Athena's POV
TINIGNAN ko ang oras sa cellphone ko - 10:08 PM.
Napabuntong-hininga ako saka ko iyon pinatay ulit. Nakailang ikot na ako dito sa higaan pero hindi ko pa din mahanap kung anong pwesto ang gusto ko. Tumihaya ako at tumingin nalang sa kisame.
.
Hay, bakit naman kasi ganoon ang bumungad sa akin sa Skylight?Inis akong kumuha ng isang unan saka iyon itinakip sa mukha ko.
Pero alam naman na ng mga Buenavista ang totoo, 'di ba? May gagawin naman siguro talaga 'yon kasi bakit naman nila gugustuhin na madikit ang pangalan nila sa kagaya ko 'di ba?
Nang maisip iyon ay kahit papano medyo naging okay naman ako. Mula kaninang hapon pag-uwi ko ay tulala talaga ako. Tinanong nga ako nina mama at kuya kung kamusta daw ang first day ko, ayon puro okay lang ang sagot ko. Alam ko namang hindi sila kumbinsido dahil inulit-ulit ni kuya ang tanong niya. Nainis nalang ako kaya nag-away kami.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko saka iyon marahang binuksan.
“Oh ma, bakit po?” sambit ko nang makita kung sino ang kumatok.
“Anak? Thena? Gising ka pa ba?”
Pumasok si mama sa kwarto at umupo sa tabi ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Bakit 'di ka pa natutulog, maaga ang pasok mo,” tanong sa akin ni mama.
“Medyo nahihirapan lang po ako makatulog ma,” magalang na sagot ko.
Tinignan ako maigi ni mama, tila hindi naniniwala sa sinabi ko, “Anak, okay ka lang ba talaga?”
Natigilan ako. Masyado bang halata na may iniisip talaga ako?
Hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin kay mama 'yong tungkol sa kamukha ko. Baka naman kasi ma-stress lang siya. Hanggat maaari sana ay ayokong bigyan ng isipin si mama.
Siguro nga ay huwag na muna. Nasa America naman 'yon tapos hindi naman siguro bago 'yong gano'n. Mga artista nga may kalook-alike eh.
Ayoko man magsinungaling pero tingin ko dapat. Pilit akong ngumiti bago sumagot, “Opo, ma. Wag ka po mag-alala.”
Lumapit sa akin si mama saka marahang hinaplos-haplos ang buhok ko. “Kung hindi maganda ang trato sa 'yo sa eskwelahang 'yon, lumipat ka nalang anak ha. Kung gusto mo sa private school, okay lang. Gagawan ko ng paraan. Basta kung nahihirapan ka, tama na.”
Nakonsensya akong bigla sa pagsisinungaling ko pero mas makokonsensya ako kung dadagdag pa ako sa isipin ni mama.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Mama naman, bakit mo po naisip na nahihirapan ako doon? Isang araw palang po ako napasok. Nanibago lang po ako ma pero nag-enjoy po talaga ako.”
Tinignan lang ako ni mama saka rin siya pilit na ngumiti, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Ang bigat naman sa dibdib nitong ginagawa ko.
Niyakap ako ni mama, ilang minuto din iyon. Hindi kailangan ng kahit anong salita para tumbasan 'yong yakap na iyon. Para bang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko, para bang sinasabi ng yakap niyang iyon na magiging okay ang lahat. Yakap na ito ni mama kaya maniniwala ako. Paniniwalaan ko.
Nang makaalis si mama ay napaisip ako. Sayang naman ang SVDP kung aalis ako sa SH 'no. Bakit ako magpapa-apekto sa walang kwentang isyu na 'yon? Hindi naman totoo eh.
Iwinasiwas ko ang kamay ko sa harap ng mukha ko saka ako muling humiga.
"Ay! Mag-aral nalang!" iritable kong bulong sa sarili.
BAGO ako tuluyang umalis sa bahay kanina ay ilang beses ko pinag-isipan kung papasok ako o magkukunwari munang may sakit. Pero heto ako ngayon, nasa harap na ulit ng campus.
YOU ARE READING
My Popular Boyfriend
Teen FictionNakapasok si Athena Herrera sa dream school niya pero ang inaasahan niyang masayang first day of school ay agad na naglaho. Sinalubong siya ng mga usapin na boyfriend niya daw ang popular guy ng school na si Akihiro Buenavista, anak ng pinakamayang...