D-Day of the Wedding
"Athena Cereese, tinatanggap mo ba si Ferdinand Alexander bilang iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?"
Napatingin pa si Cerese sa kanyang mapapangasawa saka ngumiti. "Opo, Padre."
"Ferdinand Alexander, tinatanggap mo ba si Athena Cereese bilang iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?"
"Opo, Padre." sagot naman ni Sandro. Ang maririnig lang ay ang mga killig na reaksyon ng pamilya ni Sandro lalo na sa mga pinsan niya.
[Cereese]
Ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal ka parang roller coaster ride. Masaya kasi papakasalan ka, nakakabahala kasi sa sitwasyon namin ni Sandro mahuhulog siyang shotgun wedding pero hindi nman ako buntis at siyempre kaba't lungkot kasi hindi ko na masyado makakasama sila AZ, Guada, Kenzo at Onemig, of course di ko na magagawa ang pagwawalwal at gala.
Nung pasimula na ang seremonyas medyo kinakabahan ako baka may biglang tumutol jusko yun ang nakakahiya talaga mabuti na lang hindi yon nangyari.
"Athena Cerese, isuot mo at pagka-ingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng Espiritu Santo. Amen." dahan-dahang sinuot ni Sandro sa aking pala-singsingan ang singsing sa akin. Parang gusto kong maiyak pero ayaw ko.
Di ba ang gulo?
Ako na naman ang magsusuot sa kanya ng singsing. "Ferdinand Alexander, isuot mo at pagka-ingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng Espiritu Santo. Amen." sambit ko.
"Ito ang pinakahihintay ng lahat!" sabi ng pari. Ito nga pero sa akin kaba ang nararamdaman ko kasi kung sa labi ako hahalikan edi si Sandro ang first kiss ko. "Ipinapahayag ko kayo bilang mag-asawa. Mga kaibigan ikinagagalak kong ipakilala sa inyo sina Mr. and Mrs. Ferdinand Alexander Marcos." ayun huuhuhuhuhuh.. Hindi na ako Monreal isa na akong ganap na Marcos pero ang kinakaba ko ngayon ay ang resulta ng board exam namin.
"Mr. Marcos, pwede mo nang halikan ang iyong asawa." nagkatitigan kami ni Sandro kasi ito na ang sunod na gagawin. Nung papalapit na si Sandro sa akin ay napapapikit ako para feels ko talaga..Hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng mga labi namin. Biglang kuryenteng kung ano'y dumaloy bigla sa akin sa halik na yun.
Nagpicture taking na kami. Actually, intimate lang itong wedding ceremony namin kami lang ng family, malapit niyang kamag-anak at ang mga kaibigan ko ang present sa pag-iisang dibdib namin.
Sa kabilang banda naman...
"OMG! OMG! kakalabas lang ng resulta ng board exam." sambit ni AZ. Nung narinig ko yun ay grabe yung kabog ng dibdib ko.
"Yung kaba teh.. namamasa din yata ang kili kyler ko.." tugon naman ni Guada. Natawa naman kami.
"My gosh! Congrats sa atin Onemig, Kenzo, Guada, AZ.. Uyy teka lang hinahanap ko ang kay Cereese.. Marcos di ba?" sambit naman ni AZ.
"Sira, Monreal pa ang gamit niyang apelyido jan." tugon naman ni Kenzo kay AZ.
"Bakit wala, hindi ko makita." sambit ni AZ. See kahit Magna Cum Laude ako hindi pa rin ako makakapasa.
"Wag na kayong mag effort." matipid kong sambit.
"Ang OA mo. Wag ka ngang lungkutan jan kasal mo today at siyempre quadruple celebration mo to kasi hindi ka lang pumasa kasi hindi mo pa talaga pinatawad, nasa TOP 1 kapa nationwide." nanlaki ang mga maliliit kong mata sa narinig ko.
YOU ARE READING
Second Time Around I'll Be Sweeter
ФанфікиA story of a woman being hidden by her rich, famous husband from a prominent and influential family. It started with a deal-married but with no romantic feelings. Years go by so fast, and the hidden gem fell in love with the man she married on paper...