CHAPTER 2

491 41 5
                                    

Chapter 2



Binitawan lang n'ya ang kamay ko nang maisara na n'ya ang pinto.

"Parang mas mainit ho rito, Sir." Iyon kaagad ang napuna ko imbes na ang walang ilaw na silid. "Puwede ho bang pabuksan muna ng bentilador ninyo bago ko ho kayo sayawan? Kung hindi ho kalabisan, mga dalawang bentilador ho sana."

Ano kayang klaseng alak iyong natungga ko sa basong iyon? Bakit ganito ang epektong init nito sa akin? Kung malakas naman ang sipa ng alcohol content niyon, bakit hindi naman ako nahihilo na siyang alam kong tanda ng kalasingan?

"What are you talking about?" Narinig kong tanong ng lalaking humigit sa akin papasok sa madilim na silid na ito. Nararamdaman ko siya na nasa harapan ko lang. Kahit hindi ko siya makita ay batid kong wala pa ring ngiti ang kanyang mukha.

Naalala kong sinabi sa akin dati ng kasama kong si Julie sa jackfruit farm na madalas daw sa mga negosyante at mayayamang tao ay tipid ang ngiti tapos mainitin ang ulo katulad halimbawa ng dati kong amo na si Mrs. Lucy. Napakasungit n'ya sa aming mga trabahador sa farm. Naninigaw pa 'yon. Pareho rin dito sa lalaking ito, parang hindi siya marunong ngumiti. Kahit ang simpleng titig niya, sobrang nakakaintimida na. Iyong presens'ya niya ay sapat na para iparamdam sa katulad ko na kapantay ko lang ay kutong lupa sa mundong ginagalawan n'ya.

Pero huwag s'ya. Itong kutong lupa sa mundo niya ay nagpapalíbog din naman sa katulad niyang tila ba bathalumang griyego na alam kong marami ang handang sumamba. Sa bibig n'ya na rin mismo nanggaling ang mga salitang iyon.

Walang-wala akong karanasan sa kalakaran na ito. Hindi ko naranasan ang lumandi o magkanobyo. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pakiramdam na mahalikan ngunit ewan ko ba sa sarili ko pero nang sabihin niya kaninang na-horny daw s'ya dahil sa akin, pakiramdam ko ay nakatanggap ako ng medalya.

O baka weirdong epekto lang din ito ng alak na iyon? Expire na kaya iyon kaya kakaiba talaga ang naging lahid niyon sa sistema ko?

Binasa ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi yata naiintindihan ng lalaki ang bentilador. Kunsabagay sa tatas at expensive ng kanyang pag-i-ingles, marahil ay hindi na ito gaanong nakakaunawa ng ibang salita sa Pilipino.

"Bentilador, electric fan ho 'yon. Kasi... Uhm ano ho kasi, naiinitan ho ako kaya kailangan ko ho ng lamang sa sapat na hangin, Sir."

"The room temperature is quite cold. Tell me, have you taken any drug for this work?" Parang nang-iintriga o malapit-lapit din sa panunuligsa ang himig nito na kagyat kong pinabulaanan.

"Kung ilegal na druga ho ang tinutukoy ninyo, Sir ay malabo ko hong magagawa iyon. Malaki ho ang takot ko sa Panginoon higit lalo na po ngayon na nasa kaharian na niya ang Lola ko baka labis-labis hong kaparusahan ang ipataw niya sa akin kasi dakilang sulsulera ko si Lola Agapita ko," satsat ko.

Umaarangkada na naman ang kadaldalan ko gawa ng buhat nang tumira ako kina Tiyang Mona ay halos hindi ako makadaldal sa bahay nila. Paano, wala naman kasi akong madalas na kasama roon maliban sa shi tzu nilang si Gigi Hadid. Puwede ko naman sanang pagtiyagaan na kausapin ang aso na iyon pero masama rin ang ugali niyon at parati akong tinatahulan, mana sa amo nitong mga demonyita.

"Tsk. I can't do that. I have cold intolerance."

Ano 'yon?

"And don't you dare give me any orders. No one in their right state of mind who could dare do that to me, including you."

Naunawaan ko ang sinabi n'ya. Hindi ko man gaanong napag-aralan ang magsalita ng ingles pero nakakaintindi naman ako kahit papaano.

"Pasensiya na ho kayo, Sir." Lumunok ako. "'Yong ilaw ho, hindi ho ba natin bubuksan? Paano n'yo ho ako makikitang sumayaw?"

Hiding the Devil CEO's TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon