4

42 3 0
                                    

"Tayo na diyan Paulyn." Rinig ko ang pag tawag sa pangalan ko pero malabo ang pagkakaintindi ko sa iba ko pang naririnig. Nararamdaman ko din ang pag tapik ng kung sino sa pwetan ko. Aish.

Pinilit kong idilat ang mabigat kong talukap, pero bigo ako. Kaya gumilid ako at tumalikod sa kung sino man iyon na gumugulo sa mahimbing at masarap kong pagtulog.

"Sorry Yavin ah, ayaw pa kasing tumayo ni Paulyn e." Pamilyar sa akin ang boses na iyon at sigurado akong si Krystel iyon. At sinabi ba niyang Yavin? Ugh. Ang aga aga pa para sa bisi—

"Shet! Nandito si Yavin?" Kahit na nabigla ang katawan ko dahil sa bigla kong pagbangon ay nagawa ko pa ring bumalikwas at usisain ang paligid para tignan kung may bakas ni Yavin sa kwarto ko. Pero wala..

Si Krystel lang at ako ang nandito. Pinukol ko ng masamang tingin si Krystel na nagsusuklay ng buhok sa tapat ng salamin ko.

"Gago ka!" Sabi ko sa kanya at binato siya ng throw pillow.

"Kanina pa po kasi kita ginigising. At ayaw mong tumayo." Paliwanag niya. Eh anong kinalaman ni Yavin dun? Bat kailangan pa siyang banggitin? Psh.

I didn't bother answering her. Inayos ko na ang kama ko at nagpunta sa banyo and do my morning ritual, kahit tanghali na. Sakit ng ulo ko.

After I took a bath I saw Krys sitting on the bed. With her laptop open at mukha siyang uh—anxious? Di maipinta ang mukha niya.

"Hey, what's that?" tanong ko na ikinagulat niya. Hindi man lang niya namalayan ang paglabas ko ng banyo? Lutang ang putek.

"Nah. It's nothing important." Sagot lang niya.

"Okay." Tipid kong sagot sa kanya. Matapos kong magpatuyo ng buhok ay nag aya na siyang bumaba para kumain. Anong oras na rin kasi.

"Hey" bati ko nang makita ko si Kuya na nakaupo sa isa sa upuan sa dining. Mukhang kakagising lang din niya. Magulo at medyo tumutulo pa ang buhok niya. And he's wearing his circular glasses; it makes him look more gorgeous.

"Morning." I said and kissed him in the cheek.

"Afternoon." Sabi niya.

"Yo." bati ni Krys at tinanguan lang niya.

"Wala kang klase?" tanong ko. Umupo naman kami ni Krys sa bakanteng upuan sa harap niya.

"Mamaya pa pasok ko. Kayo?" Tanong ni Johann.

"Wala kaming pasok." Si Krys na ang sumagot para sakin. Maya maya pa ay hinainan na kami ng pagkain.

"Asan pala sila Mama? Di ko sila nakita kagabi."

"Pinuntahan si Papa, kasama niya si Lola. Mga one week yata silang wala." Tumango tango lang ako sa sagot ni kuya. Kaya pala ang daming pagkain sa fridge. Ang tagal nilang wala, hays. Parang nung nakaraaan lang nadalaw sila dito.

"Saan niyo balak pumunta? Wala kayong pasok diba?" Dagdag katanungan ni Kuya.

"Di ko alam, di pa namin napag usapan ni Krys. Baka dito lang kami sa bahay, foodtrip and all. Right Krys?" Hindi sumagot sakin si Krys pero tumango lang siya. Problema nito?

"Sige, mauuna na ako. Wag kayong gagawa ng kalokohan ah." Bilin ni Kuya bago siya tumayo at lumakad paalis. Napadako ang tingin ko sa plato niya at hindi halos nabawasan ang pagkaing nakalagay dito.

Ano bang meron sa mga tao at para silang problemado?

"San tayo ngayon?" tanong ko sa kaibigan ko habang kumakain.

A Masochist's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon