Chapter 25

462 14 5
                                    

Athena's POV

NANDITO pa ang kotse ni Hiro kaya posible na nasa loob pa din siya ng school. Nako naman? Natulog din yata 'yon sa loob? O baka naman... posible kayang naiwan niya kasi may pupuntahan nga talaga siya? O baka may sumundo sa kaniya?

Hay.

Napailing ako. Hayaan na nga, buhay niya naman 'yan. Ang kailangan ko intindihin ay kung paano ako uuwi kasi natatakot ako.

Kinuha ko ang phone ko para sana tawagan si Enzo pero natigilan ako ng makarinig nga malakas na tawa ng babae.

Si Cheska 'yon ah? Doon nagmumula sa eskinita.

Nako naman, trauma na ako diyan sa eskinita na 'yan eh! Ano na naman bang mayroon diyan?

Hindi ko maiwasang isipin na baka may binubully na naman sila doon. Alam ko kung paano sila mang-bully kaya hindi talaga ako patutulugin ng konsensya ko nito kung hahayaan ko lang.

‘Ano ba, Athena? Hindi mo nga naipagtanggol ang sarili mo noon tapos ngayon, magpi-feeling hero ka?’ sabi ko sa sarili.

‘Iba naman 'yon eh!’ naiinis ko ring sagot sa sarili saka hinampas ang balikat ko.

Hay, bahala na nga!

Dali-dali akong naglakad papunta doon. Nananatili akong alerto kasi natatakot ako doon sa mga kidnapper, pero heto ako, nagtatapang-tapangan na naman.

‘Please.’

Nawalang bigla ang mga sentimento ko at natuon ang  buong atensyon ko sa boses na narinig. Mahina lang 'yon pero ang bigat pakinggan.

Akihiro? Boses ni Hiro 'yon.

Dahan-dahan kong inilapit ang sarili sa lugar na iyon. Pinipilit kong maging maingat hangga't kaya, para lang hindi nila ako mapansin, hanggang sa makita ko na ang nangyayari sa loob.

Natutop ko ang bibig ko nang makitang nakaluhod si Hiro sa harap nina Cheska. Tanggal ang coat niya at tagilid ang suot na necktie. Magulo rin ang buhok niya.

Anong nangyayari, Akihiro?

“Please, just leave her alone, Cheska,” nagmamakaawang sabi niya habang nakayuko, basag ang boses na tila nagpipigil ng pag-iyak. Bagsak ang balikat niya na parang sukong-suko na siya sa mga nangyayari. “I’ll do whatever you want… just stop hurting her.”

“You're madly inlove with her talaga 'no? Oh my God, Hiro. I didn't know you could go that low? Gets ko pa 'yong kay Denise but now? Seriously? That's way too low to be called a downgrade,” sarkastikong sambit ni Cheska saka humalakhak.

“He's actually begging for that scholar,” natatawang sabi naman ni Dahlia na lalo nilang kinatawa.

Natigilan naman ako sa narinig. Ginagawa 'to ni Hiro para sa akin? Nagpapa-alila ang isang Buenavista sa Monteverde para lang... sa akin?

‘You don't have to this, Hiro,’ nakokonsensya kong sabi sa sarili.

Nakita ko ang biglaang pagkuyom ng kamay ni Hiro. “Stop with the past, Cheska,” mahinang sabi niya.

“Oh, still grieving, darling?” mas lalo pa niyang pang-aasar kay Hiro.

Sinong Denise? Saka ano daw? Grieving? Nako-curious naman ako.

Inangat ni Hiro ang tingin niya nang umupo si Cheska sa harap niya para magkatapat sila.

“I said... stop.” Dinig na dinig ko ang hirap sa boses ni Hiro.

Parang hindi siya si Hiro. Ang hina niya tignan, at parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko. Sobrang layo sa araw-araw niyang presensya. Para siyang ubos na ubos na ngayon, kitang-kita ko kung gaano siya ka-desperado na parang handa niyang gawin lahat para sa akin.

My Popular BoyfriendWhere stories live. Discover now