chapter 2

308 16 0
                                    

Mikha's POV

Nandito ako ngayon sa student council office. It was a quiet walk papunta dito kasi hindi naman ako kinakausap nitong sinundan ko.

"Take a seat." Sabi nya sabay upo dun sa upuan nya. I sat on the chair across the table. I placed my bag on my lap as I watch her rummage through the papers on her desk.

"Here's your schedule and locker designation. I know you are aware of it but I'll remind you, Monday to Thursday kailangan proper uniform ang suot and on Friday it's wash day. You can wear anything as long as appropriate and decent. You can also see sa handbook kung anong mga club ang pwede mong salihan. Do you have any question?" Tuloy tuloy nyang sabi.

Tinignan ko yung mga information sa handbook then tumingin sa kanya. "Anong club nung girl na kasama mo kanina?" Tanong ko. She creased her forehead and squint her eyes a bit.

"Sinong babae?" Takang tanong nya.

"The one with red bayonetta glasses. Anong club sya member?" I simply replied that made her expression serious.

"Why?" Seryoso nyang tanong.

"Because I want to be friends with her." Hindi ko alam bakit need ko sabihin intention ko sa pagtatanong. Wala naman akong masamang balak kay bayonetta girl.

Last night, I don't know what's gotten into me nung hilain ko sya. I was being chased ng grupo ni Jake which is mga siraulong lalaki na puro gulo yung hanap.

Well, hindi naman ako palaaway na tao pero lagi akong nasasangkot sa gulo. Hindi ko sila maiwasan kasi simula nung umuwi kami dito sa Pinas, napasama ako sa mga bad influence na mga tao.

"You can go to your class na. You don't want to be late. And before that, park your car sa parking lot ng school. You're not supposed to use the main entrance pagpasok ng school gamit yung car mo kasi we have our own gate and security for our parking lot." Nagtaka ako bakit hindi nya sinagot yung tanong ko pero hindi na ako tumutol pa.

Ako na lang yung magtatanong kay bayonetta girl kung anong club sya member mamaya pagnagkita kami.

I went straight sa kotse ko then nagdrive na papunta sa parking lot. After that, dumeretso na ako sa klase ko.

Pagdating ko sa room, nandun na yung teacher kaya napahinto siya sa pagsasalita.

"You're the transfer student?" Tanong nya.

"Yes. Sorry I'm late." Sabi ko. I roam my eyes and lahat sila nakatingin sakin. Medyo nagdiwang naman yung puso ko when I saw si bayonetta girl sa room which means na kaklase ko sya.

"It's fine pero next time bawal na. You may introduce yourself sa class." Sabi ni ma'am.

"Hi, I'm Mikhaela Janna Jimenea Lim but you can call me Mikha. Nice meeting you all." After my introduction, naghanap ako ng vacant seat and to my luck, meron sa tabi ni bayonetta girl.

"May nakaupo dito?" Tanong ko sa kanya. Tinignan nya lang ako then umiling. Umupo na ako sa tabi nya and nilabas ko na yung notebook ko at nakinig sa pagtuturo ni ma'am.

Natapos din yung mga klase namin and it's time for lunch. Before I leave the classroom, I took the opportunity to talk to my seatmate.

"Hi, I'm Mikha, remember me?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Yeah I remember you. Pano kita makakalimutan eh ikaw yung nanantsing sakin kagabi." Mataray nyang sabi pero hindi ko naintindihan yung sinabi nya sakin.

"What's nanantsing?" Seryoso kong tanong.

"Seryoso ka ba?" This time, she look pissed.

"I'm serious. I know how to speak tagalog pero hindi ganun kalalim vocabulary sa mga unfamiliar word. If hindi maganda meaning nyan, I'm sorry. Hindi ko na uulitin." I honestly stated that made her expression relax but cautious.

Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon