CHAPTER 25

7.2K 383 112
                                    

Chapter 25

Leister Pov

"Bawiin. mo. ang. sinabi. mo, Auntie!" Nanggitgit ang bagang ko habang binibitiwan ko ang mga katagang iyon.

Nanatili sa tabi ko si Helios habang ako ay nanginginig sa galit na nakatingin kay Levin na parang awang-awa na naman siya. Dinaluhan pa nga siya ni Tito Laurel.

"It's true, Leister. Levin is your twin; he's just a minute older than you. Sanggol pa lang nang ibigay ng mga magulang mo sa amin si Levin dahil sakitin siya at w-walang pera sina Kuya Arsel pampagamot kay Levin. At dahil hindi kami magka-anak ni Laurel, tinanggap at inalagaan namin si Levin." Iling-iling pang untag ni Auntie na para bang ayaw niya sa mga salitang binibitiwan niya.

Akala niya naman gustong-gusto ko ang ideya na kambal ko... kambal ko itong demonyo na ito!

"Kahit kambal kita, Leister, I will never ever treat you as my twin! Never in my—" Levin snapped, but I immediately interrupted him

"Akala mo rin ba gusto ko, Levin! Mas gugustuhin ko pang ipanganak nang mag isa kaysa... kaysa maging kambal ang tulad mo!"

Pati sila Lola ay napapailing sa mga sigawan namin ni Levin. Manrindi sila sa boses ko dahil ngayon na lang nila ito maririnig. This will be the last time I talk to them. They say that blood is thicker than water, but I guess the blood is already contaminated and too toxic for me to handle. I'd rather puke blood than be with them.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmamakaawa ni Papa Arsel sa kanila. Hindi ko makakalimutan ang mga panggigipit nila sa amin. Hindi ko makakalimutan na umuuwing bigo si Papa dati dahil hindi siya tinanggap sa mga trabahong pinag-aapplyan niya dahil sa kanyang pamilya. At hinding-hindi ko makakalimutan itong araw na ito. May pamilya siguro talagang ganito. Na nasisikmura at natitiis nila ang kanilang kapamilya na naghihirap.

Oo nga't marami silang pera, mayayaman, pero hindi nabibili ng kanilang karangyaan ang pagka-class at ugali.

"I also loved too kung hindi kita kadugo o kambal, Leister! I hate the idea that I came from the same womb as you!"

"Tang ina mo, Levin! Huwag na huwag kang magsasalita ng ganyan sa Mama ko! Dahil kung hindi dahil kay Mama ay wala ka rin dito!" I screamed at the top of my lungs, desperately trying to hold back my tears. Bahala na't manginig ako sa galit huwag lang akong umiyak sa harapan nila ngayon!

"Do you think I am thankful in this situation, Leister? Do you think I like it? I'd rather die than live this kind of life! You've already taken too much from me! Mang-aagaw ka!" Levin angrily retaliated, pointing a finger at me.

"Levin stop it!" Awat ni Tito Laurel kay Levin na nagwawala.

"You don't know how to be thankful for what you have, Levin!" I yelled, frustrated. Now... now I understand kung bakit ganoon na lamang kung makisimpatya at maniwala si Papa Arsel kay Levin. God! All my life I lived in an illusion that we're once a complete happy family. Kung hindi pa nawala si Papa ay hindi ko pa ito malalaman.

Kaya pala magkamukhang- magkamukha kaming dalawa dahil kambal kami. Akala ko... akala ko kaya lang magkamukha kami ni Levin dahil magkapatid sina Papa Arsel at Auntie. Pero kambal ko pala talaga siya. Kaya pala ang dali akong ihatid ni Auntie sa Manila para pumalit kay Levin kasi kambal kami at magkamukha talaga!

"How?! How the hell would I be grateful, Leister, when in the first place pinamigay na nila ako? Papaano ako maging grateful kung mas pinili nila akong ipamigay sa iba tapos ikaw kasama nila! Kapiling mo sila! Nasayo na ang mga magulang natin, Leister, at akala ko iyon lang ang kukunin mo sa akin pero pati pala kay Gage ay kukunin mo rin!"

El Grande Series 3: Gage De Silva✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon