CHAPTER 7

0 0 0
                                    

FLASHBACK...

"Mom?" Tawag ko kay mommy sabay ng pagkatok ko.

"Pasok lang anak." Narinig kong sambit nya, pag kabukas ko bumungad agad sakin si mom na naka upo sa gilid ng kama nya at nakangiti ng malaki sakin kaya napangiti naman ako, nilapitan ko sya at tinabihan.

"Bat nyo po ako tinatawag? May masakit po ba sayo? Ano po kailangan mo mommy?" Umiling sya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Pumunta tayo sa garden mag papahangin lang tayo saglit." Nag aalinlangan naman ako sa sinabi ni mommy.

"Mom di ka pwede sa maduduming lugar yun yung payo ng doctor at saka dapat bedrest ka lang lagi diba?" Bumuntong hininga naman sya.

"Puro na lang ako andito sa kwarto gusto ko sana makita ang punong mangga kasama ka at gusto kong maligo ng ulan." Napatingin naman ako sa bintana, mukhang pabagsak na ang ulan. "Sige na anak ngayun na lang, please." Tinitigan kong mabuti si mom gusto kong makita laging masaya ang mommy.

"Ok po basta saglit lang po tayo at saka di po tayo pwedeng mag paabot sa ulan." Ngumiti sya at tumango, inalalayan ko naman syang makatayo at makapag lakad.

Nakarating kami agad sa garden nag latag ako ng sapin na pwedeng maupuan ni mom at sabay kaming umupo sa tapat ng punong mangga. Naka ilang minuto din kami ng tagal kaya inaya ko na si mommy kasi baka umulan na.

"Tara na mommy pasok na tayo remember bawal tayong abutan ng ulan." Patayo na sana ako ng mag salita i mommy.

"Mau anak natatandaan mo pa ba yung pangarap kong wedding theme mo?" Napabalik ako ng ayus ng upo at tumango.

"Opo ang gusto nyo po ay garden theme susundin namin ng mapapangasawa ko yun mommy at gusto ko andun ka habang inaasikaso namin yung kasal naming yun." Nakangiti kong sambit.

"Mau anak mahal na mahal kita sana kahit wala na ako matupad yung pangarap ko para sayo." Napapikit ako sa sinabi ni mommy.

"Yan nanaman po kayo eh, gagaling po kayo nag promise ka sakin diba na aattend ka sa graduation ko?" At tinignan sya sa mga mata nakita kong naluluha na si mom.

"Ikaw ang taong ayaw kong mawala sa buhay ko." Sambit nya at sumandal na ulit sa balikat ko naiyak naman ako at napatingin sa punong mangga. "Anak mahal mahal ka ng mommy kahit anong mangyari yan ang lagi mong tatandaan, lagi mong lalakasan ang loob mo kahit na wala na ako." Naiyak na ako ng sobra dahil sa mga sinabi ni mom bakit parang ang dating sakin namamaalam na ang mommy? Naramdaman kong may pumapatak ng ulan kaya tumayo ako at inalalayan si mommy kaso di ko sya maitayo at di rin sya umiimik.

"Mom kailangan na po nating pumasok umuulan na po." Biglang bumagsak ng di sadya ang ulo ni mom sa pag kakasandal sa balikat ko. "Mom?" Inangat ko agad yun at tinitigan, nakapikit si mommy.

"Mommy? Wag ka naman mag biro ng ganyan sige ka mag tatampo ako." Umiiyak kong sambit habang inaalog si mommy. "Mommy ko please wake up." Napahagulhul na ako ng di talaga sya umiimik, wala na ang mommy ko pano na ako ngayun, pano na ko mabubuhay ng masaya neto? Hindi ko na napansin na bumagsak na ang ulan para akong sinasabayan sa pag iyak parang sinsabi sakin na tapos na wala na si mommy at hindi na sya mahihirapan, namatay ang mommy ko sa mga kamay ko.

END OF FLASHBACK.

"Bakit wala kang nakekwento sakin?" Narinig kong nanginginig na sambit ni lesley kaya napatingin ako sa kanya at umiiyak na nga sya.

"Ayoko na kasing balika pa yung araw na yun gusto kong kalimutan kung saan namatay ang mommy gusto kong kalimutan yun lesley kasi wala akong nagawa nung araw na yun kundi umiyak." Humahagulhul kong sambit nag takip ako ng mukha ko at naramdaman kong niyakap ako ni les.

"Maude naman eh bestfriend moko dapat dinamayan kita nun eh." Umiiyak nyang sambit, napatingin naman ako sa katabi ni lesley si trett nakatingin lang sya sa punong mangga at nakikinig lang sa usapan namin.

"May aalis, may babalik, may mawawala, may mag papakita, may magpapaiyak, may magpapatahan, may lalayo, may lalapit, may mangiiwan, may mag istay." Banggit nya kaya napaalis na ko sa pag kakaakap kay lesley at napatingin din si lesley sa kanya. "Katulad ko umalis sila ng hindi ako kasama iniwan nila ako ng walang kaalam alam, pag kagising ko wala na sila kahit mga gamit nila wala na pero dumating si tita at tito para isave ako para samahan ulit ako naging masaya ako kahit ganun ang ginawa nila sakin di ko sila iniisip." Tumingin sya sakin. "Hindi ko man naranasan yung naranasan mo alam kong kaya mong makalimutan yan alam kong may darating na panibagong tao para iparamdam ulit sayo pano maging masaya ng totoo." Nginitian ko sya.

"Thank you medyo gumaan pakiramdam ko nang maikwento ko na sa inyo kahit kay dad di ko kinwento lahat sinarili ko." Huminga ako ng malalim at nag punas ng luha sakto naman lumabas na ang parents ni les at si dad kaya tumayo na kami sa pag kakaupo sa damo.

"Oh bat namumula ang mga mata nyong dalawa?" Nag katinginan naman kami ni les sa tanong ng mom nya nag ngitian kaming dalawa.

"Wala to mom dont worry nag deep talk lang kami about life at nadala lang kami." Sabay akbay sakin ni les ngumiti naman ako kay tita sa pag sangayon sa sinabi ni les.

"O sya uuwi na tayo, ikaw trett sa bahay ka ba uuwi o sa---." Pinutol agad iyon ni trett.

"Opo sa bahay ko po ako uuwi bukas po baka dun po ako sa inyo uuwi." Maikling tugon ni trett tumango naman si tita at nag lakad na papunta sa sasakyan nila.

"So mauna na kami maude ha sana mag sabi ka sakin kahit wala akong maitutulong kahit na comfort lang maiaambag ko sayo." Nakanguso nyang sambit napangiti naman ako at tumango.

"See you tommorow?" Ngumiti sya.

"See you." Masaya nyang sambit.

"Tamang tama mag kikita talaga kayong dalawa bukas i mean tayong tatlo, pupunta tayo sa bilihan ng wedding gown and take note bawal sumama ang mapapangasawa mo." Napangiti naman ako na may pag kahalong ilang at tumingin kay trett na nakatingin pala sakin.

"Ofcourse tita syempre gusto namin matuloy ang kasal kaya mag aantay ako na sa mismong kasal na namin ko sya makikita suot ang wedding gown nya." Sambit nya habang naka titig sakin at sabay ngiti nya sakin kaya ngumiti din ako, nakakadala yung mga ngiti nya kahit siguro wala kang samood o planong ngumiti mapapangiti ka eh.

"O sya see you tommorow iha, trett sunduin mo sya bukas at isesend ko sayo kung saang shop mo sya ihahatid, ok." Tumango si trett at pinag buksan na si tita ng pinto.

"Copy po." Sambit nya, nag paalam na rin ang parents ni les sa dad ko at nag paalam na rin kami sa kanila at nang makaalis na sila tita hinatid ko na si trett sa sasakyan nya.

"See you tommorow mine." Napatitig naman ako sa kanya. "Wag kang mag alala pag tapos na ang kasal masosolo mo rin ako at sigusigundo mo nang makikita ang pag mumukha na to." Umiwas naman ako ng tingin at napalunok ng bahagya, bat ka kasi tumitig sa mukha nya mau? Nahuhulog kana ba? AGAD?!

"Hindi kasi ako sanay na tinatawag mokong mine maude na lang pag hindi na kaharap sila tita at dad, hindi naman tayo officially nag mamahalan para tawagin moko ng ganyan." Sambit ko.

"Gusto mo bang maging official na yung nararamdaman natin?" Napatingin naman ako sa kanya at naramdaman kong nag init ang pisngi ko.

"A-anong pinag sasabi mo? Um-umuwi kana nga." Napangiti naman sya.

"Mas gumaganda ka pala pag kinikilig." Lalo kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko. Napatawa naman ako ng pilit at napaiwas ng tingin.

"Nahihibang kana talaga." Mahina kong sambit pero alam kong narinig nya yun.

"Sige na uuwi na ko mine." Sabay pinaandar nya na ang sasakyan nya, siraulo talaga yung lalaking yun lakas mang trip.

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon