Chapter 8

7 2 3
                                    

Back to the present time...

[Cereese]

Nung narinig ko ang sinabi nung staff ni Dad agad kong tiningnan ang phone ko kasi kanina pa nagba-vibrate. Ano naman kaya ang pinagsasabi ng Alexia na yun. Hindi pa rin niya ba ako tatantanan?!!!! Baka hindi ako makakatimpi sa kanya eh hihilain ko siya papunta sa windmill saka ko paikut-ikutin sa propeller.

When I opened my phone someone sent me a link parang live video yun. Sinubukan kong buksan ito at nakita ko ang pagmumukha ni Alexia sa screen ng phone ko. 

Lagot ka ngayon sa akin. Kapag yang video mo makikita ng anak ko ay hindi ko alam kung bubuhayin pa kitang haliparot ka!

"Cereese!" may tumawag sa pangalan at yun ay si Ate Cara na kasama nila Mom at Dad kaya lumapit na ako.

"Nakita mo na ba ang pag-lalive ni Alexia?" tanong niya sa akin at tumango ako.

"Kailangan ko nang bumalik ng Laoag para harapin yang Alexia na yan. Sinasagad na talaga niya ang pasensya ko." gigil kong sagot.

"Galit na galit gusto manaket, Cereese? HAHAHA!" natatawang sambit ni Ate Cara.

"Oo matagal ko nang gustong kutusan yang babaeng yan! Matagal na nagtitimpi lang ako." tugon ko. 

"O halina kayo at uuwi na tayo ng Laoag." wika ni Dad. Napauwi pa niya sina Dad dahil sa kahangalan ng babaeng yon. Ito naman si Sandro hinayaan lang niya ang babe niyang magkalat na nakakasira sa imahe ng pamilya niya.

Dahil private airplane ang sinakyan namin ay nakarating na kami ng Laoag na hindi umabot ng isang oras. Ewan ko paano inilipad ng piloto ang eroplano. Paglapag ay nakaabang na yung puting van at nagpahatid nga lahat sa Kapitolyo.

"That Cereese is not only the architect of Filipinas Air but he is targeting Sandro and trying to seduce him gaya ng ginawa niya dati."

"Grabe naman talaga ni Alexia gumagawa ng kwento baka hindi niya naalala kung paano ko sila nahuli ni Sandro sa tinutuluyang dorm niya. Kapag naiisip ko yon sana lumaban ako hinila ko na sana ang buhok niyang patay dahil sa pagkukulay niya. Boset!" sabi ko na may gigil feels.

"Ang puso.. puso mo Sissy.." sambit naman ni Ate Cara.

"Please Ate Cara wag na wag mo akong pigilan sa gagawin ko sa Alexia na yan. Sumosobra na yang kabit na yan! Akala mo kung sinong malinis! Sila ni Sandro ang pagbuhulin ko jan eh." tawa lang ng tawa si Ate Cara pero sumportado yan sa akin.

"My ghaaaad ang lapit na natin.. Nako Cereese wag mo masyadong galingan." singit naman nila Kuya Mike at Kuya Borgy sa likuran namin habang minamasahe ako na para ba akong boksingero na sasalan sa ring.

"This is it!" sambit ko. Sa pagtigil ng van, Nakita ko na nandoon sila Sandro, Matthew, Simon at Vinny dahil ng siguro nagkagulo na. Nakita ko rin na inaaway niya si ...

GUADALUPE?!!!! Eh si Javi saan?!

Bumaba na ako sa van at saka ko tinali ang buhok kasi mapapasabak tayo.. Habang naglalakad ako napalingon si Guada sa gawi ko.

"Athena Cereese?!!! Bes" naiiyak niyang sambit. Pumalakpak ako habang papalapit sa kinaroroonan nila Alexia.

"Ang galing mo naman talaga gumawa gawa ng kwento Alexia halos maiyak ko sa pinagsasabi mo. Lakas din ng loob mo ha na ako ang kinalaban mo. Well, pinili mo yan. Siguraduhin mong wala kang gusot ha kasi wala talagang kakampi sayo .. ANG TAGAL TAGAL KO NANG HININTAY NA MAGKAHARAP TAYO ULIT! Tang ina! limang taon!" gigil kong sambit.

"Bes, wag naman dito jusmiyo.. Si Javi nasa sasakyan." bulong sa akin ni Guada.

"Sira bakit mo siya iniwan doon. Delikado kapag iwan mo siya doon at sabihin mong in character muna siya na ikaw ang mommy niya." tugon ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Second Time Around I'll Be SweeterWhere stories live. Discover now