Chapter 3

12 1 0
                                    

2015

[Cereese]

"Mga ma'am, sir.. Magsasara na po ang bar namin at nagsisialisan na rin."

"Shut up! Nag iinuman pa kami.. TULOY ANG PARTYY GUUUYZZZ!!!" napatuwid ako sa pagsigaw ni Kenzo at napalingon sa gawi niya bigla naman itong napaupo at bumalik sa pagtulog.. Natatawa ako kaya sa sobrang lakas ng tawa ko ay nasamid pa ako sa sariling laway ko.

"N-Nako! Nagpaparty pa kami Ate kaya di niyo pa kami mapapaalis. Hindi pa kaming lasshee—" naputol ang sinasabi ko na may biglang humila sa kaliwang kamay ko.

Napatingin ako sa kabuuan ng lalaki pero blurry siya.. Baka gwapo kaya blurry.

Blurry pa more Cereese.

"Teka sino ka ba?! Parang paikot-ikot na yata tayo eh.." inis kong sambit ko kasi iba na ang pakiramdam ko sa lalaking to eh.

"Just shut up.. I'll be gentle with you" nandindig ang mga balahibo ko sa sinasabi niya. Kahit umiikot na ang paningin ko sa lasing pero I can sense if there are something strange or danger around me.

Ewan ko ba sa lalaking to baka pinagkamalan niya akong girlfriend niya. NALOKO na talaga!  

"Sino ka ba ha?! Hindi naman kita kilala!" asik ko sa lalaki pero hindi niya ako pinapansin. Kakainis talaga! Mas lalo akong nahilo sa kung paano siya magdrive ng sasakyan niyang amoy mayaman. Dahil don eh sa malamang nasusuka ako.

"Itigil mo nga ang sasakyan! Nasusuka na ako!!!" sigaw ko sa kanya at bigla niya akong pinasandal sa kinuupuan ko.

"The hell! Don't puke here!!! just sleep and relax!! ano ka ba, Alexia!" nagulat naman ako sa tawag niya sa akin. Tama nga ako pinagkamalan niya akong jowa niya.

"Nagkamali ka yata ng tawag sa akin eh hindi naman ako si Alexia! I'm Ceree--" ayun dahil sa hindi niya tingil ang sasakyan ay tuluyan ko ngang nasukuhan ang kotse niya.

"GOSSSH!! ALEXIA!" protesta niya. After kong nailabas lahat ng sama ng loob ko ay dinalaw na ako ng antok.

Ilang saglit lang ay naramdaman kong may bumuhat sa akin palabas ng kotse. Siyempre since wala na nga akong lakas dahil sa kalasingan ay hinayaan ko lang yung lalaki na buhatin ako. 

Yuck! Cereese bakit ka pumayag na ganituhin ka ng hindi mo kilala.

Mayamaya pa ay naramdaman kong inihiga na ako sa sobraaaang malambot na kama. Ito na yata ang pinakamalambot na kama na nahigaan ko sa buong buhay ko. Sa isang banda ay may tumabi sa akin at niyakap ako kaya iniiwasan ko ito kasi nga stranger siya sa akin. Nanigas na lang ako. 😑

Alam kong nakatodo na yung aircon pero sobrang pinagpapawisan na ako at saka sino ba naman ang pagpapawisan sa ginagawa kong pagtago sa ilalim ng sobrang kapal na comforter. Hindi ko na inisip na may lalaki akong katabi hindi naman niya ito mabubuksan ang comforter kung saan ako nagtatago kaya hinubad ko na lahat ng pang itaas ko at tinapon sa sahig.

---

Nagising na ang diwa ko at sobrang sakit ng ulo ko na para bang minartilyo ng sampung beses. Habang nag uunat ako huli ko na realize na nasa ibang planeta ako este nasa ibang bahay na ako at nakita kong may nakatingin sa akin sa kaliwang banda.

He pinned his eyes towards me at iba ang tingin niya na para bang may kabastos bastos sa akin but when I look at myself down....

"OMG!!! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!! Anong ginawa mo sa akin?!!! Sino ka?!!!" napasigaw ako ng sobrang lakas kasi never in my life na nag-iinom ako na umabot sa ganito!!

"I'll be the one to ask that to you?!!! Who are you?!! Why are you on my bed?!! I remember that Alexia was here!!!" galit niyang sambit sa akin. Aba! siya nga nagdala sa akin dito! Langya talaga to!

Second Time Around I'll Be SweeterWhere stories live. Discover now