I still don't get it.