CHAPTER 1

1.1K 66 5
                                    

Chapter 1






"MADI, A—ANO 'TO?"

"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na damit 'yan? Costume." Masungit na sagot ni Madi na parang nanunusok ang talim ng kanyang titig.

Si Madi ay pinsan ko. Anak s'ya ni Tiyang Mona na half-sister naman ng namayapa kong Papa. Wala akong kinagisnang ina. Si Papa naman ay maagang nakipag-ayeball kay San Pedro, grade two palang ako. Sanggol palang ako ay si Lola Agapita na ang nag-aruga sa akin pero dalawang buwan na ang nakararaan ay sumakabilang-buhay na rin s'ya. Tabacco lover kasi ang mahal kong Lola kaya komplikasyon sa baga ang ikinamatay n'ya.

Dahil sa mahabang gamutan ni Lola Agapita hanggang sa burol nito ay nagawang maisanla ang bahay at lupa namin sa probinsya. Dahil si Tiyang Mona na lang ang kilala kong malapit na kamag-anak ay pumayag ako sa alok n'yang sumama sa kanya rito sa Maynila. Nangako ang T'yang na tutulungan n'ya akong makapaghanap ng maayos na trabaho ngunit mahigit isang buwan na ako sa puder ni T'yang ay hindi n'ya pa rin ako pinapayagan na maghanap ng trabaho.

Para akong priso sa bahay nila. Ang Tiyahin ko na akala ko ay siyang tutulong at magmamalasakit sa akin ay s'ya palang mag-aalipin sa akin at mas magpapalugmok sa akin sa kahirapan. Iniisip ko mang tumakas sa puder ni T'yang Mona ay palagi akong pinapangunahan ng takot. Pinagbabantaan n'ya ako parati na tuluyan daw n'yang ibebenta ang bahay at lupa ni Lola Agapita sa probinsya oras na takasan ko s'ya.

Hindi ko alam kung masamang tao ba ako no'ng past life ko at bakit ganito na lamang ako pahirapan ng kapalaran ngayon. Si T'yang Mona, si Madi, pareho silang kontrabida sa buhay ko.

"E hindi naman uniform ng waitress 'to, Madi," ani ko matapos kong suriin ang damit na initsa sa akin ni Madi. Lingerie set ito at may kasamang telang makintab na parang kumot ngunit nang suriin ko ay isang kapa pala. Kahit hindi ko pa ito naisusuot ay pihado akong labas ang bra at kuyukot ko sa damit na ito.

O damit pa ba talagang matatawag ito?

Kinakabahan tuloy ako. Isinama ako sa malayong lugar na ito ni Madi dahil ang sabi n'ya ay i-ekstra akong crew sa isang catering services ng kakilala n'ya. Isang libo raw ang bayad kaya tinanggap ko atsaka pinayagan din naman ako ni T'yang Mona na sumama rito sa anak n'ya.

"Tonta. Hindi ka magwi-waitress." At kinumpirma na nga ni Madi ang isa sa mga naiisip ko. "Nagka-emergency 'yong isang kasama ko. Binugbog ng jowa kaninang hapon kaya na-ospital. Wala akong mahanap na ibang papalit doon dahil kakatanggap lang namin ng impormasyon tungkol sa babaeng 'yon. Ikaw ang papalit sa kanya."

"Papalit saan?"

Umikot ang mga mata ni Madi. "Entertainer. Sasayaw ka lang. Sisiw lang 'yon sa'yo dahil sumasayaw ka naman sa pipitsuging piyestahan ro'n sa baryo ninyo noon."

Nagsalubong ang kilay ko. "S—sasayaw ako at ito ang isusuot ko?"

"Natural. Ang hina mo naman makaintindi. Bwisit."

"Pero, Madi. Madi, ayoko—"

"Hoy! Hindi kita pinapapili que sa ayaw o gusto mo. P'wede ba? Wala kang choice kundi sumunod sa akin, naiintindihan mo? Tiba-tiba itong raket na napatid ng grupo ko at malilintikan ka sa akin oras na pumalpak ang booking naming ito dahil sa kaartihan mo. Maya-maya lang ay parating na ang mga kliyente kaya bilis-bilisan mo na ang pagbibihis, Lorrie. Napakaarti.”

Sinipulan ni Madi ang bakla naming kasama na nagyoyosi sa may bintana. "Brenda, make-up-an mo ng mabilisan itong isang ito. Ito na ang asikasuhin mo."

"Anjanette na, 'ti." Ngumisi sa akin ang bakla.

Isang bahay bakasyunan itong pinagdalhan sa akin ni Madi pero wala kami sa mismong loob ng rest house dahil dito kami pinatuloy sa maliit na bahay dito sa bandang likuran. Parang tirahan ng mga kasambahay siguro. Hula ko lang.

Hiding the Devil CEO's TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon