"We have to talk."
Sender: Yavin Miller"Tangina mo Yavin, tangina mo talaga." Mahina kong utas at marahas na pinaandar ang kotse.
"Pucha Paulyn, wala tayo sa karera. Bagalan mo nga!" reklamo ni Krys na nasa tabi ko lang. Isa ka pa, bahala ka din. Wala akong balak na makinig sa kahit na sino.
Bakit ba? Bakit kahit pakiramdam ko durog na durog na ko at nagagalit ako kay Yavin dahil sa nangyari ay gusto ko parin siyang kausapin? Napapamura nalang ako sa nararamdaman ko.
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa manibela. Tinitignan ko ang bawat kalsadang dadaanan at nilalagpasan namin, iniisip kung anong posibleng daan pabalik kay Yavin. Pero mas pinili ko pa din na tahakin ang daan pauwi.
Sigurado akong talo ako kay Yavin pag kinausap ko siya. Ayaw ko siyang makausap. Ayaw ko muna siyang makita, di, ayaw ko lang talagang aminin na kahit gano katigas ang ulo ko, sa kanya lang ako tumitiklop.
Lumiko na ko at piniling tahakin ang daan pauwi, desidido na ko, uuwi ako at hindi ko kakausapin si Yavin.
"Kumalma ka nga, masyado tayong mabilis at nakikita ko ang panginginig ng kamay mo."Mahinahon na sinabi iyon ni Krys. Nakakatawa na nagawa nitong pakalmahin ang nagwawala kong diwa.
Dahan dahan ko namang inangat ang paa ko sa gas pedal kaya bumagal ang pagtakbo ng sasakyan.
"Ganun ka kaapektado kay Yavin?" tanong ni Krys na bumasag sa katahimikan.
"You were there nang sinabi ko na mahal ko siya. Are you expecting me to laugh after I saw him making out, I mean, almost fucking a whore? Don't be ridiculous." Naiinis kong sabi.
"Sorry, I know it's my fault." Yeah, you should be.
"We're here." Bumaba na ko na hindi man lang sinagot ang paghingi niya ng paumanhin. She knew I'll forgive her kaya malakas ang loob niya na mangtrip.
Tinulungan ko siyang kuhanin ang mga gamit niya at pumasok na kami sa loob nang bahay. Nakita ko si Kuya na nakaupo sa sala at may kasamang mga kaibigan.
"Catch!" sabi ko dito. Saka binato ang susi ng kotse niya.
"Oh, andiyan na pala kayo?" sabi ni Kuya.
"Hindi, wala pa. Nakita mong nandito na e, magtatanong ka pa." pambabara ni Krys na nasa likod ko lang. Nagsimula na ulit akong maglakad. Imbis na magtethank you sana ako, wag nalang. Matic na yon. Isa pa, I'm not in the mood.
"Dumaan dito si babe mo, este Yavin pala. Hinahanap ka." Huminto ako, at lumingon kay Johann.
"Do me a favour Kuya, tell him to die. And I hate I him to the pits of fucking hell." Umalingawngaw ang pagmumura ko sa buong sala. Natahimik sila na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Tss.
"O-okay." Sagot nalang ni kuya kaya tuluyan na akong umakyat sa kwarto. Nakasunod lang sakin si Krys. She brought her things at the side of my bed and opened the TV.
Nagpalit na akong damit, the big and loose long sleeve top and shorts. Kung wala lang bisita sa bahay, I'll be wearing a sando and my undies.
"What do you want to drink?" I asked her.
"Anything will do." I shrug and went to the door. Bumaba ako at mula sa labas ng kwarto ay rinig ko ang ingay nila kuya. Yung totoo? Plates ba ang ginagawa nila o nagchichismisan lang?
"Yo!" bati sakin nang isang kaibigan ni Kuya. I don't really know him, he's maybe Johann's new friend.
"Hey." I waved back.