C6

5 2 0
                                    

୨୧ ྀི ❀ ྀི Salamat, Thank you po ୨୧ ྀི ❀ ྀི


We arrived in France safely. Ramdam ko agad yung pagod even though nakaupo lang naman ako sa airplane. Agad namin pinuntahan yung bahay ni Tita Joanna dito, yaya nila ang bumati sa amin at nagpapasok sa amin, sabi niya wala daw si Tita Joanna kasi may pinuntahan lang saglit na importanteng business partner niya.

"Honey, akyat lang ako sa kwarto ha? ayusin ko lang mga gamit ko. Kung need mo pa ng mga space, ilagay mo nalang yung iba mong gamit sa kwarto ko then kunin mo nalang kapag kailangan mo." he smiled charmingly, normal smile niya na ba talaga yan? ang pogi niya naman masyado.

I smiled back and nodded. "No hon, okay lang konti lang naman mga dinala ko eh."

"Okay, basta pag may kailangan ka katok ka lang sa room ko or pwede rin dun ka na matulog kung gusto mo ako mayakap mamayang gabi." ngumisi siya.

Pang ewan naman...

Ayoko din naman matulog sa kwarto niya kahit girlfriend niya na ako. Syempre respect na rin 'no, nakakahiya naman kay Tita Joanna. Thankfully, di siya mapilit tulad ng ibang mga boyfriends sa girlfriends nila, nirerespeto niya lagi ang desisyon ko. Mas importante sakanya kung saan ako komportable kahit hindi pa sa tabi niya.


Umakyat na ako sa taas, grabe talaga ang hagdan nila sobrang engrande na para kang magdedebut araw- araw kada lakad mo dito.

Pumasok ako sa guest room at sinarado ang pinto. Umupo ako sa kama at may nakitang mga heart brownies, tinignan ko ang maliit na card letter na nakadikit sa box.

"Welcome back, Celine! Enjoy your stay here in France, anak. Congrats to your relationship with my son, I'm happy for the both of you, my future daughter-in-law!   -love, Tita Joanna"

Napangiti naman ako sa nabasa ko at sa brownies, favorite ko din kasi ang brownies eh. Ang sweet talaga ni Tita Joanna kahit kailan, sakanya nagmana ang mga anak niya kasi sweet si Dominic tapos sweet din ang kambal na si Damien at Denver.

Nilagay ko muna yung box ng brownies sa side table. Binuksan ko ang luggage ko at inayos ang mga damit ko sa closet room pati ang mga shoes na dala ko. Pinatong ko din ang mga bags na dala ko sa shelf ng closet room. Di ko nga alam kung guest room pa 'to eh. Sobrang complete kasi. May malaking bathroom tapos may pa walk-in closet pa, ang laki din nga kama at may TV pa. May pa-snacks din dun sa kabilang table may sticky note na nakadikit dun.

"For my model and my son's lovely girlfriend, Celine."

Grabe ganito ba kabait si Tita Joanna, ganito ba siya lagi sa bisita niya?


Nag shower ako saglit tapos nagpalit ng damit, I just wore a simple light pink camisole at black shorts na may tali sa harap. Nagsuklay ako at lumabas na ng kwarto.

Saktong lumabas din ang boyfriend ko. Ngumiti siya at yinakap ako nang malambing.

"Ang ganda ganda mo naman. I love you." malambing na sabi niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi at bahagyang kinurot yun. "I love you."

"Nakita mo na ba yung brownies at snacks na prinepare sayo ni Mommy?", natawa siya.

"Oo, ang sweet ni Tita, ganun ba talaga siya sa lahat ng bisita?", bahagya rin akong natawa.

"Well not really, mostly sa amin lang siya ganyan at sayo. Sabi niya kasi anything for her future daughter-in-law daw." he said while playfully mocking his Mom's words.

HIS FAVORITE DESTINATION (VALDEZ SERIES #1)Where stories live. Discover now