CHAPTER 29

21.8K 424 37
                                    

"Ano po ba ang gagawin natin sa bayan?" Tanong ng Naya.

Napag alaman ko na Naya pala ang pangalan ng batang nag pahiram sa akin ng cellphone na sinira ko. Andito kami ngayon malapit sa kalsada habang nag aantay ng sasakyan papunta sa bayan.

"Uhm...hehe." Naiilang na sambit ko, "Yung...phone mo, bibilhan kita ng bagong cellphone."

Kita ko ang pang lalaki ng mata ng batang babae dahil sa sinabi ko, "N-nasaan na po yung cellphone ko?" Nautal na tanong ng bata sa akin.

"Don't worry, bibilhan ka namin ng mas magandang cellphone yung touchscreen." Agad na paninigurado ko sa kanya.

Ang cellphone na pinahiram niya kasi sa akin ay dipindot lang, ngayon na nga lang ako nakahawak ng ganon. Nanibago ata yung kamay ko, kaya ko sinira.

Parang kinurot naman ang dibdib ko ng makita kong natahimik ang bata at natutulala pa, napakamot na lang ako sa batok ko dahil doon.

"I'm sorry–"

"Okay lang po...kaso nanghihinayang po ako." Masakit na sabi niya sa akin. "Bigay po kasi sa akin yung tito ko..." She added.

Nakagat ko naman ang labi ko dahil sa doon, bigla tuloy akong na guilty sa ginawa ko. Dapat talaga ay hindi ko pinapairal ang init ng ulo ko at nakakasira ako ng mga bagay na hindi naman sa akin...e sabi kasi ni Papa e.

"Sorry talaga." Muling pag hingi ko ng tawad sa kanya kasabay ng pag hawak ng marahan sa buhok niya.

Hindi na ito nag salita at hinayaan ko na lang, nilalamon akong konsensya ko dahil doon. Ilang saglit pa ang nakalipas ay may dumaan ng isang sasakyan dito sa pinag aantayan namin.

Mas maliit ang kurba ng sasakyan na ito kaysa sa mga karaniwang pang syodad na pampublikong transportasyon sa na nakita ko. Sumakay kami doon, na inalalayan pa ako ni Arkaius na maka akyat.

"Ako na." Masungit na sambit ko, at sa hawakan ng sasakyan humawak kaysa sa kamay niyang nakalahad sa harap ko.

Talaga ba namang nakayuko ako dito, dahil nga mas maliit ito kaysa sa nakasanayan kong sakyan. Matangkad ako kaya naman ay kahit nakaupo ay nakayuko pa rin ako, inikot ko ang mata ko sa direksyon ni Ark ng makita ko ang posisyon niya.

Isang maliit na pag tawa ang lumabas sa bibig ko ng makita nahihirapan siya sa posisyon niya, kung matangkad ako ay mas matangkad sa akin si Ark na halos hanggang tenga niya lang. Kaya naman kung nahihirapan na ako sa posisyon naito, ay lalo naman siya.

Napabuntong hininga ako bago umusod sandali medyo malayo sa kanya, wala namang masyadong pasahero at unti lang kami dito.

Inabot ko ang ulo ni Ark, at pinasandal yun sa balikat ko. Kahit naman na naiinis ako ay hindi ko naman kayang makita siyang ganyan, baka mabali pa ang leeg niya dahil doon.

Sinalubong ng mga mapupungay na kulay pulang mata ni Ark ang tingin ko sa kanya, nakita ko pa ang pag kalito niya dahil sa inasta ko. "Your neck will hurt." I mumbled, as I looked away from his stare.

Nagulat naman ako ng bigla niyang pinulupot ang ang kamay niya sa bewang ko, at mas lalong diniin ang sarili niya sa akin. "You know that my neck will hurt even more because of this position, right?" He whispered while leaning into my shoulder.

My brows furrowed because of that, "E...edi umalis ka! Wag ka ng sumandal sa akin–"

"It's fine, it may be uncomfortable but I love being close with you like this." He hissed as he leaned more.

"Ang landi mo." Tanging sagot ko sa kanya.

Buti na lang ay nasa likuran kami nakaupo at ang mga kasama namin dito sa sasakyan ay nasa bandang unahan kaya naman hindi nila kita ang pinag gagawa ni Arkaius sa akin.

Don't be hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon