CHAPTER 4

989 48 11
                                    

Chapter 4


DONYA HONORATA GRIEGO

"Theía, lumabas na ang resulta ng MIR at ibang laboratory test ng pasiyente."

It is the first thing that Konstantin, my physician nephew, told me after he met me here at the lobby of this private hospital. Ito ang sadya ko rito sa ospital, ang malaman ang lagay ng dalagang nabangga namin no'ng kamakalawa. Bibisitahin ko ito ngayon at para na rin sunduin ito. Iyon ay kung makukumbensi ko itong sumama sa akin.

"Is everything good, hijo?"

"We see no any internal damage from her, Theía. No concussion, no fractures. She's already insisting on leaving this hospital since yesterday. She's impossibly stubborn. In fact, she almost made an escape plan last night." Napapailing na balita ng pamangkin ko.

I grin. "She's cute, isn't she, hijo?"

Hindi sumagot ang aking pamangkin at nagkibit lang ng balikat.

"Let me see my apo's soon-to-be bride."

"What? What do you mean, Theía?"

"That sweet girl, she's the answer to my prayer, Konstantin. Siya ang napili kong mapapangasawa ni Hector."

Natigilan ang pamangkin ko sa sinabi ko. "Theía, are you serious? You're going to arrange a marriage for Hector? Theía, Hector won't agree with it. Sasama ang loob no'n kapag ipagpipilitan mo ang isang bagay na hindi pabor sa kanya. Alam naman natin kung paano magalit 'yon."

Bumuntong hininga ako. "Gagawa ako ng paraan para mapapayag siya, Konstantin. He's already thirty-five for Christ's sake and he's single for like how long? A decade? My goodness! Gusto ko nang tuldukan ang akusasyon ng mga tao na bakla ang nag-iisa kong apong lalaki kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maikasal na siya sa lalong madaling panahon." Mariing litanya ko. Matagal na rin akong desidido sa balak kong ito.

"Theía, Hector is not gay." Natatawang umiling ang aking pamangkin. "Not being in a relationship does not always means a man is gay and does not want a woman. Sa kaso ni Hector, Theía alam naman nating hirap lang siyang umibig ulit matapos siyang hiwalayan ng babaeng mahal niya at piniling pumasok sa kumbento."

"Oh please, Kon. Huwag mo nang ipaalala sa akin iyan. Sumasakit lamang ang dibdib ko kapag naaalala ko ang pinagdaanan ni Hector noong mga panahon na 'yon." I dismissed the topic.

Lulan ng pribadong elevator ay nakarating kami sa ikaapat na palapag ng ospital. This private medical hospital was found by my late husband who was a doctor by profession when he's still alive. Ang nakababatang kapatid ng yumao kong asawa ang pinili kong mamahala ng ospital na ito buhat nang mabiyuda ako. At iyon nga ay ang ama nitong pamangkin kong si Konstantin.

I am too old to manage alone every single business we owned. Sa edad kong ito, dapat ay wala na akong inaalalang trabaho at obligasyon sa mga kompanyang saklaw ng pamilya Griego ngunit dahil mas pinili ng aking unico hijo na si Hendrik ang maglagalag sa iba't ibang bahagi ng mundo kasama ang bago niyang asawa na bukod sa sosyalera ay gastadura pa kaya heto ako't patuloy na tumutulong sa pagpapatakbo ng mga negosyo.

Nagpapasalamat na lamang ako na hindi tumulad ang apo kong si Hector sa kanyang ama. Ang apo ko lang na si Hector ang tanging maaasahan ko sa lahat ng bagay. Napupunan niya ang lahat pati na ang sana'y mga responsibilidad ng kanyang ama sa pamilya.

I have three grandchildren from my son Hendrik. Iba-iba ang ina ng aking mga apo. My beloved Hector is the eldest grandchild and my only grandson. Hera and Helena, my granddaughters we're still both teens. Mga kolehiyala pa at umaasa rin sa kuya nila na tumatayong magulang ng mga ito. My grandson has a plenty of obligations loaded in his shoulder.

Hiding the Devil CEO's TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon