CHAPTER 6

0 0 0
                                    

"Eh pano kung ikasal na nga tayo at mag sama sa iisang bahay, may pang hahawakan ba ako para makasiguradong wala kang gagawin saking masama?" Mukha bang masama yang lalaking kaharap mo? mala anghel nga itsura eh pag iisipan mo naman ng masama, mau ikaw pa ba yan?

Tumingin sya sakin ng napaka seryoso parin ng expression nya. "Marriage contract." Tinaasan ko sya ng kilay.

"What do you mean?" Umayus sya ng upo at tumingin ulit sakin, hindi ba sya mag rereact sa sinabi kong 'Baka may gawin sya sakin na masama?'.

"I mean gagawa tayo ng kasulatan sa iisang papel at yun ang tatawagin nating marriage contract." Napakunot naman ang nuo ko.

"Ano naman nakalagay dun?" Tanong ko ulit.

"Kung ano ang pwede at hindi pwede at kung hanggang kailan lang ang marriage life natin." Napaupo naman ako ng tuwid at tumitig sa kanya ng seryoso.

"So pwede tayong mag divorce?" Tumango sya at huminga ako ng malalim. "Tunay na kasal parin ang gaganapin diba? Hindi ba pwedeng ifake natin ang kasal?" Tanong ko agad.

"Hindi sila makukumbinsi kung di natin sila susundin, hindi ka makakaalis dito ng matiwasay kung hindi natin sasakyan ang mga plano nila para satin." Tumango ako so totoong kasal parin ang gaganapin, ok na siguro yun makaalis lang ako dito at mag karoon ng sariling disisyon at buhay.

"So ok na may plano na tayo, kaya wag ka nang mag alala maude." Tumango ako sa sinabi ni lesley, pag kinasal na kami makakaalis na ko dito at pwede kaming mag hiwalay at pag nag hiwalay na kami wala na kong problema. Tumango tango pa ulit ako at tumingin sa kanilang dalawa.

"Deal." Inilahad ko ang kamay ko kay trett tinignan saglit ni trett yun at nakipag kamay na din sya agad sakin.

Kinagabihan nasa hapag kainan kaming lahat andito narin parents ni lesley at nag uusap sila about lang naman sa kasal na gusto nila para samin.

"Mas ok yung garden theme." Mom ni lesley.

"Gusto ko sana simple lang para di malaki ang gagastusin." Sambit ni dad, syempre ganyan request mo para sa kasal ng anak mo kasi malaki gagastusin ng parents ni lesley sa company na gusto mong iligtas.

"Well wala namang problema sa gagastusin may nakalaan kami dyan at saka tanungin natin yung dalawa kung anong theme gusto nila." Sambit ng dad ni lesley.

"Iha ano bang gusto nyo para sa kasal nyo?" Napatingin ako kay tita at agad namang nalipat yun kay trett na nakatingin na din sakin.

"Hmmm kahit simple lang po hindi naman po ako nag hahangad ng napakagandang kasal." Sabay yuko ko.

"Sundin natin yung gusto ni mine mas ok nga siguro yung simple lang." Napatingin ako sa kanya hindi dahil sa sinabi nya kundi sa tinawag nya sakin.

"Mine? May gusto ka sa anak ko? Ang bilis naman." Napatingin naman si trett sakin.

"Ilang weeks na kaming nagkakausap pinakilala sya sakin ni lesley, plano ko sana idate sya pag nag bakasyon ako dito sa pinas kaso ito yung bumungad sakin ikakasal na pala kami, but its ok na pag usapan na namin na itutuloy namin yung kasal at may plano na din kami after naming ikasal." Sabay iwas nya ng tingin, so ito ang plano nya sige sasabay ako.

"Ano naman ang plano nyo." Tanong agad ng mom ni lesley.

"Plano naming mag bukod gusto ko sana yung medyo malayo dito." Sambit ko tumingin sakin si trett.

"Yah thats the plann kaya sana hayaan nyo gawin namin yung gusto namin after ng kasal." Nakita kong tumango ang magulang ni lesley tinignan ko si dad mukhang ayaw nya ng mga sinabi namin.

"Pero sana wag naman malayo para mabisita ko ang anak ko." Sabay tingin sakin ni dad na parang nag aalala, ngayun ka pa nag alala.

"Pwede ko ng gawin yung gusto ko pag kinasal na ko dad disisyon na namin mag asawa ang mangingibabaw pag katapos namin ikasal at saka ito naman talaga ang gusto mo diba? Para sa company, so kung gusto naming mag bukod mag bubukod kami at walang makakapigil dun." Napayuko at napahinga ng malalim si dad, im sorry dad ito lang nakikita kong paraan para di mo na ko macontrol at ikaw rin ang may gusto neto.

"Ok sige kayo ang bahala." Sambit ng dad ni les, huminga ako ng malalim at nag patuloy ng kumain.

Ilang oras na rin ang nakalipas at nag uusap parin sila about sa kasal namin, andito kami sa garden walang nag sasalita saming tatlo mga kuliglig lang ang nag bibigay ingay sa pananahimik namin.

"Maude?" Napatingin ako kay lesley.

"Hmmm?" Sabay tingin ko sa punong mangga.

"Anong part ng bahay nyo ang importante at lagi mong tinatambayan pag malungkot ka?" Bigla akong nakaramdam nang lungkot sa tanong ni les.

"Itong pinag tatambayan natin." Bumalik lahat ng masasaya at pinaka malungkot ng nakaraan ng lugar na to.

"Bakit?" Huminga ako ng malalim at nararamdaman ko na rin na maiiyak nanaman ako.

"Dito lagi kaming mag kasama ng mom ko lagi kaming nakatambay dito umaraw man o umulan, napakasaya ko pag mag kasama kami ni mom at pag andito kami ito yung spot na di ko malilimutan ito yung spot na ngayun ko na lang ulit tinambayan dahil saksi tong lugar na to kung pano ako nawasak ng sobra at saksi ang lugar na to kung anong oras, kung anong araw, taon, at weather namatay ang mommy ko, dito sa spot na kung saan nakaupo ako ngayun same spot mismo kung san ako nakaupo habang akap akap ko ang katawan ng mommy ko na unti unting nawawalan ng buhay." Bumagsak na ng tuluyan ang mga luha ko, namatay ang mommy ng dahil sa cancer stage 4 na ng malaman namin at gusto ni mommy dito sa bahay mag pagaling ang kaso di na nya kinaya, inaya nya ko na mag punta kami dito sa garden para sana magpahangin lang yun pala yun na yung huli na makakasama ko si mommy ang masakit pa dun sa mismong mga kamay ko sya nawalan ng buhay.

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon