Robyn's POV.
Umabot na ng isang linggo itong pagp-pretend namin ni Mikha as girlfriends. I always hatid and sundo her while riding my scooter. At una ayaw niya kase natatakot siya dahil kulang helmet namin, sinabi ko bibili na lang ako. Also laging sabay kaming kumain. As in kaming dalawa lang. Nagagalit na nga yung mga friends ko sa akin eh.
And also, isang linggo na rin ako nabu-bullly ng mga taga basketball varsity players. Sa totoo lang hindi ko alam yung reason why pero binabalewala ko na lang minsan. Sabi ni Mikha kakausapin niya mga ito pero parang hindi naman nangyayare. So instead, si Jane ang laging nag-tatanggol sa akin. Mikha and Jane hate each other. Parang mga bata kung mag-bangayan.
"Maloi!" I called my friend pero masungit itong iniwasan ako. "Huy! Kanina pa kita tinatawag."
"Ewan ko sayo." Sagot naman niya at nagpatuloy maglakad.
"Alam kong galit kayo sa akin--"
"Alam mo naman pala eh. Bakit ka pa lumalapit sa akin?" Inis niyang sabi sa akin.
"Maloi naman, mag-best friend na tayo matagal na. Sana naman maintindihan mo bakit ko ito ginagawa." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Rob, mahal na mahal kita parang kapatid na kita, pero iyang ginagawa mo ay alam kong masasaktan ka ng todo. Ayaw ko makita ka na ganon." Paliwanag din niya sa akin.
"Clear naman sa akin eh, it's just a pretend. At pinapaalala ko naman palagi na hinding hindi ako mahuhulog agad. Hindi katulad kay..." Napahinto ako bigla ng maalala ko ang pangalan nun.
"Robyn, kung mangyare iyo yun sayo ulit, hinding hindi ko mapapatawad yang crush mo. Hindi ko man nabugbog yung past mo, itong present na ito yare siya pag ginawa niya yun sa future." Hawak sa akin ni Maloi at tumango na lang siya sa akin.
"Bakit pa kase hindi na lang si Jane eh." Reklamo niya sa akin.
"Jane? Paano napasok si Jane dito?" Takang tanong ko.
"Ayan kase. Mas busy ka diyan sa crush mo. Mula na kinidnap ka saamin ni Mikha, hinahanap ka palagi ni Jane. Kaya ayun, sumasabay na lang siya sa amin mag-lunch habang pinanonood ang kalandian ninyo." Sagot ni Maloi sa akin.
"Sorry na kase. Alam mo naman once in a lifetime lang ito mangyare sa buhay ko." Pilit ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakikita? Lagi ka ng target ng mga bullies dito dahil fake girlfriend mo iyan si Mikha. Hindi ka ba nasasaktan?"
"Binabalewala ko lang. Pag pinansin ko kase ang meaning iyon, affected ako. Hindi naman ako affected sa ginagawa nila. Titigil din mga iyon." Sagot ko na lang pero pinigilan ako ni Maloi.
"What if yung ex ni Mikha ang mastermind ng mga ito? Gumaganti din siya dahil ikaw na ngayon girlfriend ng ex niya." -Maloi
Sasagot na sana ako pero may nagbato ng itlog sa likuran ko. Nagulat din si Maloi sa nangyare. Tumingin ako at yung mga lalaki na naman ang gumawa nito sa akin. "Hoy nerd! Alam ko favorite mo sunny side up, sabi ng gf mo!" Sigaw nila at binato nila muli ako pero umilag kami ni Maloi.
"Hoy! Magsi-tigil nga kayo! Isusumbong ko kayo sa mga professor!" Sigaw ni Maloi sa kanila.
"Grabe ka na nerd! Pati pala unggoy pinapatulan mo! Bakla ka talaga!" Now it's serious. Below the belt na sila. Wala silang karapatan para laiitin ang mga kaibigan ko.
Lumapit ako sa kanila at nagtawanan lang sila. "Bawiin mo yung sinabi mo sa kanya." Diin kong sinabi. They're just smirking at me.
"Eh kung ayaw ko? Bakit, isusumbong mo kami sa bago mong jowa? Nerd ka na nga, weak ka pa. Hindi ko rin ma-gets si Mikha. Pumapatol din pala siya sa cheap katulad mo. Dapat sayo tinatanggal na eh para magbalikan sila ni Denise." Asar muli nila.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Lesbian is Mine (BINI_Mikha) GXG Story **ON HOLD**
Fiksi PenggemarRobyn Santos has a big crush on the school campus crushie and star, Mikha Lim. When Mikha was cheated on by her ex-girlfriend, Denise Julia, she decided to take revenge on her and asked Robyn to be her fake girlfriend. Until Mikha deeply falls in lo...