CHAPTER 33

19.8K 333 27
                                    

"No...that wasn't my sister." Wala sa sariling bulong ko.

Patay akong nakatingin sa babaeng nasa harapan ko na parang sanay na humawak ng baril at kinakamot pa sa ulo niya ang nguso nito.

Muli ko pa siyang tiningnan ng maayos at sinipat ang mukha nito, at hindi ako mag kakamali na kapatid ko nga ang may hawak ng baril at pumatay sa binatilyong iyun. Anong nangyayari?!

"Vionna, wag–"

"Kailangan ko siyang lapitan, tangina Arkaius, kapatid ko ang may hawak ng baril na yun!" Agad na pag putol ko sa kanya.

Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa akin at nakita ko nalang na sumunod siya. Ang bigat ng dibdib ko, nanggagalaiti ang utak ko sa nasaksihan ko. Huling ideyang papasok sa isip ko na makikita ko ang kapatid kong may papatayin sa harapan ko.

Ang bigat ng bawat yabag ko at hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko, kitang kita ko ang walang buhay na katawan ng lalaking iyun.

"REINALLANAH!" Malakas na sigaw ko dahilan para mapalingon siya sa akin.

Kita ko ang gulat sa mata nito ng makita akong palapit sa akin, "Ate–" Hindi ko na siya pinatapos at agad na kinuha ang baril sa kamay niya.

Aabutin kona sana ito ng mabilis niyang naiwas ang katawan niya sa akin at nakalayo, napailing pa ako dahil hindi ko maalala na ganito kumilos ang kapatid ko.

"Anong..."

"Anong ginagawa mo dito ate?!" Siya pa ang may ganang mag tanong sa akin noon.

"I should be the one asking you that damn question!" Mariing balik ko sa kanya.

Muli akong lumapit dito pero nagtaka ako ng mabilis itong nakakagalaw at iniiwasan ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at marahas na lumapit sa kanya na sinabayan niya naman.

"Anong ginawa mo ditong bata ka ha?!" Galit na sigaw ko sa kanya, at pilit na inaabot ang baril niya.

Pag ikot ang ginagawa niya sa mga galaw ko, at nasasalo ang bawat binabato kong kilos sa kanya. Mabilis niyang nasasagot ito, na halatang sanay na makipag laban pero hindi iyun ang natatandaan ko.

Ilang linggo palang ako nawawala sa bahay, imposibleng mapapag aaralanan niya ang mga galaw na ito sa sobrang bilis niya kumilos. Nakakagulat ang sa mga galaw niya na kaya akong sabayan.

Nahawakan ko na ang kamay niya at maabot na sana ang baril sa kamay niya ng bigla niyang padulasin ang paahan niya sa akin dahilan para bumagsak ako. Nangunot ang kilay ko dahil doon pero hindi ko na pinigilan ang sarili ko kahit naguguluhan ako.

Hinablot ko ang kamay niya, at inilagay sa balikat ko kasabay ng pagbagsak sa kanya sa sahig. Ayun ang pagkakataon na nakuha ko na ang baril sa kanya at diretsong tinutok sa direksyon ni Reina.

Pareho kaming hinahabol ang hininga namin, hindi na rin ito pumalag dahil hawak hawak ko na ang baril niya.

"A..ate.." Gahol na tawag niya sa akin.

"Kailan ka pa natutong humawak ng baril, at pumatay?!" Malakas na tanong ko sa kanya pero hindi ito nag salita at patay na tiningnan lang ako sa mga mata.

Hindi ko makilala ang babaeng nasa harap ko, malayong malayo siya sa kapatid na iniwan ko. Parang ibang tao ang kaharap ko, at hindi ang maarte at lampang kapatid ko na puro kalokohan lang ang nasa isip.

"Reina, hindi mo ako sasagutin–"

"Put your hands up, and remove the gun you're pointing to your sister, Vionna." Isang malamig at malalim na boses ang narinig kong nag utos sa akin.

Don't be hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon