CHAPTER 47

20.5K 349 88
                                    

"Val!" Agad na tawag ko sa kanya.

Kita ko pa ang pang hihina sa mata niya, at ang pamumutla ng mga labi nito. Mukhang napuruhan nga talaga siya ng virus na yun, dahil siya ang pinaka huling tinabalan ng gamot.

Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko pa siyang umupo sa malapit na bangko, para hindi pa pwersa ang katawan nito.

"What are the things you know?" Malumanay na tanong ko sa kanya, habang nasa tabi nito.

"She...she was the niece of this country's president." Paninimula nito, "She proposed that idea with her uncle, to get back at you with how greedy his uncle was. Ayaw na nitong mapalitan sa pwesto, that's why they decided to start a virus that will make him stay in position and have the power over the country." She explained.

"So, ang ibig mong sabihin ang kalaban natin dito ay ang pinakamataas na tao sa bansa?" Tanong ni Mama, na mukhang nag aalangan.

Kahit ako ay napailing doon, kung ang pinaka mataas na tao na ang kalaban namin dito ay magiging mahirap ang laban na ito. Knowing that he is the president, I know that he has a lot of acquaintances that agreed with this plan.

Hindi naman bubuo ng ganyan, kung wala siyang kakampi. Mukhang mahihirapan pa kami tapusin ang laban na ito, sana lang talaga ay makita na namin ang dulo ng gerang ito bago pa man may madamay na mas maraming tao.

Tama na ang mga nawalang tauhan sa amin nung sumugod ang grupo nila Jen dito. Marami ang nalagas sa amin nun, pero tama na iyun. Ayuko ng madagdagan ang mamatay, at gusto ko na lang tapusin ito at mag pahinga sa lahat ng bagay.

"Paano naging pamangkin ng presidente si Jen?" Tanong ni Ninong, "Kung galing naman siya sa mayamang pamilya paanong isa siya sa mga nag hirap sa trahedya noon?" Nag tatakang tanong nito.

Napaisip tuloy ako doon, tama si Ninong, kung mayaman naman pala ang pamilya nila ay bakit kailangan iyang magdusa noon dahilan ng pag kawala ng babaeng pinaka mamahal niya.

Alam ko sa sarili ko kung gaano niya kamahal ang girlfriend niya, pero hindi ko inakala na aabot ang ideya niyang iparanas rin sa iba ang sakit na naranasan niya.

Her love for her girlfriend was something unmatched to the point that he lost herself and thought that everyone deserved to feel the same agony as her.

"Tumakas siya...gaya nga ng alam niyo ay babae ang pianaka mamahal niya, her family didn't accept the fact that she love someone who's with the same gender with her." Paliwanag niya, "When her girlfriend died, and survive with that tragedy ayun lang tanging panahon na nakabalik siya sa pamilya niya, and she use that opportunity to get revenge and manipulate her uncle." Dagdag pa nito.

"Pero diba...ang sabi ni Mama ay naging spy sa ibang bansa?" Nag tatakang tanong ko.

"She's spying on herself, as if she's pretending to be someone who's close with you." She answered.

Napailing nalang ako sa daming ng impormasyon na alam ni Valora, "Saan mo nalaman yan? I don't even know that information." Tanong sa kanya ni Arkaius.

"Well, may pinag gamitan ang pagiging chismosa ko. I've heard them talking before they sent us to the mission–"

"Hindi pa nag sisimula ang misyon natin, alam niyo na ang plano?" Kunot noong tanong ko sakanya.

Bumuntong hininga to bago nag salita, "I'm sorry, but we need to hide that fact for your safety. Maniwala ka Vionna, wala kaming balak ipahamak ka, pero wala rin kaming magawa nang hawakan nila ang mga magulang namin." Pag babawi niya sa sarili niya.

Mariing kong pinikit ang mata ko dahil doon, "If you guys are working together, bakit nagpanggap pa kayo na galit kay Arkaius back on that cave?" Tanong ko kasabay ng paghilot ng sintido ko.

Don't be hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon