CHAPTER 23

22.5K 408 60
                                    

"Shh, tama na." Pag pigil ni Arkaius sa akin, sa pag sabunot ko sa ulo ko.

Hinawakan niya rin ang mga kamay ko, at sinubsob ako sa dibdib niya para hindi ko na masaktan ang sarili ko.

Naiiyak na naman ako, ang daming pumapasok sa isip ko sa pag aalala sa mga mahal ko sa buhay. This is a curse, being the strongest is a curse.

Kayang kaya ko ang sarili ko, pero hindi ko kayang protektahan lahat ng tao sa paligid ko. I'm always the person who's protecting everyone's peace...but know? Who'll protect me, kung ako naman ang nanganganib sa sarili kong utak–

"Tama na, Vionna. Kumalma ka na, I'm here...magiging okay sila." Pag tapik niya sa likuran ko habang naka yakap.

May kung ano akong naalala sa kung paano siya mag salita. Hindi ko mapigilan ang luha na umaagos sa mata ko, pero inangat ko pa rin ang ulo ko at tingin ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa mata niya ng makita niya akong lumuluha.

"Vionna..." Marahang pag tawag niya sa akin, kasabay ng pag punas niya sa luhang tumutulo galing sa mata ko gamit ang hinalalaki niya.

"Nakikita ko sayo si Papa..." Wala sa sariling bulong ko.

"H-ha?"

"Arkaius..." Tawag ko sa kanya, gamit ang malumanay kong boses.

Isang malaking haplos sa dibdib ko ang mga salitang binitawan niya na nag pahinto sa pag iisip ko. Dahan dahan kong inangat ang kamay ko, at marahang hinaplos ang napaka puti niyang balat.

Sa bawat segundong nakatingin ako sa kanya, ay naaninag ko ang mukha ni papa. This is how he looks on mama...fuck, ganon na ba kataas ang tingin ko kay papa na isang katulad niya ang gusto kong makatuluyan...

Marahan kong pingalaw ang hinlalaki kong nakahawak sa pisngi ni Arkaius, na talaga namang mas matangkad sa akin. Why does it felt like he was the one I'm looking for? Well...siya naman talaga, kung hindi niya lang ako trinaydor noon.

Agad na iniling ko ang ulo ko, para mawala ang ideya na yun sa utak ko at marahas na tinaggal ang kamay ko sa mukha niya. Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ulit ang pulsuan ako at hinatak pabalik sa kanya.

"A-ano ba, bitawan mo nga ako." Utal na sambit ko, at pilit na lumayo sa kanya.

Nang masipat ko ang mukha ni Ark, ay seryoso lang itong nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa mata niya, pero kita ko ang pag guhit ng pinaghalong lungkot at pagka lito sa mga mata niya.

"Don't stop yourself, Vionna." He seriously said, "You can love again, like how you used to do...kahit ilang beses mo akong ipag tabuyan ngayon, I won't leave you again. Kahit batuhin mo pa ako, ng pinaka masasakit na salitang alam mo. Hindi na ulit kita iiwan, Ionna." He mumbled as he looked directly into my eyes.

Pag lunok na lang ang nagawa ko dahil doon, inaamin kong gusto ko ang pag trato niya sa akin ngayon pero...sa tingin ko ay hindi ko na kayang ibalik ang tiwala ko sa kanya.

"This...is wrong, Arkaius–"

"No, it's not Vionna. Walang mali dito, just trust me one more time at hinding hindi ko na sisirain yun...na hindi ko naman talaga ginawa." Halos hindi ko na marinig ang huling parte ng mga salitang binitawan niya.

Nawala ang kislap ng mga mata ko, at patay na tumingin sa kanya. I can't love him for the second time, he was a traitor...and I am a soldier.

Hindi na ako nag salita, at tinalikuran siya kasabay ng pag lapit ko muli sa kubo kung saan nakatira ang batang babae na hiniraman ko ng cellphone. Sandali muna akong sumilip sa paligid, bago tuluyang pumasok.

Don't be hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon