CHAPTER 37

6.3K 216 52
                                    

Dedicated to: alkie02 your comments motivates me a loootttt, beh. Thank you so much!
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Chapter 37

Leister Pov

Hindi ko muna sinabi kay Gage iyong pag-uusap namin ng Lolo ko dahil naging abala rin kami sa paghahanda para sa house warming ng bahay. 'Di ko nga lubos maisip na iyong perang ginamit ko dati sa lahat ay galing iyon kay Lolo Amado. Akala ko talaga kay Papa Arsel iyon. Ginamit ko iyong pera kasi akala ko galing iyon kay Papa ngunit pinagawa pala iyon ni Lolo para sa akin.

Dumating ang araw ng house warming sa bahay ni Gage o bahay daw namin. Sabay naming binabati ni Gage ang mga bisita na pumunta sa bahay. Mostly ang mga taga Monti Alegri lang din, iyong mga kapitbahay namin.

We invited Helios and Lincoln pero si Helios may business conference na naman, this time nasa General Santos City siya. And for Lincoln, nasa Manila lang naman siya kaso may mga kaibigan daw siyang galing sa ibang bansa na bumisita kaya busy rin.

Honestly, mga dalawang buwan na ang lumipas matapos no'ng huli naming kita ni Lincoln. Ang huling kita ko sa kanya ay iyong nagbeach kami at medyo hindi pa okay iyon. Pero binalewala ko lang naman iyon kasi sabi ni Helios nakainom din daw ang pinsan niya. As for Helios naman, maayos siyang nagpaalam sa akin na mawawala daw siya ng mga buwan dahil sa negosyo nila. Naghahanda rin yata siya dahil may laban ang pinsan niyang si Morris Galicia sa new season ng F1. I think sasama siya rito.

"Hello po! Thank you po sa pagpunta!" bati ko sa mga bisita.

Ang iba ay napapanganga sa pagpasok ng bahay. Para kasing maliit lang tingnan ang bahay sa labas pero ang laki kapag pumasok ka na.

"Ate Rosie!" Tumakbo si Gleysie nang makita si Rosie na papasok. Naging busy rin ang batang ito dahil sa research nila. Hindi namin nadi-disturbo ni Gleysie kapag may lakad kami kasi laging may writings sa kanilang paper. Kahit naman ako noon, ganyan din. Ang hirap kayang gumawa ng research. Mapa-experimental man o action research, talagang lalagasan ng buhok mo iyan. Isama mo na ang luha at pawis sa paggawa. Tapos pera pa.

Mabuti na lang no'ng ako, may pera ako dahil sa malaking savings na iniwan ni Papa Arsel which is galing naman pala talaga kay Lolo Amado.

"Kumusta ka na, Rosie? Ang research ninyo?" tanong ko sa kanya. Kita ko ang malaking eyebags niya at parang nag-glow down sa kanyang eskwela itong si Rosie.

"Hindi talaga okay, kuya Lei. Na-reject po ang una naming research proposal. Iyong ibang kasama kasi namin wala namang inambag. Pumupunta nga sa meetings namin wala namang ibang gawin kung hindi ang tumutok sa cellphone nila." Himutok nito.

Inabot ko ang balikat niya at pinisil.

"Sige na. Huwag mo na iyang isipin ngayon. Kumain ka muna sa loob at kung gusto mo. Maligo kayo sa pool. May extra naman akong damit na hindi nagagamit. Ipapahiram ko sa'yo. Para naman malamigan iyang utak mo."

"Sama si Gleysie kay Ate Rosie, Mama!" sabad naman bigla ng anak ko na nakahawak sa kamay ni Rosie.

Nagbend ako para makausap si Gleysie. "Sige. Tell your daddy first dahil baka hanapin ka, okay?"

Tumayo ako ng maayos.

"Rosie, okay lang ba na kasama mo itong si Gleysie? Hindi naman 'yan naglilikot kapag nasa tubig na." Ani ko.

"Walang problema, Kuya Lei. Ako na bahala rito sa friend ko! Namiss ko rin kasi ito!"

"Sige, basta kumain ka muna."

El Grande Series 3: Gage De Silva✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon