Chapter 5

9 1 0
                                    


[Cereese] 


"Welcome back iha!" bati sa akin ng mother in law ko. Nandito kami ngayon sa Manila sa bahay kung saan kami nahuli ng parents niyang magkatabi. Jusko! hinding hindi ko yun makakalimutan talaga.

"Thank you po, Ma. Kamusta na kayo?" hindi kasi ako sanay sa salitang Mommy or Mom kasi feeling ko trying hard ako na maging mayaman.

"Mabuti naman iha.. How about you and Sandro? How's life with him?" kinamusta naman kami pero biglang sumingit si Dad.

"Hay nako tinatanong pa ba yan, sweetheart? Edi nagkakamabutihan na yang dalawang yan." singit naman ni Dad medyo nahiya ako don. Kasi wala naman ganon we remained as friend lang pero kinasal ganon.

"Enough for that Dad. When are you going to file your candidacy?" tanong naman ni Sandro para malihis yung topic tungkol sa amin kaya pinili ko na lang umalis at inayos ang mga gamit namin sa kwarto. Siyempre pumunta ako sa kwarto ni Sandro kasi dito nga kami magstay over and I'm just waiting for their next move.

Habang nag-aayos ako ng gamit namin ay may nakita akong group pictures ng mga kaibigan ni Sandro pero sa di ko sinadyang makita ay nakita ko ang isang picture ni Sandro kasama ang isang babae, pagtingin ko sa likod ay may nakasulat.


"You are one in my ten billion."

Edi sana ol ten bilyon!

Naitago ko agad yung picture na nakita ko kasi may narinig akong tunog ng pinto at niluwa nito si Mama. Napahawak pa ako sa dibdib at nakita niya akong nagulat.

"Sorry nagulat kita iha." sambit niya.

"Okay lang po. Halika po pasok.. Nag-aayos lang ako ng gamit namin ni Sandro." ani ko.

"Hindi ka ba nahihirapan kay Sandro, Reese?" tanong niya habang tinatabihan ako. Nahirapan ba? Wala naman kasi although may sarili kaming mundo he never fails to take good care of me as his wife kahit walang love.

"Hindi naman po. Hindi naman nagkulang si Sandro kahit walang love sa marriage namin, Ma." sagot ko.

"Pero nag-iba na ang nakikita ko sa inyo, sa iyo. Para bang sobrang kumportable na kayo sa isa't isa. Sure ka bang wala kang nararamdaman for him? Imposibleng wala, Reese." sabi niya.

Imposible ba talaga?

Hindi naman mahirap pakisamahan si Sandro. He's been so gentleman and understanding sa akin. Pero hindi ko makakapasinungalingan na I slowly began to like him. Tipong I love going with him kung saan siya pupunta like mag gogrocery shopping, eating in a resto and of course paminsan-minsan kapag may long holiday namamasyal kami together sa malalayong tourist spots sa UK.


"Hindi pa po ako sigurado sa feelings ko pero hindi ko po masasabing love na talaga." sagot ko.

"Naiintindihan ko Reese.. It will come matutunan niyo ring mahalin talaga ang isa't isa." dagdag naman ni Mama.


Naputol ang chikahan namin kasi pinuntahan kami ni Sandro kasi aalis na naman kami to somewhere down the road. Nagbihis na muna ako kasi di na ako kumportable sa suot ko. I just wear a casual outfit kasi alam naman nating sobrang init dito sa Pilipinas.


Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako kasi naghihintay na rin sila sa garahe. Since magkatabi sina Dad at Sandro, ako naman ay tumabi na lang kay Simon. Napagitnaan nila ako ni Vinny.


"Hi Ate! It's nice to see you." bati sa akin ni Vinny and he smiled. Ang cute talaga ng batang to.

Second Time Around I'll Be SweeterWhere stories live. Discover now