Athena's POV
NAG-STAY ako sa school kahit hiyang-hiya na ako. Buong klase kaninang third subject, dama ko ang mga nanghuhusgang sulyap sa akin ng mga kaklase namin. Maya't maya hinahawakan ni Enzo ang kamay ko at marahang pinipisil iyon para lang mawala ang atensyon ko sa mga kaklase namin.
Pinipilit ko mag-concentrate sa discussion pero hindi ko magawa. Below passing score ako sa short quiz namin kanina. Wala talaga ako sa kundisyon mag-isip. Pinipilit ako ni Regine na umuwi na muna pero hindi naman nila naiintindihan ang sitwasyon ko eh.
Agad na napatingin ang lahat sa pinto nang bumukas iyon. Nakita ko si Hiro, dali-dali siyang lumapit sa akin. Hinigit niya ako saka niyakap.
“Sorry,” bulong niya, may pangangamba sa boses, habang hinahaplos ang likod ng ulo ko.
Hindi ko na naiwasang ilibot ang mata ko. Nakatingin sa amin ang lahat. Hindi ko maintindihan ang mga gustong sabihin ng tingin nila, halo-halo, hindi ko malaman kung sino ang kinikilig, naiinis, nalulungkot, at ewan ko. Ang gulo nila.
Hindi pa masyadong napoproseso ng utak ko ang ginawang pagyakap ni Hiro na walang pasabi nang kumalas siya at bahagyang ibinababa ang sarili para magkapantay ang mukha namin.
“Do you want to go home? Ihahatid kita,” kalmadong sabi niya pero taliwas iyon sa kung anong nakikita ko. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang tinitignan ang itsura ko.
Iniayos ko ang tayo ko bago sumagot, “Hindi, okay lang ako.”
Nabaling ang atensyon namin kay Regine nang sumingit siya sa usapan. “Excuse me, Hiro. Magchange clothes muna siguro si sissy. Nandiyan na rin si Manong Milton eh, pinadala ko ang extra uniform ko.”
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. “Ha? Hindi naman kailangan, okay lang naman ako. Okay pa 'tong tshirt na—”
“Athena Herrera,” nagbabantang tawag sa akin ni Regine saka ako sinamaan ng tingin.
Tumango nalang ako dahil wala na rin naman akong magagawa. Nandiyan na daw si Manong eh.
Bigla nalang hinawakan ni Hiro ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Nagtataka ko siyang tinignan dahil doon pero hindi man lang niya ako nilingon.
“Tamis naman, sis,” nang-aasar na bulong ni Regine saka humagikhik.
Hindi na ako nakasagot pa dahil nagsimula na lumakad si Hiro kaya nadala na rin ako. Nilingon ko sina Regine at Enzo na nakasunod na rin sa amin.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi isipin ang ang itsura namin ngayon. Ang itsura ko. Napayuko nalang ako sa hiya.
“P'wede naman tayong lumakad ng hindi magkahawak kamay, 'di ba?” sarkastikong bulong ko kay Hiro.
“Why?” sagot niya saka ako nilingon.
“Tignan mo naman itsura ko sa itsura mo. Ano nalang iisipin ng iba? Bahala ka, ikaw rin. Ganap na ganap ka eh.” Hindi ko na napigilan ang sarili na magtaray.
Sa halip na sumagot ay binitawan niya lang ang kamay ko pero inihawak naman niya iyon sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kaniya.
Parang nag-init naman bigla ang pisngi ko sa ginawa niya. Nakakahiya naman 'to! Sinubukan kong lumayo pero lalo lang humigpit ang kapit niya.
“Hoy, ano bang ginagawa mo?” mariing bulong ko sa kaniya.
Ngumisi lang siya at hindi pinansin ang reaksyon ko. Dire-diretso pa rin sa paglakad.
“Masyadong malapit, Akihiro. We're still at school.” Napatingin ako nang seryosong magsalita si Enzo bago niya kami nilagpasan.
Anong nangyari do'n?
YOU ARE READING
My Popular Boyfriend
Teen FictionNakapasok si Athena Herrera sa dream school niya pero ang inaasahan niyang masayang first day of school ay agad na naglaho. Sinalubong siya ng mga usapin na boyfriend niya daw ang popular guy ng school na si Akihiro Buenavista, anak ng pinakamayang...