-An Unexpected Encounter-
Yeri's Point Of View
It was 2 am in the morning when I decided to go downstairs because I'm thirsty. I left Travis alone in our room soundly sleeping after our movie marathon last night. Sinunod ko si Ate when she said na we should only relax and enjoy our time together and do nothing else. And of course we can't do that "thing" because Zean is here. Baka kung ano pang marinig nun and tease us for the rest of our lives. Well speaking of Zean...Kamusta na kaya yung bubuyog na yun sa guest room?
At dahil naalala ko si Zean, huminto ako sa harap ng pintuan ng guest room. I was about to open the door but I heard someone spoke behind me startling me. "Bukas agad? Walang katok?" Ani nito. "Ay bubuyog!" Gulat na sigaw ko. Sinong hindi magugulat eh basta basta nagsasalita tapos may towel pang nakalagay sa ulo, mukhang yung character na madre dun sa The Nun. "Shh 'wag kang maingay para 'tong tanga kitang may natutulog eh." Saway n'ya sabay hila sa'kin sa living room. "Tangina mo naman kasi bakit may towel kang ganyan sa ulo Zean? Nakakatakot kaya isama mo pa yang mukha mong pang horror movie." Asar ko sakanya at dumiretyo sa fridge para kumuha ng juice at ininom ito. Inirapan n'ya 'ko bago nagsalita. "Well first of all, tangina mo 'rin at wala kang pake sa towel ko. And second of all, 'tong mukhang 'to pang horror?" Turo sa mukha n'ya bago nagpatuloy mag salita. "Nakakahiya naman sa mukha mong pwede na ipang basahan." Ganti nito and stick out her tongue teasing me.
"Yeah whatever bubuyog." I retorted at tinalikuran s'ya. Not so long habang nakaupo kami sa counter dito sa kusina, we heard a loud "ding" coming from our phones. We both checked it, and it was a notification from our group chat.
OCEAN POET TEAM GROUP CHAT
Leader-nim Navada: @everyone we'll have our meeting later at our usual place. I'm expecting each and everyone of you to be there on time. 10 am.
Zean-ortang talong: Noted po leader-nim!
Yeribolstubols: Noted Ate!
Gabrielle-a silang: Aye Aye Captain!
MAY kanin kayo?: G!
Chleo-patra Decy: Be there.
KHRYbingskongayonayikaw: Sige po!
TristiamBabeCo: 👍
Michalant Jeyms: Okay.
MAARTEna Enriquez: OKIE.
Leader-nim Navada: I didn't expect anyone to be up this early. Go back to sleep. I don't want any lutang mamaya.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________
Hinart nalang namin lahat yung last chat ni Ate. I heard Zean chuckling sa tabi ko. "What's so funny?" I asked. "Bwiset na mga nicknames yan halatang pinagisipan ah." Natatawa parin n'yang sagot. Tiningnan ko ulit yung mga nicknames sa gc and I can't help myself na matawa kasi it was so unserious. Kay Ate Navada lang yung matinong nickname tapos the rest, nilaro na. Walang maniniwala kapag pinakita ko sa iba 'to. Aba, we are the team na inatasang hulihin ang pinaka sikat na serial killer sa bansa kaya walang maniniwala sa napaka unserious gc namin. Well minsan kapag nasa gc si Ate, dun lang seryoso pero kapag wala na, ay puro bardagulan nalang talaga mababasa mo. "Gagi hindi rin naman tayo sinaway ni Ate Navs eh. Hindi n'ya pinapansin mga bardagulan tyaka nicknames natin. Kaya ituloy ang laban!" Sabi ko sabay taas ng nakatikom kong kamay para convincing. Tiningnan ako ni Zean sabay tawa.
