Hiding the Devil CEO's Twins
BlurbAnim na taon na ang nakakaraan nang maging desperada ako para sa oras at atens'yon ng isang Hector Evandre Griego.
Anim na taon na ang nakakaraan nang hinayaan ko siyang ituring akong walang kuwenta maliban sa pagiging parausan n'ya sa kama.
Anim na taon na ang nakakaraan nang ibaba ko ang sarili ko para lamang mamalimos ng kapiranggot na pagmamahal mula sa kanya.
Anim na taon na ang nakakaraan nang pumayag ako sa kagustuhan niyang maging utusan sa kompanya niyang itinuturing niyang imperyo kahit na ang totoo ay asawa ko s'ya.
Anim na taon na ang nakakaraan nang harap-harapan niya akong pinandirihan at mas pinili niyang intindihin ang babaeng totoo niyang mahal.
Anim na taon na... Anim na taon na ang nakalilipas ngunit presko pa rin sa alaala ko kung paano niya ako sapilitan na pinapirma para sa annulment ng aming kasal imbes na paniwalaan niya akong nagdadalantao ako sa aming kambal.
Anim na taon na ang nakakaraan nang nagising ako sa kahibangan na hindi masusuklian ng lalaking aking pinakasalan ang matinding pagmamahal ko sa kanya.
Ngayong nakabangon na ako at natututunan ko na siyang kalimutan, bakit ngayon pa pumasok ang tadhana para ang aming mga kapalaran ay muling paglaruan?
Magiging tagumpay ko kaya kung sa aming pagkikitang muli ng dati kong malupit na asawa ay tila magbabalik ang mga nangyari six years ago subalit sa magkabaliktad na scenario? Siya ang luluhod at magmamakaawa at ako naman ang magpapairal sa puso kong ginawa niyang bato?
BINABASA MO ANG
Hiding the Devil CEO's Twins
Ficción General📔Hiding the Devil CEO's Twins📔 An entry for Stary's Love Game with the Hot Billionaire contest. ❌⚠️ Contains hard SPG such as explicit sexual content, strong language etc. Readers discretion is advised.⚠️❌ The complete version of this story will o...