Chapter 24
Leister Pov
I was absentmindedly sauntering through the hospital's hallway like a robot. Galing ako sa emergency room, ngunit ang naabutan ko na lang doon ay ang wala nang buhay na katawan ni Papa. I stayed there for about two hours, unable to open my mouth while staring at my father's lifeless body covered with a white cloth. I couldn't utter a word because everything seemed to happen so fast. Everything happened in just a blur of a moment. Everything was lost in just a day!
Tumigil ang paa ko sa harap ng maliit na chapel. Wala sa sarili akong pumasok ako roon at lumuhod sa harap ng altar.
Nakaluhod ako. Tahimik na pumapatak ang mga luha ko at mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ko sa isa't isa. Walang kurap akong tumitig sa kanyang imahe. Wala akong mapaglalabasan sa saloobin ko at mga hinanakit ko kung kaya't sa kanya ako lumapit.
Halos wala na akong boses. Pilit akong nagpapakatatag pero parang mas gusto akong durugin ng panahon.
Bakit ngayon pa? Bakit sunod-sunod? Parusa ko ba ito? Ito ba ang bayad sa kasiyahang natatamasa ko nung nakaraan?
Pinaranas lang ba sa aking ang maging masaya tapos sasaktan ng ganito?
"Totoo ka ba talaga?" I began to question Him, knowing He would never answer me because He is a holy spirit. Despite my unwavering faith in His power and love, the events unfolding in my life now lead me to doubt.
"Nakikita m-mo ba talaga ako? Kami?" Sunod kong tanong sa kanya. "Ito ba ang parusa mo sa akin? Ito ba ang bayad sa mga k-kasalanan ko sa'yo?" Wika ko kahit na pumipiyok na ang boses ko.
"Lumalaban ako ako ng patas. Ginawa ko lang kung ano ang kaya ko at tama. Nagpaalipin ako sa auntie ko para sa salapi kasi pinagkait din iyon sa akin. Alam kong malaking kasalanan iyong ginawa ko pero bakit ganito ka gumanti?" Anas ko naman.
"Bakit ang papa ko? Ako... ako ang gumawa ng kasalanan. Ako ang nanloko. Ako ang nagsinungaling ngunit bakit sa papa ko ikaw gumanti?" Nanggitgit ang ngipin kong sambit.
Yumuko ako.
"Nakikita mo ba ako ngayon? Ubos na ubos na ako. Paparasaan pa ba iyong mga sinakripisyo ko para sa papa ko? Siya na lang... siya na lang ang natira sa akin pero kinuha mo siya!" Hagulhol ko.
"Ang hirap-hirap na ako. Naniniwala ako sa'yo. Naniniwala ako sa kakayahan mo at sa kapangyarihan mo ngunit sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko... napapatanong ako kung totoo ka ba? Mahal mo kaming mga anak mo pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko inako ko ang lahat ng malas at sakit sa buong mundo?" Iyak ko lang habang nilalabas ko ang mga hinanaing ko sa kanya.
"Una ang Mama ko tapos ngayon ang Papa ko naman. Papaano na ako ngayon? Ano na ang gagawin ko? Inubos mo na ang katiting na taong nagmamahal sa akin."
Lord, kung anuman ang plano mo sa akin. Wala na akong pakialam kasi walang-wala na ako. Bakit pa ko nabubuhay sa mundong ito kung wala na ang mga taong mahal ko?
Bakit pa kasi pinarans mo sa akin ang maging masaya at ang mahalin ng isang tao pero kukunin mo naman pala sa akin? Bakit hanggang hiram lang ako?
Pinagdamot na sa akin ng mundo ang buong pamilya. Pinagdamot na sa akin ng mundo ang maging masaya. Pinagdamot na ng mundo sa akin ang makasama ang pamilya ko at buo kami. Hindi pa ba iyon sapat?
Kailan ko ba mararanasan ang kasiyahan sa mundong ito? Kailan ko ba mararanasan ang ngumiti na walang inaalala? Kailan ko ba mararanasan ang sumaya na walang pangamba? Bakit pakiramdam ko kapag masaya ako laging may kaakibat na sakit at pighati?
BINABASA MO ANG
El Grande Series 3: Gage De Silva✓
Romance《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 3rd installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.