Hello, my dearest Engels! We've reached the final chapter of EGS3. I hope you've enjoyed Gage and Lei's journey as much as I've loved bringing them to life. This installment is the lightest of all the EGS stories so far, but it holds a special place in my heart. I truly hope you'll continue to support the upcoming installments of EGS. Thank you so much for all the love and support!
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________Chapter 40
Leister Pov
"Lincoln, b-bakit mo ito g-ginagawa?!" Takot kong tanong kay Lincoln. Naka upo siya sa isang silya, doon malapit sa pinto at ako naman ay kakagising lamang mula sa hindi ko malaman kung ilang oras akong walang malay. Nagising na lang ako sa isang silid na puro lang puti. May mga gamit sa loob ng silid ngunit may nakatabing na puting tela roon. Mukhang hindi nagagamit itong silid o baka inabandona na ito.
Gusto kong magwala at sugurin si Lincoln ngunit nakita kong may baril siyang dala! Naka-tuck iyong baril sa harap ng kanyang pantalon. Humihithit pa siya ng sigarilyo na parang walang narinig mula sa akin.
"Nasaan ang anak ko?" Taranta kong tanong nang hindi ko makita si Gleysie. "Nasaan ang anak ko, Lincoln!?"
Para siyang walang naririnig mula sa akin kaya bumaba ako sa kama para lapitan siya pero nadapa ako nang may pwersang pumugil sa paa ko. Nilingon ko ito, namimilog ang mata ko, saka ko lang napagtantong naka-kadena ang paa ko!
"L-Lincoln, ano itong ginagawa m-mo?! Ang anak ko? N-nasaan si Gleysie? Saan mo k-kami dinala?!" Malakas kong tanong sa kanila ng panginginig ng sistema ko ngunit nagpapanggap siyang walang naririnig mula sa akin!
Muli kong inilibot ang tingin sa buong silid ngunit sarado ang mga bintana na may mahahabang kurtina. Mukhang madilim doon pero hindi ako sigurado dahil makapal ang kurtina. Maliwanag lang dito sa loob ng kwarto dahil may malaking ilaw naman sa ceiling.
Umupo ako sa kama at sinubukan kong kalikutin ang kadena sa binti ko kaso may mga kandado iyon, dalawa! Naiiyak ako sa pag-aalala kay Gleysie. Nasaan na ang anak ko ngayon? Si Gage? Alam na kaya niyang kinidnap na kami ni Lincoln? Dios ko! Ang alam niya na sumama kami kay Lincoln, kaya siguro mahahanap niya naman kami kaagad?
Nilunok ko ang kabang nabubuhay sa aking sistema. At nabanas ako nang wala talaga akong magagawa para makawala rito sa pagkaka-kadena ko.
Masama kong tiningnan si Lincoln. Nasasaktan ako na sa lahat ng taong pwedeng gumawa nito sa akin... siya pa. Siya pa na pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Hindi ko lubos maisip kung bakit siya umabot sa puntong ito. Sa mga buwan na nagdaan na hindi namin siya nakikita ni Gleysie, nag-alala rin ako sa kanya. Palagi kasi siyang tumatawang sa amin kaso nito lang nag-iba siya. Mula nang makauwi siya galing sa ibang bansa. Bakit humantong siya sa ganito?
"Lincoln... Lincoln pauwiin mo na kami ng anak ko." Kahit na para na akong nasasakit sa lakas ng kabog ng dibdib ko, pilit kong kinakalma ang sarili. Hindi ko pa alam kung nasaan si Gleysie.
"Lincoln, ang anak ko? Nasaan si Gleysie? Please tell me she's safe." Dios ko ang anak ko.
Tumulo ang luha ko habang iniisip ang kalagayan ng anak ko. Dios ko, sana nasa maayos na kalagayan ang anak ko. Kahit siya na lang po!
Nang maubos niya ang sigarilyo. Tinapon niya ito sa sahig at tinapakan para mawala ang apoy.
"Huwag mo akong iyakan, Lei." anito, tumayo si Lincoln at saka nagmartsa tungo sa akin.
Nangatog ang aking kamay habang papalapit siya sa akin. Gumapang ang takot sa buong katawan ko at wari'y naparalisa ako sa kama at hindi makagalaw. Mas nanginig ako sa takot nang pinalandas ni Lincoln ang kanyang kamay sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
El Grande Series 3: Gage De Silva✓
Romance《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 3rd installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.