Chapter 1

802 25 3
                                    

Maloi's POV

It's 7pm and naglalakad na ako pauwi samin. Bumili lang ako sa may malapit na store for school supplies dito samin para sa project namin.

Wala masyadong tao sa paligid. Ganito naman lagi dito, daig pa mga subdivision sa konti ng tao sa labas pag gabi.

Isang kanto na lang ang lilikuan ko ng may makita akong tumatakbo. Mukhang may tinatakasan sya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kasi sobrang bilis nya talagang tumakbo.

Nagulat ako when all of a sudden she stop right in front of me. Yes, babae po yung tumatakbo. "Just one second." Sabi nya sabay hatak sakin.

Dinala nya ako sa may madilim na part ng eskenita and pinned me against the wall. She put her hand to my mouth to cover it.

Sobrang lapit namin sa isa't-isa and I can't help but to feel nervous. Sinubukan kong pumiglas pero mas malakas sya kesa sakin.

"Just stay still." Bulong nya. Hindi ko makita yung mukha nya kasi madilim and nakasuot pa sya ng cap.

Hindi nagtagal at may mga dumaan na grupo ng mga lalaki. Sila siguro yung tinataguan nila.

They stopped and parang lalapit samin. Nakaramdam naman ako ng kaba. Mas lalong dumikit sakin tong tao na to.

"Ayy gago, sorry!" Biglang sabi nung isang lalaki. Maybe because of our position. It looks like we're doing something inappropriate na gawin sa labas. Tumakbo na sila palayo samin.

We stayed in our position ng ilang minuto pa until she decided to let me go. Dahan-dahan syang lumayo sakin and tumingin sa direksyon kung saan pumunta yung mga lalaki.

"Thank goodness wala na sila." Sabi nya ng may ngiti. She then walk hanggang sa tuluyan kong makita yung mukha nya.

She removed her cap and damn-- she's gorgeous. Red yung buhok nya and maputi sya. Pagsinabi kong maganda sya, maganda talaga sya.

"Excuse me?" Mataray kong sabi.

"Dadaan ka?"

"Kapal naman ng apog mo. Ikaw na nga tong nanghihila bigla tapos ikaw pa may ganang mamilosopo." Naiinis kong sabi.

"Look, I did give you a favour. Baka ikaw pa mapagdiskitahan ng mga yun if ever nakita ka nila." Katwiran nya pero hindi ko nagustuhan.

Hindi na lang ako sumagot dahil ayaw kong matulog na may sama ng loob. Nagsimula na akong maglakad at iniwan sya pero nagulat ako ng hinabol nya ako.

"Hatid na kita. Delikado na sa paligid." Sabi nya.

"Mas magiging delikado pagkasama kita kaya wag na lang. Tsaka ayaw na kitang makita. Badtrip ka."

"Ikaw bahala. I'm Mikha nga pala." Sabi nya pero tuloy-tuloy parin sya sa paglalakad-- sinasabayan ako.

"Pwede ba? Tigilan mo ako?" Hindi ko alam pero bakit irita ako sa kanya. Feel ko kasi napakayabang ng taong to.

"I'm sorry. I won't bother you anymore." Bigla nyang sabi sabay lakad palayo. Naglakad sya patalikod ng saglit-- still looking at me before sya tumalikod and tumakbo.

I rolled my eyes then nagsimula ng maglakad only to find out na nasa tapat na ako ng bahay namin. I heave a sigh then walk towards my house.

"Ma, nandito na po ako." Sabi ko habang nagtatanggal ng tsinelas.

"Maloi? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ikaw umalis ah."

"Ano ginagawa mo dito Colet?" Takang tanong ko.

Colet is my childhood best friend. Feeling ko nasa tiyan pa lang kami ng mga nanay namin, meant to be na maging magkaibigan kami.

We went on a same school, same circle of friends and same neighborhood. Kapit-bahay ko lang sya.

"Nakita kita lumabas kanina. Then almost 1 hour kang nasa labas samantalang ang lapit lang ng tindahan ni ate Jessa." Sagot nya.

