CHAPTER 11

0 0 0
                                    

Maude PoV

Mag kaharap na kami ni trett ito na yung oras para mag sabi ng vows sa isat isa.

"Trett..." Tumigil ako saglit at tumingin sa mga mata nya, kahit papaano gusto kong itresure tong nangyayari ngayun, ngayun lang... ngayun lang ako bibigay. "Mahal pangako na sasamahan ka sa hirap at ginhawa, sasamahan ka hanggang sa pag tanda, ikaw lang... Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang huling hininga ko." Tumulo ang mga luha ko hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayun, gusto kong iparamdam sa kanya na may nararamdaman na ako para sa kanya pero natatakot ako, natatakot ako na baka hindi kami parehas nang nararamdaman baka kasi ako ang masaktan saming dalawa pag nag disisyon na kaming tapusin ang pag kakasundo samin natatakot ako na baka dumating yung araw na hindi ko na kayang mag isa. Naramdaman ko na lang na kinuha nya na lang ang mic na hawak ko, pinunasan ko ang mga luha ko huminga ng malalim at sabay tingin ulit sa kanya.

"Mine pangako na sasamahan ka sa hirap at ginhawa, sasamahan ka hanggang sa pag tanda, Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang huling hininga ko..." Akala ko tapos na sya sa sasabihin nya kaya lumingon ako sa pari pero ilang sigundo na ang tumagal hindi parin nag sasalita ang pari kaya ibinalik ko ang tingin kay trett. "Maude ayaw kitang iwan hindi ko kayang makita kang nag iisa sana hayaan moko na mahalin ka higit pa sa buhay na meron ako kaya kong talikuran lahat basta dito ka lang sa tabi ko kahit anong mangyari." Wala to sa script na binigay samin o baka mag kaiba kami? Imposible nasilip ko yung papel na binigay din sa kanya same lang kami ng vows, pano dumami yun? Napalingon ako sa mga tao at nahagip ng mata ko si lesley na napakamot sa ulo at nag tataka ang itsura kaya napatingin ulit ako kay trett nang nag tataka.

"Trett wala sa script yun." Tumango sya na kinagulat ko.

"Wala sa script yun gusto ko lang talagang sabihin yun sayo." Napanganga naman ako sa sinabi nya, so talagang wala sa script yun? Ano yun sincere ba yun? Ano sasabihin ko dun? Ano irereact ko?

Narinig kong nag salita na yung pari inalis ko ang paningin ko kay trett nang nag tataka at hindi parin alam ang iisipin.

"You may kiss the bride." Yun na lang ang narinig kong sambit nang pari, ilang minuto ba ko natulala? Tumingin ako kay trett na nakatingin na rin sakin at dahan dahan nyang itinanggal ang nakaharang belo sa mukha ko.

"Ang ganda ganda mo." Napakurap naman ako sa sinabi nya.

"Yo-you may kiss the bride daw, mag kikiss ba tayo?" Anong tanong yan mau? Bobo ka?

"Pwede ba?" Balik nyang tanong sakin, napatango ako nang wala sa sarili ko at nasilayan ko ang mga ngiti nya. Dahan dahan syang lumapit ako naman ay napapikit na lang at dun ay naramdaman ko ang pag dampi ng labi nya sa labi ko, ang lambot ng mga labi nya nakakaakit bhie. Sabay narinig ko ang palak pakan ng mga tao kaya napaatras na ako at tumingin kay trett, teka nasarapan ata ako ha tamagal din nang ilang sigundo yun ah.

Nauna akong tumingin sa mga tao ngumiti ako nang makit ko si lesley na sumisigaw at tuwang tuwa.

"Bagay na bagay kayo maude!" Natawa naman ako sa sinigaw nya. "I love you both!" Ngumiti ako nang malapad ganto pala pakiramdam ng kasal na, magaan sa pakiramdam.

Ilang oras din ang pag kuha ng mga litrato kaya ngalay na ngalay ang mga paa ko hindi kasi ako sanay na matagal nakaheels, naupo ako malapit lang kung saan kumukuha ng litrato at hinilot ang mga paa ko anong oras pa ba itatagal ko sa heels na to? Nagulat ako nang lumuhod si trett sa harapan ko at isinuot ang dalawang pares ng flat shoes, tumingin sya sakin ng maisuot nya na sakin yun.

"Alam kong kakailanganin moto kaya bumili ako ng magugustuhan mong design." Sabay ngiti nya sakin naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko. "Lets go? Pwede na tayong mauna sa venue para makapag pahinga ka pa." Tumango ako.

"Thank you trett." Malambing kong sambit sa kanya.

"Kanina tawag mo sakin mahal ngayun trett na lang?" Napakunot naman ang nuo ko at iwas nang tingin, bat nya pa naalala yun.

"Pa-para... makumbinsi talaga sila na may nararamdaman tayo sa isat isa atsaka... gaya ng ginawa mo dinagdagan mo yung script nang hindi namin alam makukumbinsi na sila dun." Sambit ko na medyo nauutal sabay tayo ko, natahimik naman si trett kaya napatingin ako sa kanya sumeryoso ang mukha nya. "May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko sa kanya umiling sya ng dahan dahan at ngumiti, kinuha nya ang isa kong kamay at nag lakad kami ng sabay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon