CHAPTER 8

0 0 0
                                    

Nag aasikaso na ako nang bag habang pababa sa hagdan ayokong may nakakalimutan ako, pag may naiiwan man ako dito sa bahay badtrip na ko buong araw. Nasa sala na ako nang makita ko si dad na naka upo sa sofa, hindi ko sya masyado binigyan pansin kasi busy parin ako sa pag check ng bag ko.

"Hatid na kita maude." Napatingin naman ako ng walang gana kay dad.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ng mommy ni lesley kagabi? O sadyang makakalimutin kana?" Masungit kong mga tanong.

"Maude gusto lang naman kita ihatid sa pupuntahan nyo gusto ko lang makasama ang anak ko." Napataray naman ako sa hangin.

"Gusto mo naman to diba? Yung tuluyan na kong malayo sayo dahil sa ginusto mong iligtas yung company na wala naman nang pag asa, ipinag kalulu moko sa hindi ko kilala. Paano na lang kung engkanto pala yun, paano kung masamang tao, may magagawa ka pa kaya para mabawi ako?" Mahaba kong sambit habang naka kunot ang nuo.

"Maude para---." Pinutol ko na agad ang sasabihin ni dad.

"Para naman sakin? Para sa company ni mom? o para sa sarili mong pag angat?" Napabuntong hininga sya mag sasalita sana sya ng may kumatok at si trett yun.

"Lets go?" Tanong nya sakin kaya tumingin ako kay dad.

"Aalis na ko." Hindi ko na inantay na mag salita pa si dad humakbang na ako palayo sa kanya.

Nasa byahe na kami ngayun ni trett at kanina pa walang umiimik saming dalawa, napahawak ako sa tiyan ko kahit gatas wala pang laman tong sikmura ko humahapdi na.

"What do you want to eat? Pwede tayo mag take out at dito na kumain sa sasakyan." Napatingin naman ako sa kanya.

"Kahit ano basta pang laman sikmura." Sambit ko at tumingin ulit sa bintana.

"Jollibee?" Napaisip ako hindi naman ako fan ng jollibee kumain na ko dun pero hindi na rin naulit.

"No." Maikli kong tugon.

"Mcdo?" Huminga ako ng malalim.

"No." Me.

"Chowking?" Umiling ako.

"Hindi pa ko nakakain dun pero i dont want to try." Totoo yun di ko pa talaga natry kumain dun.

"Eh anong gusto mong kainin? Ang sabi mo kahit ano pero ayaw mo naman ng mga binabanggit ko." Tumingin ako sa kanya.

"Surprise me." Tumingin sya sakin saglit at ngumiti.

"I got you." Sambit nya napahinga naman ako ng malalim.

Ilang minutong byahe din ang tinakbo ng sasakyan at ngayun nakababa kami ng sasakyan at tinititigan ko ang nasa harapan namin.

"What is this place?" Nag tataka kong tanong habang nakatingin parin sa harap ko.

"Karinderya, masarap ang mga ulam nila dito halos suki na ko dito." Nag tataka parin akong napatingin sa kanya. "Pag kain ang binebenta dito." Napataray naman ako.

"I know! But why here? Baka nadadapuan ng kung ano anong insekto yung mga pagkain dito baka ma food poison pa tayo." Sabay scan ulit ng karinderya.

"Walang nakakadiri sa lugar na to safe na safe lahat ng pag kain dito, trust me." Tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga.

"Ok siguraduhin mo lang na masarap dito ha?." Sabay tingin ko ulit sa karinderya.

"Oo naman tara." Sinundan ko naman sya at pagka pasok namin naamoy ko na agad ang ibat ibang amoy na nakapag patakam sakin. Sinundan ko lang si trett hanggang sa marating namin yung hirela ng mga ibat ibang ulam. "Pili ka lang kung anong gusto mong tikman." Sambit nya, nahagip naman ng mata ko yung ibat ibang gulay na halo halo.

"What kind of dish is this?" Sabay turo ko.

"Pakbet masarap din yan." Napatango ako.

"Sige ito na lang akin." Sabay tingin sa kanya.

"Anything else?" Umiling ako.

"Ok na ko dito." Tumango sya.

"What kind of drinks you want? Softdrink or water lang?" Hmmm parang gusto ko ng...

"Softdrink lemon flavor sana, meron ba?" Sa totoo lang di pa ako nakakapag softdrinks, tubig and juice lang.

"Sige hanap kana ng pwesto natin ako nang mabahalang iorder yung mga gusto mo." Tumango ako at nag scan may nakita naman agad akong spot at dun na ko nag punta, ilang sigundo lang yung tagal ni trett at naka sunod na rin sya sakin isserve daw samin yun, at sigundo lang din ang tagal naiserve na agad sa amin yung mga order namin kaya nakakain na din kami.

"Hmmm interesting masarap sya." Saby subo ko ulit.

"Sabi ko sayo eh." Ilang oras din kaming kumain at busog na busog ako.

"Im full." Sabay sampa ko sa sasakyan.

"Komportable ka naman habang kumakain tayo dun?" Tumango tango ako.

"Akaka ko di maarap pag kain sa mga ganyan ilang beses na akong nakakita ng mga ganyang kainan pero di ko natry." Sabay hinga ko ng malalim.

"Ngayun na try mo na, kung gusto mo umidlip ka muna medyo malayo layo pa at saka baka traffic." Sambit nya.

"Sige idlip muna ako." Nakaramdam din kasi ako nang antok.

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon