CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng mga susi, wait susi? Napabalikwas ako at tinignan ang pinto kung san ko naririnig yung mga susi, lumapit ako at pinihit ang doorknob at dun ko napag tanto na nakalock.

"Dad! What are you doing?" Tanong ko agad habang kinakalabog ko ang pintuan ko at pilit paring pinipihit ang doorknob.

"Mamaya pupunta ang pamilya ni lesley at yung lalaking ipapakasal sayo." Napapikit ako.

"So what? anong kinalaman nun sa pag lock mo sakin dito sa room ko?" Narinig kong huminga sya ng malalim.

"Alam kong tatakas ka pag nalaman mo." Natawa ako sa sinabi nya.

"Eh ano naman sayo? Wala ka nang pakeaalam dun dad choice ko yun para sa sarili ko." Nababaliw na si dad.

"Please anak ako muna mag deside sa ngayun." Umiling ako at inikot ko ang paningin ko sa kabuuang kwarto ko. "Para sayo to at para sa company ng mom mo, think of it." Napailing ako.

"For your sake and the company not for me, you are selfish dad." Sabay tulo ng luha ko.

"Im sorry." Narinig ko ang yabag ng mga paa nya paalis.

Tinignan ko agad drawer ko kung saan ko nilagay ang key ng sasakyan ko at ang phone ko pero wala na, napaupo na lang ako pabagsak sa tabi ng kama ko.

Naalala kong may mga bintana pala akong malalaki tumakbo ako doon at lalo akong nadismaya ng makita kong may mga tali sa labas ng bintana ko at di ko mabuksan na.

Huminga ako ng malalim at umupo sa gilid ng kama ko, hindi ko alam kung ano iniisip ni dad sa mga oras na to wala syang awa ipapakasal na nga nya ko sa di ko kakilala, ikukulong nya pa ko na parang preso, tatay ko pa ba yun? Kasi sa totoo lang hindi naman sya ganun dati.

Lesley Reyes PoV

Andito kami ngayun sa batangas kung asan ang sariling bahay ni trett dito sa pinas, kasalukuyang nag kakape kami ni trett at inaantay namin si maude.

"Ang tagal naman nun." Sabay buntong hininga ko, 5 hours na kaming nag aantay at kahit reply wala din kaming natatanggap kahit nga yung tawag namin hindi nya sinasagot.

"Baka naka silent ang phone nya?" Napailing ako at tumingin sa kanya medyo nag aalala na rin ako.

"Kilala ko si maude never pa nag silent yun ng phone nya at never ding hindi nya sinasagot yung mga tawag sa phone nya kahit naiistorbo na sya." Tumingin sya sakin ng may kahulugan. "Sa tingin mo, ok lang sya? Nag aalala ako trett never sin syang na late sa mga usapan namin lalo na ngayun." Tumayo si trett at dinampot ang phone at key nya. "Where are you going?" Sabay tayo at lapit ko sa kanya.

"Edi ittrace yung phone number nya." Tinignan ko agad ang phone nya kung saan pindot sya ng pindot. Na pakunot nuo ko.

"Nasa bahay pa sya? Eh sa mga gantong usapan di nag papahuli yun at 5 hours na naka lipas trett, puntahan na natin sya." Tumango sya at lumabas na nga kami ng bahay.

Mga 2 hours nakarating na kami kila maude at bumungad samin ang dad nya.

"Hi po tito." Ngumiti sya sakin.

"Bakit ang aga nyo? Asan ang parents nyo?." Nagkatinginan kami ni trett.

"Diba po mamayang gabi pa po punta namin?" Tumango ang dad ni maude. "Kailangan ko lang po kausapin si maude kung ok lang po tito mag kikita po kasi dapat kami ngayun nag aalala po kasi ako kaya napapunta kami dito." Sambit ko parang nag aalangan pa syang sabihin samin kung asan si maude.

"Sige sundan nyo ko, pero sana wag kayo gagawa ng action na hindi ko magugustuhan." Tumango ako at napatingin kay trett na nakatingin sa dad ni maude. Sumunod kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ni maude nagulat ako ng ilabas ni tito ang pag karami raming susi, ibig sabihin kinulong sya? Pag ka bukas na pag kabukas nakita ko agad si maude na nasa pagitan ng kama at drawer nya napaangat sya ng tingin at kitang kita kong umiiyak sya.

Mau PoV

Ilang oras na kong nakakulong halos 7 hours na rin bakit ko alam kasi may orasan ako dito sa room. Simula 5am Nang ikulong ako ni dad wala akong ginawa kundi humiga lang ramdam ko na yung gutom ang sakit na sa tiyan ko.

I cant take this anymore hindi ako makaisip pano makalabas, umupo ako sa pagitan ng kama at drawer ko at napaiyak na lang naririnig kong nag bukas ang pinto kaya napatingala ako at nakita ko si lesley kaya lalo akong napaiyak.

"Lesley." Sambit ko habang umiiyak at hindi parin umaalis sa pwesto ko.

"Maude." Nilapitan nya agad ako at niyakap. "Im sorry, are you ok?" Maluha luha nya na ring sambit.

Umiling ako sabay yakap ko ulit sa kanya, this is me when i need my bestfriend para akong bata na walang magawa at walang lakas para ipag tanggol ang sarili. Narinig kong nag sara ang pinto kaya napalingon kami dun ni lesley nakita ko namang nakatayo si trett dun na nakatingin sakin na halatang nag aalala din.

"Pano nyo nalaman na andito parin ako sa bahay? Buti pinapasok kayo ni dad." Mahina kong sambit dahil pakiramdam ko nanghihina ako.

"Remember ikakasal ka kay trett at pupunta kami dito na dapat mamayang gabi pinapasok kami basta wag lang daw kami gagawa ng hindi nya magugustuhan." Lalo ako naiyak.

"I dont know my dad anymore, i dont know him anymore. Kinain na sya ng sarili nyang kagustuhan yung pang sarili na lang nya, les di na ata ako nakikita ng dad ko bilang anak nya, wala na kong kakampi wala na kong matatakbuhan les." Napaluha agad ako sa iniisip kong yun, company na lang ang importante kay dad hindi na ako na anak nya.

"Wag mong sabihin yan andito ako oh tao ako hindi imagination mo lang, kakampi moko hindi ka nag iisa, ok?." Tumango ako at niyakap ulit sya.

"Iltuloy natin yung kasal." Natigilan ako sa sinabi ni trett at napatingin agad kami sa kanya na seryoso ang expression.

"What? Are you out of your mind?" Sambit ko habang maluha luha parin.

"Trett ano ba nasa isip mo?" Tanong na lang ni les.

"Para makaalis kana dito, yun na lang yung paraan para maging malaya ka sa dad mo." Napaisip naman ako sa sinabi nya, tama sya pag kinasal kami makakaalis na ko dito at makakalaya na ko sa kamay ng dad ko makakapag disisyon na ko ng pang sarili ko at hindi na ako magiging puppet.

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon