Chapter 32
Gage Pov
The sea is calm and the sun is very bright outside the cottage. The sea breeze blows from time to time, but the hostile stare from Lincoln never fades.
Nasa dagat na si Lei kasama ang anak namin. Hindi kasi napapalagay at naglilikot kung hindi makapunta sa dagat. Naglalaro sila sa tabing dagat, mukhang gumawa sila ng sand castle. Naririnig ko pa mula rito sa cottage ang mga tawa at tili ng anak ko.
"Kayo muna rito, pupuntahan ko ang pamilya ko." Bilin ko kay Helios at Lincoln, nalaman kong magpinsan pala ang dalawa. Pero wala akong pakialam kung magka-ano ano sila. They're a threat to me. They're close to my family—er, to Lei and Gleysie. Based on what I've heard from my daughter, they are also suitors of Lei. Tsk! Thankfully my daughter is so talkative. Naalala ko ang pamanagkin kong si Raelyn sa kanya.
Hindi ko personal na kilala silang dalawa, si Helios nito ko lang nakilala pero si Lincoln kilala ko na sa Manila pa lang. Matunog ang apilyedo ni Helios dahil may negosyo sila at kilala rin dahil relative ata niya ang iang F1 racer na namamayagpag sa kahit sang podium.
Ngunit ang bilin ko sa kanila ay napurnada nang marinig ko ang tawa ni Lincoln. Nagseselos na ako sa kanya noon, pero mas grumabe ito ngayon.
"Family? Naririnig mo ba ang sarili mo, De Silva?!" Tumaas ang kanyang boses at mukhang hindi niya iyon inaasahan kung kaya't napabaling siya kina Lei sa dagat, takot na baka narinig ni Lei at Gleysie ang kanyang malakas na boses.
Umatras ako at muling hinarap si Lincoln, sa tabi niya ay ang kanyang pinsan na galit ring nakatingin sa akin. Sa kanilang mga hitsura at tingin sa kin parang kahit among oras ay handa silang pagtulungan akong bugbugin.
"Anong masama roon?" Taas noo kong tanong. I am ready. I know that my past mistakes can't erase the pain I've caused Lei, but I am determined to redeem myself and win him back. Lei is my everything. Siya ang nag-iisang tao na gustong-gusto ko sa mundong ito. Alam kong mahirap ko siyang kunin ulit pero susubok ko. Muubos ako para sa kanya.
"After what you did years ago, ang lakas ng loob mong tawaging pamilya ang taong tinaboy mong gago ka!" Galit nitong asik sa akin at madiin akong tinuro.
That hit me hard. Hindi ko na mabubura ang bagay na iyan. Wala man ako sa tamang pag-iisip nang itulak ko si Lei papalayo sa akin pero ako pa rin ang nagtulak sa kanya palayo at ang nagdulot ng sakit sa kanya. That truth really pains me.
"Gago ka, De Silva! Kahit anong klaseng yaman mo pa at mapakapangyarihan dahil d'yan sa lintek mong apelyido. Wala kang karapatang saktan si Lei ng ganon! Walang kang karapatang durugin siya ng ganon! Tang ina!" Muli nitong pagwawala at nagtatagis ang kanyang bagang.
"I know my mistakes before, Lincoln. Hindi ko iyon ipagkakaila. Pero babawi ako sa pamilya ko sa abot ng makakaya ko! Mahal ko si Lei at wala ka ring alam sa mga nangyari!" Bwelta ko sa kanya.
He clicked his tongue in disapproval.
"Hah!" Marahas itong bumuga ng hininga at binasa ang mga labi bago ako tiningnan ng masama. Kung kaya lang ng mata niya ang barilin ako ngayon baka ginawa na niya. "Walang alam? Ikaw ang walang alam sa ating dalawa, Gage. Sinabi ni Lei sa akin ang lahat pati na ang misyon niya sa buhay mo! Tang ina kung alam ko lang noon na ganoon pala, edi sana inagaw ko na siya sa'yo!"
"Fuck you! Sa tingin mo hahayaan kita?" Diing wika ko at halos mabasag ang ngipin ko sa pagtitimpi.
Sarkastikong ngumisi sa akin si Lincoln.
"Wala kang magagawa kasi gusto ko si Lei. Oo, tingin niya sa akin kaibigan pero ako gusto ko siya. Handa akong maging ama kay Gleysie at—"
Sinuntok ko anag mesa na siyang nag-aawat lang sa aming dalawa ngayon. Umalon ang mga pagkain na hindi namin naubos sa mesa. Natumba ang 1.5 liter na coke.
BINABASA MO ANG
El Grande Series 3: Gage De Silva✓
Romansa《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 3rd installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.