"Minsan talaga OA ka. Okay lang ako. Umuwi ka na." Sabi ko sabay lapag ng mga binili ko sa mesa.

"Grabe ka naman. Hindi mo man lang ba ako papakainin? Hindi ka ba naaawa sakin?" She said while pouting her lips and parang nagpapaawa.

"Yuck beh, di bagay sayo. Tigilan mo ko Nicolette ha. Umuwi ka na. Tulungan mo naman si tita." Sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng bahay.

"Ayy.. wait lang." Pigil nya. I stopped and look at her. "Sabay tayo bukas pagpasok." Dagdag nya.

"Awayin na naman ako ng mga admirers mo."

"Sus. Hayaan mo sila. Inggit lang yung mga yun. Basta sabay tayo ahh."

"Oo na. Wala naman akong magagawa." Sagot ko then tulak ulit sa kanya.

"Love you Loi!" Natawa lang ako sa kanya.

"Wag mo ko tawanan. Nasan I love you too ko?" Nagtatampo nyang sabi. Tuluyan ko na syang napalabas ng bahay.

"Maloi! Uyab! Di mo na ba ako love?" Parang bata nyang sabi.

"Ang baduy mo friend. Ano kaya iisipin ng mga may gusto sayo pagnakita ka nilang ganyan?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Mas lalo silang mababaliw sakin." Mayabang nyang sabi. I playfully rolled my eyes dahil sa mga sinabi nya.

"Saan I love you ko?" Balik nyang tanong.

"I love you too uyab. Umuwi ka na." Natatawa kong sabi. Ngumiti naman sya ng tagumpay sabay takbo sa tawid ng kalsada. Dun kasi bahay nila.

*******

Nandito na kami ni Colet sa school. Colet is the student body president that's why she's famous among the students and teachers. She's a good student and smart. She's oozing with charisma lalo na kapag naka President mode sya.

Despite her cold and intimidating aura, she's kind and understanding. Minsan nga lang eh mas nangingibabaw yung pagiging high blood nya. Mabilis magalit or mainis si ate mo girl.

I'm part of the Art Club which I'm also the president. Ako nagsabi nun kay Colet na if pwede magkaron ng club for students na mahilig sa arts and she said yes naman. She helped me to establish the club and kausapin yung mga teachers.

"May bagong student daw ahh." Sabi ni Aiah. She's the student body vice president. She's a very close friend of mine and Colet.

"Yeah. Sinabihan din ako ni Sir. Pascual." Sagot ni Colet. Habang naglalakad kami, we saw a black car stop in front of the school building which caught the attention of the students.

Hindi rin nagtagal and lumabas na kung sino man ang may lakas na loob na gawin yun. Sa harap pa talaga ni Colet.

I'm dumbfounded when I saw kung sino yung driver. It's the girl from last night. She's wearing our school uniform which makes her the new student.

Pano ako nakakasiguro? Well, with a face like that, automatic famous yan. Like what I said last night, she's drop dead gorgeous.

Our eyes met and bigla syang ngumiti. She closed the car door and approached me.

"It's you! Hi!" Masigla nyang bati.

"You know her?" Tanong sakin ni Colet. I looked at her and seryoso na yung mukha nya.

"Not really. We met last night kaya natagalan ako makauwi." Simpleng sagot ko. Hindi naman ako sinagot ni Colet. What she did is step right in front of me facing the girl.

"You must be the new student. I'm Nicolette Vergara, the Student Body President. First of all, you can't park here, second; follow me to my office." Seryosong sabi ni Colet.

"Why would I do that?" Matapang na sagot nung girl.

"Because I say so. Got a problem with that?"

Ibang-iba talaga si Colet kapag seryoso sya. Kahit ako na matagal ko na syang kaibigan and alam ko lahat ng kalokohan nya sa katawan, natatakot parin ako sa kanya.

Hindi naman na umangal si ate girl.. nakalimutan ko na talaga pangalan nya.

"See you at lunch?" Tanong sakin ni Colet. I smiled at her and nodded my head. Naglakad na sila paalis then nagsialisan narin kami and pumasok sa kanya-kanya naming klase.

Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon